2 - The Agreement

7.1K 387 26
                                    

Sa Resort Room nila Rhian at Bianca

"Uy B, kagabi ka pa tulala diyan. What's wrong with you?" pansin ni Bianca sa kaibigan.

"Iniisip ko lang yong takbo ng usapan namin kahapon, bigla tuloy akong nahiya. Parang ayaw ko na tuloy magpakita sa kanya." mahina niyang sagot.

"Bakit may balak ka pang makita siya ulit? Haha knowing you siguro tinarayan mo siya anoh?" usig ng kaibigan. Binalikan lang siya ng masamang tingin ni Rhian.

"Baka andon ulit siya sa tulay mamya." bulong niya pagalis ng tingin sa kaibigan.

"Doon ka galing kahapon?" takang tanong ni Bianca at tango lang ang sagot ng isa. "Don't ever go there again pag ganong oras especially pag palubog ng araw." sabi nito na parang bata lang ang pinagsasabihan." Ang gala mo talaga kararating lang natin kahapon nawala ka na agad."

"Bakit mo nasabi na huwag akong pupunta sa putol na tulay lalo na sa hapon?" pagbabalewala niya sa paalala ng kaibigan. Tiningnan lang siya ni Bianca pero makulit lang talaga si Rhian at ayaw niya tigilan ang kaibigan.

"I've heard when I first came here that every late afternoon is Glaiza's time staying in that place. Maraming gusto mag stay sa lugar na yon pero when late afternoon comes nawawala ang mga tao dahil alam nila darating si G." umpisa ni Bianca.

"Wow ha, is that how bossy she is? No wonder how she spoke to me yesterday." irap ni Rhian pero hinampas lang siya ni Bianca."Aww! Ano ba B!" sigaw niya.

"Patapusin mo muna kaya ako, pwede." as she rolled her eyes to her. "I think she's well loved in the family being the youngest nga di ba? and the whole town as well. Kilala siya as the lovable and jolly Glaiza since she's little sabi ng mga taga rito. Maliit na bayan lang naman ito eh. But then something happened daw that suddenly she became so aloof and has been a loner na lang though she's not snob naman." kwento ni Bianca.

"Maybe when the people learned about her sexuality kaya naging ilag na siya sa tao." singit ni Rhian.

"I don't think so. Alam nila ang sexual preference niya but the people didn't mind dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal nila sa pamilyang Galura. Ayaw ko lang magtanong pa ng magtanong kasi nakakahiya naman, I'm just a guest here baka isipin nila chismosa ako."

"Ako nga nasabihan niya ng chismosa." sabi ni Rhian

"Ha!? Sinabihan ka ni G?! Bakit anong mga tinanong mo?" usisa ni Bianca.

"Wala naman, you know me. Just curious." sagot ni Rhian.

"Leave her alone, makakalaban mo ang buong bayan na to, sige ka." - Bianca

"What? I'm not gonna hurt their little princess?"- Rhian

"Rhi, I'm serious." mariing saway ni Bianca.

"If you only knew kung paano niya ako sagutin kahapon." depensa ng isa.

"Bahala ka, if something happens to her, hindi ka na makakabalik ng Manila." banta ni Bianca.

"Ok lang."-Rhian.

"Ano?!" gulat na sagot ni Bianca pero tawa lang ang ginanti ni Rhian. "Ay ewan ko sa'yo, let's eat breakfast and we'll go diving and snorkeling. Hurry up."

"What time are we gonna be back?"- Rhian

"Hindi pa lang tayo nakakaalis, pabalik na agad ang gusto mo. Why?"- Bianca.

"Nothing. We need to be back before sunset." mataray na sagot ni Rhian saka naglakad papuntang bathroom.

"Not her B, I'm warning you!" sigaw ni Bianca sa kaibigan. "And by the way, didn't you find her familiar?" tanong ni Bianca sa saradong pintuan ng bathroom nila at napangiti siya dahil biglang nagbukas ang pinto at dumungaw ang curious na kaibigan.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon