Chapter One

8.4K 202 16
                                    

Lia's p.o.v

Sa dinami-daming company na pwede mong pag apply-an Lia, bakit dito pa! Sinuwerte ka ba talaga o minalas?

Nakaupo na ako ngayon sa desk ko na nasa harapan ng office ni Sandra. Kung may buhay lang ang pinto n'ya siguro naiilang na'to sa sobrang sama ng titig ko.

Is this your plan, Sandra? Do you want to ruin me again? Or maybe I'm just overthinking, what if wala naman talaga siyang alam na ako ang bago niyang secretary. O.A lang talaga ako minsan mag isip

"Well kung may balak man siya, hindi naman na n'ya ako masisira. Wala na s'yang epekto sakin" mayabang na ani ko habang nakangising nakatitig sa pintuan n'ya.

"Sino?"

"Si... Ay! Hello po! Good morning po" nagulat ako ng magtanong ang babaeng katabi ko. Dalawa ang desk sa harapan ng office ni Sandra. Medyo magkalapit kami kaya dinig namin ang isat-isa.

Nagpangalumbaba siya sakanyang desk. Habang binibigyan ako ng mapanuring tingin "So sino ang tinutukoy mo?" Curious na tanong n'ya sakin. Nag init naman agad ang pisngi ko dahil narinig n'yang nagsasalita ako kanina.

"Yung pusa ko po, hindi na ako magpapauto sa kacute-an n'ya. Lagi nalang kasing nauubos yung pera ko sakanya" I faked a laugh

"Owemji may cat ka?! Meron din ako. Anong lahi?" Nakangiting ani n'ya.

Base sa kutis niya at appearance ay mga nasa 25+ palang siya. Maganda din siyang babae. Medyo may hawig s'ya kay Marian Rivera, ang amo ng mukha. Lalo na kapag ngumingiti siya, labas na labas yung dimple

"Black po na persian cat"

"Ohhh talaga... sakin Siamese cat, his name is Hunter, magilig kasi sya mang hunting ng daga at ipis, sobrang kulit laging takbo ng takbo sa loob ng bahay" ani nya dahilan para mapatawa ako, kasi sobrang exaggerated ng face at actions niya habang nagkukwento.

"Same sila ng cat ko si Pepper, magugulat nalang ako may ipis na gumagapang sa katawan ko, regalo pala niya."

"Feeling nila ang saya natin everytime na may binibigay silang mga patay na hayop. Kala nila yung sigaw natin is because of happiness, may pagka shunga din mga pusa no?" Wika niya, na sabay naming tinawa.

Hindi ko akalaing magki-click kami right away ng dahil lang sa pusa.

"Btw, ikaw yung bagong secretary ni Ms. Domingo diba?" Pag babago n'ya ng topic.

"Yes po"

"I'm Candice, ako ang magiging assistant mo dito sa company." Inilahad niya ang kanang kamay para makipag shake hands, na tinugunan ko naman.

"Nice to meet you, Candice. I'm Liandria, Lia for short"

Tumingin sa paligid si Candice atsaka naglean sakin ng kaonti " Ngayon palang sasabihan na kita ng Good luck girl" pabulong na ani nito na ikinakunot ng noo ko. "Wala pang tumatagal na secretary yan si Boss, 1 month na ang pinaka-matagal. Kaya hindi ko alam kung ilang araw ka tatagal" pag tutuloy niya

Baka nga hindi pa ako abutin ng isang linggo dito.

"Bakit naman?"

"Sa dalawang taong pagiging presidente nya sa kumpanya, halos bilang lang sa daliri ang tumagal ng isang buwan. Lahat eh nag reresign agad dahil sa ugali ni ma'am. Saksi ako sa pag papalit palit ng Secretary n'ya. Kahit na assistant secretary ako ehh hindi ko naman s'ya nakakausap. Kasi lahat ng transaction n'ya ay sa secretary dumadaan" pabulong na ani neto na pinapakinggan ko naman ng mabuti.

Mabait naman si Sandra dati or so I thought. Pero never ko s'yang nakitang nagalit or nagsungit. Lagi s'yang nakangiti at never naging seryoso sa buhay. Kaya hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito saakin.

Dirty Little Secret (GxG)Where stories live. Discover now