"~I'M GONNA SWING FROM THE CHANDELIER... FROM THE CHANDELIER~~" Sabay na birit ng dalawang taong kasama ko sa kusina.
Ang aga-aga Lord, gabayan n'yo po ako.
Padabog kong hinampas ang lamesa para mapatigil ang dalawa. "Hoy! Pa! Dani! ang aga-aga sobrang ingay ninyo" pagsaway ko. Huminto naman silang dalawa para titigan ako pero wala pang ilang segundo ay sabay nanaman silang bumirit. Napatukod nalang ako ng siko sa lamesa at tinakpan ang mag kabilang tenga ko.
8:00 am pa sana ako gigising pero 7:00 am palang ay binulabog na ako ng dalawa, kaya in the end mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayon dito sa lamesa.
"Beshy ang aga-aga nakasimangot ka, sige ka buong araw kang mamalasin" Pagbabanta ni Dani habang si Papa naman ay tumango-tango lang sa pag sang-ayon habang kumakanta pa din.
Tinarayan ko silang dalawa. "Paanong hindi sisimangot eh ang aga-aga nag iingay na kayo! imbis na natutulog pa yung tao eh." Sumandal ako sa upuan at binigyan silang dalawa ng masamang tingin.
Pumunta naman si Dani kay Papa na ayaw mag paawat sa pag kanta at hinawakan ito sa braso. "Mother Loida, yung anak n'yo po kinukulam nanaman ako" Pagsusumbong neto, napatigil naman na si Papa sa pagkanta at tumingin saming dalawa.
"Kayong dalawa ang aga-aga nag sisigawan kayo. Mahiya naman kayo sa kapitbahay" Seryosong saway ni papa. Sabay kaming napatingin sakanya ni Nuih na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Wow Mother! hiyang-hiya yung manok ng kapitbahay dahil jan sa pag birit mo ha. Hindi na nga lumabas yung manok ni aling elvie kasi kinuhanan mo na siya ng trabaho."
"Teka nga... Beshy bat ba ang aga-aga mong andito? wala ka bang ginagawa sa buhay?" Pag babago ko ng usapan.
Lumapit naman sakin si Dada at naupo sa tabi ko. "Walang pagkain sa bahay kaya dito muna ako mag aalmusal." Tumingin siya kay papa. "Mother anong menu mo?" Malanding ani niya.
"Porkchop at sinangag with kamatis at itlog~" Pakantang sinabi ni Papa yung itlog habang nag sasandok na ng makakain. Napapalakpak naman si Dada dahil sa niluto ni papa.
"Poweeeeer! meron ba 'ko jan inay?"
"Syempre meron, mas nauna pa kitang naamoy na paparating dito sa bahay kaysa dito sa niluto ko."
"Aww natouch ako Mother, may lakas ako para umawra latur~" madramang wika ni Dada habang pabirong pinupunasan ang peke niyang luha.
Wondering kung anong ginagawa ko? Wala, pinapanood ko lang silang dalawa mag usap. Sila talaga ang cause of stress at stress reliever ko. No dull moments when I'm always with them, insert Tito Jojo.
"Beshy, punta pala tayo sa perya mamaya doon sa bayan. Dami daw boylets don!" Nakangiting sabi ni Danj na ngayon ay nakatingin na sakin.
"May pasok ako, tsaka 7pm pa uwi ko"
"Keri na yon, maaga pa naman yun. Atsaka sabado naman na bukas day off mo kaya gora na tayis"
"Sabagay never ko naisip yun beshy. Talino mo talaga bakla" Tsaka kami nag apir, habang si Dani ay proud sa sinabi ko at hinawi ang imaginary hair niya.
****
Maaga akong nakapasok sa office dahil wala namang masyadong traffic. 10am kasi ang pasok ko kaya wala na masyadong rush our sa daan. Hindi pa naman nag iistart ang shift ko ay binigyan na ako agad ng tambak na papers ni Bernadette para gawin ngayong buong araw. Kaya sinimulan ko na ito agad para maaga akong matapos kasi ngayong araw daw ang deadline nito.
"Ang aga mo girl ha" Napastop ako sa ginagawa ko ng marinig na mag salita si Candice
"Uyy jan ka na pala. Wala kasing traffic kaya mabilis akong nakarating dito. Atsaka parang byaheng langit na yung jeep na nasakyan ko kanina." Natatawang sambit ko tsaka ibinalik ang atensyon sa mga papel na nasa harapan ko.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romance(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...