Lia's p.o.v
I woke up with my alarm ringin and Papa's knock on the door
"Lia, bumangon ka na jan anong oras na"
"Gising na po"
"Nako, first day of work mo anak late ka na agad"
Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.
"Hala si papa ang o.a. 10am pa ang pasok ko, 6am pa lang po"
"Syempre hahanapin mo pa ang building mo, magcocommute ka pa, tatawid ka pa ng dagat, aakyat ka pa ng bundo-"
"Sobrang o.a na talaga... eto na po mag aayos na"
Natawa naman siya.
"Okay, love you!"
Unang araw ko ngayon sa una kong office work. May experience naman na ako sa work, pero sa ibang field nga lang. Napag isipan ko na ding magchange career ng maka graduate ako ng college.
Nang matapos na ako sa pag aayos ay bumaba na ako para mag almusal. Nag hain si papa ng fried rice at skinless longganisa.Favorite.
"Wow! Ang special naman ng first day ko para ganahan kang magluto ng favorite ko Pa" Tukso ko kay Papa habang tinitignan siyang nag aasikaso ng mga pinaglutuan n'ya.
"Aba'y syempre. Gusto kong special ang first day of job mo, at good luck food na din, nilakbay ko pa ang mundo para makahanap ng skinless longganisa no"
Humarap naman s'ya sakin ng nakapamewang habang may suot-suot na apron at putok na putok ang make up sa mukha, dahilan para maibuga ko ang kinakain ko.
"Pfft... Pa ano ba yang itsura mo, ang aga-aga mukha ka nanamang clown" pang aasar ko sakanya, dahilan para tarayan n'ya ako.
My Dad is gay, and I'm super proud of him. Nung umamin sakin si Papa na lalaki ang gusto n'ya ay hindi na akk nabigla. Dahil una palang alam ko naman ng bakla si Papa dahil sa kilos at pananalita neto.
Pero minahal naman daw n'ya ng sobra si Mama nung nabubuhay pa ito. Kwento pa nga n'ya sakin. Si Mama daw ang nanligaw sakanya noon. Dahil sa magandang babae daw si Mama ay nauto s'ya neto kaya inanakan n'ya at ako ang bunga.
Pero sa kasamaang palad, namatay si mama right after niya akong iluwal sa mundo. Grabe daw ang pagiyak ni Papa noon dahil hindi pa siya ready maging MaPa.
"May awra kasi ako mamaya sa Salon. May boylet na kasama ang Tita Jojo mo. Syempre si bakla kailangan full pack, para may mauwing boylet" malanding ani ni papa. Parehas sila ni Tita Jojo short for Jomar na bakla.
Kwento naman sakin ni Tita eh naimpluwensyahan lang s'ya ni Papa kaya naging bakla eto. Pero hindi ako naniwala dahil pinakita sakin ni Papa ang picture nila nung bata na naka make up at naka damit pambabae na din si Tita Jojo.
"Aga-aga ng landi mo Pa ha. Kung andito si Mama, sinabunutan ka na non"
"Ay subukan lang n'ya. Ipaparanas ko sakanya ang kapangyarihan ni Amor Powers" Ani ni Papa habang umaarteng may sinasabunutan. Kaya hindi ko mapigilang tumawa habang kumakain.
Nag patuloy lang yung usapan namin habang kumakain ako. Simula noong nawala si Mama, si Papa na ang tumayong Ina ko. Sabi pa nga n'ya ay mas feel pa daw n'ya ang maging nanay kaysa sa tatay. Dahil hindi daw bagay ang salitang tatay sa beauty n'ya.
In all honesty, hindi ko naramdaman ang pagka ulila ko sa ina dahil never nag kulang sa pag aalaga sakin si Papa. Araw-araw ay pinapadama n'ya sakin ang pagmamahal ng dalawang magulang. Kaya gagawin ko lahat mabigyan lang si Papa ng magandang buhay.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romance(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...