Chapter Nineteen

1.8K 47 2
                                    

Lia's p.o.v

I am currently fixing my things and retouching my make up dahil UWIAN NA! yes caps lock para dama ninyo yung excitement. Kahit jowa ko yung boss ko, uwian pa din ang pinakahihintay kong oras. Nasa edad na ako na gusto ko nalang manuod ng Tiktik habang nakahiga sa kama ko.

"Girl uwi kana? sabay na tayo pababa" Nabaling ang atensyon ko ng magsalita si Candice.

"Sure, inaayos ko lang tong gamit ko saglit"

"Go, retouch lang din ako. Hindi pala ako makakapasok bukas" 

Napatingin ako sakanya habang patuloy pa din sa pag aayos ng gamit ko.

"May sakit kasi si mother, walang mag aalaga. Lahat may pasok, kaya no choice ako nalang ang mag aalaga. Wag mo ko masyadong mamiss ha"

Napatawa naman ako sa huli niyang sinabi.

"Isang araw ka lang naman sigurong aabsent ano?"

"Hindi ko sure, baka hanggang friday akong wala"

"Bakla ka paano ako? feeling ko mababaliw ako dito ng dalawang araw" Madramang ani ko

"Ang o.a mo te, dalawang araw lang naman. Tsaka anjan naman si Luna, kayo muna ang magdaldalan" Nakangiting suhesyon niya.

"Girl, baka hindi lang kabaliwan ang mangyare sakin kapag si Luna ang kinausap ko. Nauubos ang hangin sa utak ko kapag kausap ko yun" Sabay kaming natawa ni Candice tsaka niya ako hinampas sa braso.

"Gaga may makarinig na linta dito sabihin pa kay Luna" pag saway ko sakanya

"Te sa sobrang close ninyo ni Luna feeling ko hindi yan maniniwala ng basta basta sa mga pinagsasabi ng ibang tao dito sa office. Ininvite ka pa nga sa birthday party ng lola niya diba, sino ka jan girl."

"Sige na, tara na nga at baka abutan pa tayo ng overtime."

Naglakad na kami palabas ng office, at habang nasa elevator, patuloy pa rin kaming nagtatawanan. Naisip ko na rin ang sinabi niya kanina tungkol sa pag-aalaga sa nanay niya.

"Wait, so paano na yan? Ikaw na ang full-time yaya ni mother mo?" biro ko.

"Oo, pero okay lang. Family first, diba? At least may break ako sa chismis dito sa office." Nagtaas siya ng kilay.

"Good luck sayo, girl. Huwag mong kalimutan mag-update pag may latest sa 'Real Housewives of our Office.'"

Pagdating namin sa lobby, nagpaalam na si Candice at ako naman ay naglakad patungo sa sakayan pero hindi pa man ako nakakalayo sa building ay may familiar na sasakyan ang huminto sa harapan ko.

Napahinto ako sa paglalakad, at nanlaki ang mata ko nang bumaba ang bintana ng sasakyan. Si Sandra.

"Need a ride?" Tanong niya na may kasamang ngiti, pero kita ko ang kaba sa mga mata niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, halatang hindi makapaniwala. Kahit pa sabihing magkasama kami ngayon sa opisina at lihim na nagkikita, hindi ko inasahan na dadalhin niya ako pauwi. Mas lalo na sa bahay ko.

"Ayaw mo?" ngumiti ulit siya, pero this time parang medyo nagpipigil ng tawa. "Sumakay ka na, Mahal. I know your shift just ended. I wanted to surprise you."

Surprise? Natigilan ako, pero bago pa ako makaisip ng dahilan para tumanggi, binuksan na niya ang pinto ng passenger seat.

"Come on Mahal, let me drive you home. Besides, it's been a while since... you know, I've been there."

Doon ako kinabahan ng totoo. Matagal-tagal na rin nga simula nung huling punta niya sa bahay. Back when things between us were simpler, masaya. Before everything got so complicated.

Dirty Little Secret (GxG)Where stories live. Discover now