6 - The Unexpected

6.1K 341 14
                                    

Rhian

Day 30. This is it. The day na usapan namin ni Glaiza na magkikita muli sa tulay. I really asked for a two-day leave just to be in this place. I want to surprise her kaya hindi ko ipinaalam sa kanya na pupunta ako. For the whole remaining days lagi akong busy kaya hindi rin kami gaanong nakakapag kwentuhan pero ok lang para sa amin basta magkausap kami kahit saglit lang. Madalas ko siyang nakakatulugan kaya I really wanted to see her. May mga hirit siya na minsan ay nakakapagisip sa akin pero I don't want to assume, maybe she's just like that. But it gives me strange feeling. Ewan, hindi ko na alam ang iisipin.

It's a long trip kaya I'm with our driver, Bianca has prior appointments na hindi niya pwedeng icancel plus may taping pa siya so I'm on my own. I wanted to take a bus pero
mahihirapan daw ako lalo na at wala akong kasama. It would be a big trouble knowing I'm all alone. Pero feeling excited and all giddy sko. Ano ba tong feeling ko parang makikipag kita ako sa crush ko. Ano crush ko? Hay! Erase! Erase! I know for the past 30 days alam na ni Glaiza ang isasagot ko but still she wants to hear it straight from me and I want to tell her personally para makita ko rin ang reaksiyon niya. I missed seeing those eyes, her smile and her deep dimples. Woah! It looks like I'm whipped. Rhian are you sure? Very sure. How come? Because I've never been this talkative to myself before. It's kinda weird how I talk to myself nowadays. Glaiza brought out all the craziness I never thought I still had in me. Sa mga binibitawan niyang mga salita I know it has something. Still I don't want to assume.

"Mam, ok ka lang?" tanong ni Mang D sa akin, napansin niya siguro ang pag ilingiling ko at pag kurap kurap ng mata ko. Nasa likod ako ng van kasama ang PA ko, ayaw pumayag ni Mommy na mag isa talaga ako. Napakalayong lugar daw para ako lang. Van na rin daw ang gagamitin para makapag relax ako sa biyahe dahil alam niyang galing pa ako ng taping.

"Yes, Manong. I'm fine, just feeling a little dizzy."

"Itulog mo muna, Rhi tutal malayo pang biyahe natin." sabi ni Ms. Pia na nakangiti sa akin. Very supportive siya kaya nong halos ayaw akong payagan ni Mommy sabi niya ay samahan niya daw ako at hindi iiwanan, doon lang nakalma si Mommy.

"Ok, P. Alam niyo na ang lugar di ba?" tanong ko bago kinuha ang unan at umayos na.

"Yup, naka on naman ang gps pag nakaabot na sa bayan saka kita gigisingin kung tulog mantika ka pa rin." ngiti niyang sabi.

"No wake me up pag magstop over tayo for lunch." paalala ko at tumango siya.

"Ok." sagot niya lang kaya umayos na ako para matulog.

- - -

After ng lunch tuloy ang biyahe at nakatulog ulit ako, sobra ang puyat ko dahil sa magdamag na taping. Hindi pa lang ako nakakaisang page sa script na binabasa ko ay hinihila na akong matulog ng mga mata ko. Hindi ko na namalayan kung gaano na katagal akong nakatulog ng may marahang uga sa balikat ko.

"Rhi, andito na tayo." boses ni Pia. Napabalikwas ako at parang batang biglang na excite, umayos ako ng upo at tiningnan ang paligid. Napansin kong nasa harap na kami ng resort main entrance. Nagulat ako, paano nila nalaman ang lugar?

"Paano niyo nalaman kung saan?" takang tanong ko.

"Nagtanong kami sa bayan, kilala naman ang resort kaya hindi ka na namin ginising." paliwanag ni Pia at napatango na lang ako, nakapag pa reserve na rin ako dahil nakuha ko ang number ng nasa front desk.

"Alas 3 pasado pa lang ng hapon. Gutom ba kayo? Gusto niyo munang mag snacks?" aya ko kina Ms. P at Mang D at tumango lang sila kaya pagkatapos naming nag check in ay deretso kami sa may restaurant ng resort at umorder.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon