19 - The Baby Rhi

8K 379 47
                                    

Glaiza

Hinatid namin si Rhian sa kanila at gabi na kami nakarating, dumaan muna kami sa condo ni Rhian at sa bagong unit na titirahan ko. Tulad ng napagusapan ay sa condo muna ni Rhian ako titira ng kahit na ilang linggo habang inaayos ang tutuluyan ko. At si Rhian ay sa bahay muna nila maglalagi. Nakapaghapunan na kami at kasalukuyang nagkukwentuhan sa may pool habang nagtsatsaa. Bumalik na rin si Randy sa amin pero nagbus na lamang siya.

"You said you have something to tell me?" bungad ng Mommy ni Rhian ng nasa may pool na kami.

"Yes, Mom." sabi ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. "Kami na po ni Glai." ngiti niyang sabi.

"Wow, really. Napasagot mo si Glaiza?" boses sa may sala nila at sabay sabay kaming napatingin kay Nadine. Pero hindi siya nagiisa, may banyagang lalaki na nakatayo sa likod niya.

"Dad!!!" biglang sigaw ni Rhian at patakbong lumapit sa tinawag niya. Matagal silang nagyakap at maya maya ay napansin ko ng umiiyak si Rhian.

"Sorry to be here just now, Sweetie." sabi ng ama ni Rhian.

"You're here now and that's important." sabi ni Rhian na nakayakap pa rin sa ama.

"You've been in rough times, I see." alo ng ama sa anak. "But I'm pretty sure that you win them all, especially now." makahulugan niyang sabi saka tumingin sa akin. Hindi ako makagalaw nanatili ako nakatayo. Nanlalamig ang mga kamay ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Napansin kong kumalas si Rhian sa pagkakayakap saka hinawakan ang kamay ng ama habang papalapit sa amin.

"Come Dad, I want you to meet someone." habang rinig kong sabi niya habang hila hila ni Rhian ang kanyang ama na nakangiting sumusunod sa kanya.

"Hi, sweetheart." bati ng Daddy ni Rhian kay Tita Clara na bumati din pabalik at saka tumingin sa akin.

"Dad, this is Glaiza, my girlfriend." pakilala sa akin ni Rhian sa kanyang ama.

"So she is the reason why I don't need to rush coming here" ngiting sabi ng Dad ni Rhian at bigla akong nahiya. "Nice meeting you Sweetie." sabay lapit sa akin at abot ng kamay at marahan akong hinila para yakapin. "Your hand's cold. Don't be afraid, I don't eat." mahina niyang tawa.

"Nice to meet you, too. Sir."

"Well, if not asking too much you can call me Dad, too. Being my daughter's girlfriend now, what do you think?" sabay kindat niya. Namula na akong tuluyan sa hiya.

"You're scaring her." narinig kong singit ni Rhian.

"Am I?" tanong na ngiti sa akin ng Daddy ni Rhian. Umiling lang ako at nagkamot sa batok.

"Sorry, Sir. I'm just overwhelmed by the way you and your family accept me." pagtatapat ko na.

"Why wouldn't we. You have a good heart I heard coming from my wife and Nadine and only good words from Rhian herself. All is fair in love, isn't it?" nasambit niya at napatango lang ako. "You're really a shy girl, very different from my Rhian." at tumawa siya.

"And what's that supposed to mean?" taray na singit ni Rhi.

"See what I mean?" baling sa akin muli ng Daddy ni Rhian at saka tumawa kaya napatawa na rin ang Mommy niya at si Nadine.

"Whatever." mataray na sabi ni Rhian saka siya lumapit sa akin at yumakap.

"Wow now you love her more than your Daddy." sabi ng Daddy niya.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon