Lia's P.O.V.
Pagbukas ko pa lang ng pinto, naramdaman ko agad ang init ng tahanan. Hindi lang dahil sa init na nilalabas ng kusina, it's because of the people who live in it. Kahit pagod ako mula sa biyahe, napangiti ako nang marinig ang malalakas na tawanan mula sa sala.
Bago pa ako tuluyang makapasok, narinig ko na ang malambing at pabirong boses ni Papa . "Bakit ang ganda-ganda ng aura mo ngayon, hija?" Napangiti ako habang tinanggal ko ang sapatos ko. Nandiyan na naman si Papa, napaka-observant.
Pagkakita ko sa kanya, nakaupo siya sa paborito niyang upuan, may hawak na tasa ng tsaa. Nakangiti siya sa akin, parang tinutukso ako. Hindi ko napigilang ngumiti pabalik. "Ewan ko ba, Pa. Siguro dahil ang saya ng araw ko ngayon."
Tumaas ang kilay ni Papa, halatang interesado. "Hmm, kaya pala fresh na fresh ang anak ko!" Natawa ako sa biro niya. Lagi niyang pinapansin ang glow ko, pero sa totoo lang, alam kong napansin niya ang masayang araw ko.
Bago pa ako makasagot, biglang dumating si Tito Jojo mula sa kusina, dala-dala ang tray ng cookies. "Nakakasilaw ang freshness mo, 'day!" Pabirong tanong niya, "May pa-flowers ka na naman ba d'yan?"
Natawa ako at umupo sa tabi ni Papa. Paano ko ba itatago ang kilig ko? Hindi ko na napigilan. "Wala naman. Galing lang ako sa date, tapos nagkwentuhan lang kami."
Mabilis ang mata ni Dani, at alam kong hindi ako makakalusot sa kanya. "Naku, hindi lang kwentuhan 'yan, sis! Spill the tea!" Lagi siyang ganito—parating nasa mood para makinig at maki tsismis, pero ngayon, ramdam ko ang excitement niya para sa akin.
Kunwaring nag-enjoy ako sa attention, sinubukan kong magpakalma. "Bakit? Hindi ba pwedeng masaya lang ako?"
"Hindi uubra sa amin 'yang drama mo, girl," ani Tito Jojo. Alam ko, kahit paano, gusto nilang marinig ang buong kwento. Kaya wala na akong nagawa kundi ikwento ang lahat—paano ako sinorpresa ni sandra, ang mga kwentuhan at asaran namin, at ang pag-amin ko sa kanya na alam na ng pamilya ko ang tungkol sa amin.
Habang nagsasalita ako, naramdaman ko ang kamay ni Papa na humahaplos sa buhok ko. "Hay nako, ang saya mo, anak," sabi niya nang may lambing. "Basta sigurado ka na diyan kay Sandra, okay kami. Gusto ko lang, happy ka."
May halo itong assurance at pagmamahal, at sa mga sandaling iyon, naramdaman ko kung gaano ako kaswerte na nandito sila para sa akin.
"Agree," ani Dani habang iniabot sa akin ang isang cookie. "Kung saan ka masaya, suporta kami!"
"Oo nga," sabi ni Tito Jojo, sabay ngiti. "Pero kung sakaling iwanan ka niya ulit, naku, alam mo na kung saan kami pupunta!"
Natawa ako at niyakap si Tito Jojo. Sobrang saya ko dahil nandiyan sila, palaging handang sumuporta, palaging nasa likod ko. "Walang magloloko, promise. Pero thank you, alam kong nandiyan kayo lagi."
Habang tumatawa kami at nag-aasaran, naramdaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-uwi—hindi lang sa bahay kundi sa isang lugar na puno ng pagmamahal, saya, at tiwala. Dito, kahit anong mangyari, alam kong may mga taong palaging nasa tabi ko.
Habang abala kami sa pagtatawanan at pang-aasar, biglang tumunog ang doorbell. Napatingin kaming lahat sa pinto, at ako na ang tumayo para buksan ito.
"Baka delivery 'yan!" sigaw ni Dani mula sa sofa, habang nilalaro ang kanyang cellphone.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang delivery guy na may hawak na malaking kahon. "Package po para kay Lia," sabi niya. Kinuha ko agad ang package at nagpasalamat, bago bumalik sa loob ng bahay.
"Ano 'yan, sis?" tanong ni Tito Jojo, na naglalaro pa rin ng isang cookie sa mga daliri niya.
"Ewan ko Tito," sagot ko, habang inaayos ang kahon sa mesa. Nakita ko ang pangalan ni Luna sa label, kaya naman agad kong naalala ang sinabi niya. "Ay! Ito na yata yung gown na pinadala ni Luna. Para sa 90th birthday ng lola niya bukas!"
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romance(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...