Glaiza
Pagkatapos ng palitan namin ng messages ni Rhian ay hindi pa ako agad makatulog. Dinadama ko ang puso ko, bakit ganito ang nararamdaman ko. Kailan ba huling nadama ko ang ganito? Pero bakit mas matindi ngayon, pero kailan ko lang siya nakilala? Samantalang si Anna, ilang taon kaming mag kasama, kababata at naging matalik ko pang kaibigan. Nangungulila pa rin ba ako sa'yo Anna kaya ganito ako ngayon? Natatakot ako sa maaaring isagot ni Rhian sa mga itinanong ko sa kanya kanina kaya pinutol ko na, paano kung hindi pala ako ang tinutukoy niya pero paano rin kung ako? Artista siya Cha, huwag mong kalilimutan, sikat siya sa industriya. Isa pa ay sariwa pa ang sugat sa puso niya mula sa katatapos niyang relasyon. Higit sa lahat hindi siya maiinlove sa'yo, straight siya, straight. Tandaan mo yan, sermon at paalala ko sa sarili ko.
- - -
Nakalipas ang isang linggo at tanging "Hi" at "Hello", "good morning" at "good night" lang ang madalas na naging palitan namin ng mensahe ni Rhian. Gusto ko na siyang iwasan dahil baka masaktan lang ako. Pero may agreement kami at kung titingnan ay 11 na araw pa lamang, pero bakit ganito nasasabik ko na muli siyang makita? Bakit parang nangingulila na ako sa kanya? Kahit man lang sana marinig ang boses niya. Pero umiiwas ako dahil natatakot na ako sa nararamdaman ko. Kasalanan mo rin naman Glaiza eh, ikaw ang nagsuggest ng 30 days ngayon panindigan mong tulungan siya sa loob ng 30 days, sermon ko sa sarili ko. Ano tong pinasok mo Cha? Sabi mo hindi ka na ulit iibig pa pero bakit ngayon mukhang napasubo ka at sa isang straight pa. Subsob kong inihiga ang mukha ko sa unan at pilit na muling matulog nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Rhi: Still awake?
Sasagutin ko ba?
Rhi: Are you avoiding me?
Anong isasagot ko, nararamdaman ba niya na iniiwasan ko na siya?
Rhi: Are you backing out this early with our 30 day-agreement?
Bakit hindi ako makasagot? Hindi ko alam ang isasagot ko ng tumunog muli ang cellphone ko.
Rhi: No matter how exhausted I am, pissed or mad about some situations I always look at the brighter side because I promised to follow your suggestion of 30 days of being positive.
Anong ginawa mo Cha? Bakit ngayon ikaw ang sumisira sa sarili mong payo. Nasapo ko ang ulo ko.
Rhi: And you're one of those positive thoughts that I want to think of.
Rhi, bakit mo to sinasabi?
Rhi: I just want to let you know.
Nanatili lang akong nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at sasabihin ko o ang iisipin ko.
Rhi: Just missing you. Good night.
Yon lang at iniangat ko na ang phone sa tenga ko.
"Hello Glai?"
Namiss ko ang boses na yon, pakiramdam ko yon lang nagpapakalma ng puso kong nagwawala.
"M-miss you, too."
Yon lang nasabi ko. Agad agad, hindi naman obvious na namiss mo siya ano Cha? Kantiyaw ko sa sarili ko. I heard her giggle at parang musika yon sa tenga ko."Hindi naman obvious na namiss mo ako ano?" Kantiyaw niya sa akin.
"Sino kayang unang nagsabi ng I miss you?" depensa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/89727529-288-k563180.jpg)
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
FanfictionFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...