Glaiza
Ramdam ko ang init ng mga palad ni Rhi na humahagod sa aking likod. Ang mahihina niyang ungol na nakadadarang. Ang kanyang mga titig sa akin na bumabaon sa aking pagkatao. Ang mga halik na nagsasabing ako lang ang minahal niya ng ganito. Sa bawat galaw niya sa ilalim ko na nagsasabing kailangan niya ako. Mas lalo akong nadadala, masa lalo ko siyang nais angkinin, mas lalong kong nais madaliin ang panahon upang tuluyan siyang maging akin.
"Love, I feel your desire during that moment." bulong sa akin ni Rhi na nagpagising sa aking pagkatao. Muli nanaman akong nadala sa eksenang yon.
"Whoah! Bagay! Kayo na!" sunod naming narinig sa paligid."Iuwi mo na ako Glaiza! Kahit isang gabi lang" sigaw pa ng isang babae.
Napangiti akong tumitig kay Rhi at naramdaman ko ang kanyang palad na marahang humaplos sa aking kamay. "I can't wait for us to get married, Love. I want that scene to be real." mahina niyang bulong muli, ramdam ko ang init ng aking pisngi kahit na malamig sa aming paligid. Tama siya eksena lamang yon, at nang mga panahon na yon ay nadala ako sa eksenang yon. Ganon pala kung ang kapareha mo ay ang taong mahal mo, hindi mo maiiwasang maging makatotohanan ang bawat salita na binibitiwan at galaw mo. Matapos ang eksenang yon at pag uwi namin ni Rhi ay sa condo ko ako natulog dahil baka hindi ko kayang pigilan ang sarili ko, alam ko kung hindi ako lalayo ay matutuloy ang eksenang aming ginawa. Pero tukso talaga ang mahal ko dahil pilit niya akong kinakatok sa aking kwarto ngunit madiin kong sagot na hindi ko matitingnan sa mga mata ang mga magulang ko pag may nangyari sa min. 'Konting tiis na lang Cha, malapit na kayong ikasal' yon na lamang ang pang kalma ko sa sarili ko nong mga panahong yon. Mahal na mahal ko Rhian at alam ko kung gaano niya rin ako kamahal. Mula ng matapos ang shooting at pag promote ng pelikula kita ang ningning sa aming mga mata. At kung tinatanong si Rhian sa aming mga interviews kung may posibilidad bang mahalin niya ako, tahasang niyang sinasabi na hindi ito malayong mangyari.
"I believe that when we fall in love, we fall in love. Glaiza's the person whom you can easily fall in love with."
Yon ang madalas niyang isagot. Ngunit may mga bumabatikos pa rin sa kanyang mga sagot. Sinasabing bahagi lamang ito ng pelikula kaya mas magugulat ka sa sagot niya sa ganitong mga batikos.
"I don't think so. Glaiza and I will be inseparable from now on."
Ngiti niyang tugon.
At ngayon nga ay nandito kami sa premier night ng pelikula namin ni Rhi at simula ng sabay kaming dumating ni Rhian sa sinehan na to hanggang sa pagbati at pagsasalita sa lahat ng manonood bago umpisahang ipalabas ang aming pelikula ay hindi binitawan ni Rhian ang kamay ko. Ang tanging sagot niya sa bawat tinging tanong ko sa kanya ay "If I can't say it yet, Love, then let me just show it. It's for them to think and judge." at binigyan lang ako ng makahulugang ngiti. Paano ba umabot sa ganitong desisyon ang mahal ko? Saka ko muling naalala ang mga naganap.
"Hi Rhi!" bati ng lalaking papasok na ngumiti lang sa akin.
"TJ?" rinig kong tawag ni Rhi "What are you doing here?" bago pa ako tuluyang nakalabas ay narinig kong tinawag ako ni Rhi.
"Glai could you please come back here." pakiusap niya."Visiting someone special to me." sagot ni TJ
"Why?" sarkastiko ng tanong ni Rhian at pagbaling ko ng tingin sa kanila ay sa akin na siya nakatingin at taas ang isang kamay na wari mo ay hinihintay na hawakan ko."Come here Glai. Please." muli niyang sabi, kaya napilitan akong bumalik sa kinatatayuan niya, pagkalapit ko ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hindi tinanggap ang bulaklak na dala ni TJ. "Glai, this is TJ, my former loveteam and ex boyfriend. TJ this is Glaiza, my present loveteam and girlfriend." pakilala niya sa isa't isa sa amin ni TJ, nagulat ako at kita rin ang saglit na pagka bigla sa mukha ni TJ ngunit napalitan yon ng tawa.
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
FanfictionFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...