Chapter Thirteen

6.1K 138 32
                                    

Nang makaalis na ang dalawa ay bumalik na ako sa una kong ginagawa, which is naglalaro ng tetris sa office computer. Wala kasing binigay ngayon na work si Bernadette dahil natapos na daw lahat kahapon kaya ang ganap ko today is tumunganga.

"So girl, anong tingin mo sa fiancee ni Boss?" Mahinang sambit ni Candice sa tabi ko. Wala din siyang ginagawa kaya inilapit niya ang upuan niya sa station ko.

"Mabait naman" Walang ganang sagot ko. 

"Yun lang? hindi ka manlang ba napogian? nag kacrush bigla? Girl kung ganoon ba naman kagwapo ang magiging asawa ko eh gagawan ko agad ng lahi" 

Natawa naman ako sa sinabi ni Candice kaya nahampas ko siya ng pabiro sa balikat. "Bakla ka... Oo pogi siya and kitang kita ko yung pagiging manly niya the way he carries himself. Pero hindi ko feel silang dalawa, hindi sila bagay" Bitter na saad ko

"Luh, paano mo naman nasabi?"

Kasi kaming dalawa ni Sandra yung bagay.

"May certain aura lang sakanilang dalawa na hindi nagki-click for me. Siguro kung friends lang okay pa eh. But couple? it's a no for me" Umiling pa ako para maipakita ang hindi pag sang ayon.

"Well iba-iba naman tayo ng perspective, pero for me bagay sila ha. Ganda siguro ng magiging anak nila, grabe yung mga face card eh nananampal... and speaking of perspective at face card, look at Luna girl." Nginuso niya ang dereksyon ni Luna na busy sa kausap mula sa phone. "Pinagpala si bakla, beauty, height and brains. Sinalo lahat ng biyaya" Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sakanya kaya inangat niya ang tingin sa gawi namin. Dali-dali naman kaming nagtago ni Candice kaya natawa nalang kami sa kagagahan namin.

"Baliw to, mahuli tayo... isipin chinichika natin siya"

"Hindi naman niya tayo naiintindihan girl, palag na yan. Wag kang kabahan"

"Baliw ka talaga, mag ayos na tayo maglulunch na" Bumalik na siya sa station niya habang ako ay nag ayos ng gamit dahil kakain kami sa baba.

"Lia" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakitang papalapit si Luna.

"Yes Luna?" Ngiting saad ko.

"Mike just called me, he says that my parents want to see you. They want to treat you for lunch for taking care of Sandra yesterday. Do you want to come? it's okay if you don't want." Mukha namang nakikinig si Candice sa usapan namin dahil pag lingon ko sakanya ay nag thumbs up lang ito na para bang alam na ang itatanong ko.

"Yeah sure, no problem" Pag payag ko, napangiti naman siya at bumalik sa office niya para mag ayos ng gamit.

"Power mo bakla mamemeet mo ang parents" Panunukso sakin ng Candice ng makaalis na si Luna.

"Baliw, thankful lang sila dahil inalagaan ko si Sandra kahapon" Naguguilty talaga ako dahil ayun ang alam nilang ginawa ko kay Sandra kahapon. Kala nila eh kabutihan ang ginawa ko kahapon pero kabaliktaran pala.

"Grabe yung concern nila kay boss no. Kahit hindi nila anak eh grabe ang thankful sayo."

"Ikaw ba naman magkaroon ng ganung kagandang manugang eh hindi mo talaga hahayaang may mangyaring masama sakanya"

"May point ka, sana kapag nag ka manugang ako ganun din ang treatment sakin"

"Maganda ka naman eh, to be honest hawig mo si Marian Rivera. Super amo ng mukha mo" Saad ko sakanya pero mukhang hindi naniwala ang gaga.

"Wala pang sahod, hindi pa kita maililibre" Natatawang sabi niya.

"Baliw... Totoo nga, unang kita ko sayo eh gandang ganda ako. Super amo ng face mo, kaya no worries sa magiging manugang mo someday. Iingatan ka din nila"

Dirty Little Secret (GxG)Where stories live. Discover now