Chapter Ten

6.4K 167 31
                                    

"What the fuck is this?" Sigaw ng nasa labas na nakapag hiwalay saming dalawa ni Luna ng wala sa oras. "Ayon ang sinabi ni Ivy Aguas kay Arnaldo Mother" napaayos ako ng upo ng marinig si Dani na nagsasalita sa labas ng pintuan. Hindi naman ako makatingin sa katabi ko dahil sa hiya.

Muntik na kaming mag kiss!!!

"Power naman ni Ivy- ay may bisita tayo" Saad ni Tito Jojo ng mapansin kaming dalawa ni Luna sa sala. Agad namang tumayo si Luna at nag bow sakanilang dalawa.

"Dada, Tito si Luna po kapatid ng fiancé ng boss ko" Turo ko kay Luna na kumaway sakanilang dalawa. "Luna, that's Dani but we call him Dada, the one with a gap on his teeth and the other one with a big belly is Uncle Jojo" Turo ko naman sa dalawang bading na nakatayo sa pintuan.

"Ganda ng description mo samin beshy ha, nakaka taas ng confident" Saad ni Dani na tinawanan ko lang.

"Ang ganda mo namang bata, ilang taon ka na?" Tanong ni Tito Jojo kay Luna, pero binigyan ako ni Luna na tingin na humihingi ng saklolo at doon ko naman narealize kung bakit.

"Ay oo nga pala, hindi siya nakakaintindi ng tagalog guys. Kailangan niyo siyang kausapin in english" Pagpapaliwanag ko, pabirong hinagis ni Dani ang bimpo niya.

"Dami ko palang ganap sa bahay mother jo, una na ako ha" Maglalakad na sana siya papalabas ng pigilan siya ni Tito Jojo. Habang ako ay natatawa lang habang pinapanood sila.

"Pardon me Luna ohhhhh panis pardon" Mayabang na panimula ni Tito Jojo habang kinukumpas ang kanang kamay na nakaturo ang hintuturo.

"Taray ng wordings mo Mima" Laro naman ni Dani habang tinugunan naman ni Tito Jojo ng paghawi sa kanayang imaginary hair.

"Pardon me Luna, what is your age?" Barok na english niya kay Luna.

"I'm actually 28 turning 29 next month" Mukhang nabigla sila Tito Jojo sa edad ni Luna dahil mukha pa itong bata, miski naman ako ay nabigla kala ko mas bata pa siya kay Sandra.

"You are..." Nagkaroon ng mahabang pause ang sasabihin ni Tito, parang kinoconstruct pa niya sa utak niya yung sasabihin kay Luna. "Good" Natawa naman kami ni Dani ng tanging iyon nalang ang nasabi niya.

"Yabang-yabang mo pa kanina mother wala ka din pala" Pang ookray ni Dani kay Tito Jojo kaya siniko siya nito ng pabiro.

"Ikaw na nga lang mag translate sakanya Lia, hindi ako nakapagbaon ng english ngayon" Pagsuko niya, kaya napailing nalang ako. Umupo naman na sila sa sofa at walang halong pag aalangan ay kinain nila agad ang nasa lamesa.

"Beshy ang ganda niya ha, medyo hawig kayo" Puna ni Dani saming dalawa, napatango naman si Tito Jojo.

"Oo nga medyo hawig kayo, para kayong magkapatid" Napatitig naman ako kay Luna at miski siya ay napatitig sakin, nalilito pa siya kung bakit kami nakatingin sakanya.

"They said that we look a like, like we're sisters" Pagpapaliwanag ko sakanya tumango naman siya ng malaman ang reason kung bakit kami nakatingin sakanya.

"Really? I didn't notice that. You look more beautiful than me" Saad niya, namula naman ang pisngi at napaiwas ng tingin.

"Uyyy si beshy kinikilig" Pang aasar ni Dani ng mapansin niya ako. Pinandilatan ko naman siya ng mata pero lalo lang niya akong inasar, nahagip naman ng mata ko si Luna na nakangisi pero nabaling lang ang atensyon ko kay Dani at Tito na inaasar ako.

"May something sainyo no?" Turo ni Tito Jojo saming dalawa.

"Issue kayong dalawa, halos boss ko na din yan si Luna. Kaya please wag kayong gumawa ng kwento" Pag dedepensa ko sa sarili ko.

Dirty Little Secret (GxG)Where stories live. Discover now