12 - The Acceptance

7.2K 387 93
                                    

Rhian

I woke up with no Glaiza by my side but just a pillow in between my arms. I looked at it and knew that it's not one of my pillows. I pulled it up and saw a customized large size pillow with panda bear design. I didn't see this last night, bulong ko sa sarili ko, I pulled myself up to sit and looked around to see if there is any sign of Glaiza, umalis na kaya siya? I took my cellphone to call her when I saw her message.

Glai: Antuking Binibini, sorry I didn't wake you up to say goodbye. You're in deep sleep and obviously dreaming of me:) I may not be there but Panda Pillow will look after you while I'm away, so if you miss me, hug Panda Pillow but don't abuse her, ok?

I was smiling like an idiot and decided to call her.

"Good morning, Mk. Kagigising mo lang?" sagot niya sa tawag ko. Ang sarap pakinggan, sabi niya tawag daw niya sa akin yon pag kaming dalawa lang.

"Kanina pa."  sagot ko lang.

"Kanina ka pa na nanaginip? Kasi ang boses mo mukhang kagigising lang." and I heard her laugh.

"Hey!" saway ko "You're still driving, right? Is it ok talking with you?" pagbago ko bigla ng boses, napalitan ng pagaalala.

"Huwag kang mag alala naka bluetooth earphone ako." sagot niya. "Maganda bang panaginip mo?"

"Yeah, and speaking of dream, why did you say that I'm dreaming of you?!" malakas na boses kong balik sa kanya.

"Hindi ba? Ah paumanhin binibini akala ko kasi ako. Ang tamis kasi ng ngiti mo tapos ay bumubulong ka. Mali lang siguro ang pangalang narinig ko." sabi niya at bigla akong namula.

"Are you serious? Hindi ako nagsasalita pag tulog noh!" depensa ko at natawa siya "Ikaw kaya ang nagsasalita!" balik ko sa kanya at napalakas lalo ang tawa niya. Asar talaga.

"Biro lang...mag almusal ka na tanghali na oh. Alam ko nasa kama ka pa. Nga pala dinala ko yong damit na ginamit ko, patas na tayo kasi hindi mo na binalik mga jacket ko." sabi niya.

"So ganon na lang pala pag ako pupunta sa inyo hindi na ako magdadala ng damit. I'll be using your clothes na rin?" rason ko.

"Hindi mo naman magugustuhan mga damit ko because it's more of shirts and jeans." sagot niya.

"Whatever. Got to go may taping pa ako this afternoon." paalam ko na.

"Sige, Mk. Magingat ka sa mga manliligaw mo baka mahulog ang loob mo sa kanila, makalimutan mo ako." tukso niyang sabi.

"Yeah, right and remember I'm warning you, Glaiza Galura. If I found out that your flirting with the girls out there I'm gonna put you together in the middle of the sea."

"Anong gagawin mo lulunurin mo kami?" tatawa tawa niyang tanong.

"No! More than that. Papakain ko kayo sa pating!" banta ko.

"Ah ganon ba? Ok lang." simple niyang sagot.

"What do you mean, ok lang?"

"Walang pating doon kaya kahit ibato mo kami sa dagat walang pating na magagawi doon at saka mahusay lumangoy mga babae sa amin, sigurado kayang kaya nila akong iligtas at akayin pabalik ng pampang." tawa niyang rason. How dare you, Glai.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon