Lia's p.o.v
"Girl tara lunch na tayo. May bagong bukas na resto sa baba"
Past will always be past.
What does that mean? Its also too random na may mag abot sakin ng letter na yun, at bakit sa E.K. pa? May sumunod ba sakin? Alam kong hindi ko dapat yun isipin pero kahit sino naman sigurong tao na makatanggap noon out of nowhere eh mag ooverthink din.
"Girl tara na, nagugutom na ako"
Also, ang pinag ooverthink ko bakit sa dinami dami ng tao sa park na yun eh ako pa ang napag bigyan, at sino ang nag bigay. Of course, yung clown ang nag abot pero sino ang nag paabot?
Pero siguro motivational quote lang, kasi uso ngayon yung mga strangers na nag aabot ng papel na may sulat. Kaso anong nakaka motivate doon eh nag ooverthink ako ngayon.
"Teh ihahampas ko na sayo tong keyboard mo" napukaw ang atensyon ko ng buhatin ni Candice ang keyboard ng computer ko.
"Ay, kanina ka pa jan?" Walang muang kong tanong
"Oo, malapit ko na din iwasiwas sayo tong keyboard. Anyare sayo? Bat ka ba tulala?" Sabi niya while giving me a questioning look.
"Gutom lang ako kaya natutulala. Hali ka na kain na tayo" palusot ko tsaka tumayo na. Hinatak ko naman siya papuntang elevator. "Saan tayo kain?"
"May bagong bukas na kainan jan sa baba. Japanese resto ata, try natin hanggang may promo sila" Excited na ani niya.
Pagbukas ng elevator sa ground floor ay bumungad samin ang nag aantay na si Luna. Agad namang pumorma ang mga ngiti sa labi niya ng makita ako.
"Hi Lia! lunch break?" nakangiting ani neto. Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Candice sa braso ko.
"Hello Luna, yes we're on a break. Have you taken your lunch?"
Umiling naman siya. "Not yet I'm planning to try the new resto beside the building. Who's with you by the way?" Pagbaling ng atensyon niya sa kasama kong kanina pa nakangiti.
"Oh, I forgot to introduce you to each other. Luna, this is Candice my assistant secretary. Candice this is Luna, sister of Ms. Domingo's fiancé and also, she's an intern right now here in our company" Pagpapakilala ko sakanilang dalawa, they both shake hands.
"Hello Ms. Luna nice meeting you, are you single? we can be double." Pabirong tanong ni Candice dahilan para mapakunot ang noo ni Luna pero ng magets niya ang sinabi neto ay bumungisngis nalang.
Siniko ko naman si Candice dahil sa nakakahiyang sinabi niya. Binigyan lang niya ako ng ngiting aso habang hinihimas ang parteng siniko ko. Sabay kaming ngumiti kay Luna na hanggang ngayon ay bumubungisngis.
"Ahm by the way Luna we're also heading to that new resto, you wanna join us?" Pagbabago ko ng usapan, ang pagbungisngis niya ay napalitan ng excitement.
"Sure, let's try it. Libre" cute na wika niya ng magsalita siya ng tagalog. I sense her shyness when we look at her cuteness dahil napaiwas ito ng tingin.
"Where did you learn that word Luna?" tanong ko
"I ask my kuya some common phrases that Filipino people usually says, he said that they always want to "libre" with their peers. So I'll libre the both of you to that new resto" I saw glimpse of joy and proudness in her eyes while explaining where she learns that phrase. She looks like a baby telling that story.
"Your kuya knows us Filipino very well ha. His choices of words makes me enthusiastic Ms. Luna" Kwelang pagsingit ni Candice sa aming dalawa. Natawa naman ako sa wordings niya, trip niya tong si Luna.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romantik(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...