8am na ng magising ako at hindi ko na din naabutan si Papa sa bahay. Maaga siguro siyang umalis kasi friday ngayon at panigurado ay dagsa ang customer niya sa salon.
Naghilamos at nag sipilyo na muna ako bago bumaba para tignan ang pagkain sa kusina. Buti naman at hindi masyadong nag tanong ng nag tanong si Papa kung bakit ako late ng nakauwi kagabi. Kailangan daw kasi niya mag beauty rest at baka nga daw mapalaban siya kinabukasan sa salon.
"Aray ko pooo" daing ko sa kanang braso ko. Nabigla nga ata to kahapon.
"Oh bat parang sakit na sakit ka sa katawan mo" napatalon ako ng mag salita si Tito Jojo sa likuran ko. Hindi ko napansing andito pala siya dahil busy ako sa pag inda ng balikat ko.
"Tito! Ginulat mo naman ako ih. Kanina ka pa ba jan?" Tanong ko
"Medyo lang, kakatapos ko lang kasi kumain kaya nag pahinga muna ako sa sala. Eh ikaw bat ka ba aray ng aray?" Tukoy niya sa balikat ko.
"Ehh... ang dami ko kasing binuhat na papers kahapon Tito, nabigla ata yung braso ko" palusot ko sakanya. Hindi ko magawang tumingin kay Tito dahil hindi ako sanay na mag sinungaling sakanila.
May kinuha naman siya sa bag niya at iniabot sakin. "Oh ayan, salonpas ilagay mo jan sa balikat mo para kahit papaano mawala yung sakit" kinuha ko naman ng may malaking ngiti at niyakap si tito sa gilid
"Thank you Tito! Girls scout ka talaga" puri ko sakanya, inawrahan lang niya ako ng mukha at nag paalam na para pumunta ng salon.
Nang makalabas na si Tito sa gate ay pumunta naman ako ng kusina para kumuha ng makakain. Nagluto si papa ng pritong tilapia at itlog na pula na nakahalo sa kamatis. Agad akong naglaway dahil parehas kong gusto ang ulam ngayon.
Habang kinakain ko ang inihain ni Papa ay bigla naman siyang sumagi sa isipan ko.
Hindi ko man madalas na sabihin kay papa na gaano ko siya kamahal at kaproud sakanya. Alam ko naman na nararamdaman pa rin niya iyon. Biruin mo yun, napalaki niya ako ng maayos at never kong naranasan mag hirap.
He always makes sure na nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, minsan pa nga 5 times a day dahil lagi siyang may dalang pagkain galing salon.
Never ko din nakita si Papa na nahirapan sa pag papalaki sakin, napag tapos niya ako sa private school na hindi umuutang at never ako nagkulang sa allowance for school. He always makes sure na his princess is living her best life. Kaya makapag ipon lang ako ay ipupurse ko ang dream course niya for me which is Law.
Noong bata ako lagi niyang sinasabi sakin na mag law daw ako para daw makatulong sa mga mahihirap at maging maalam din sa batas. Lagi akong umaayaw kasi wala akong bilib sa sarili ko. Lagi kong iniisip na Law is not for me, pero growing up and realising all his sacrifices for me, maybe its worth a try dahil ayun lang ang kaisa isang hiling sakin ni Papa.
Kaya I wish na God give Papa more years para masuklian ko naman siya sa lahat ng sakripisyo niya sakin, at handa akong magsakripisyo para lang sa Papa ko.
Naputol ang pag iisip ko ng pumasok si Tito Jojo na may dalang bouquet of red roses at chocolate na ferrero! Agad akong pumunta sakanya tinulungan siya sa pag bitbit, malaki kasi yung bulaklak at tatlong malalaking box ng chocolate ang hawak niya.
"Wow titooo binigay ng lalaki mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang boxes of chocolate sa lamesa.
"Gaga, asa kang bigyan ako ng mga yun ng ganitong kamamahal na regalo. Ni softdrinks nga hindi ako mabigyan" bitter na ani niya kaya natawa ako.
"Eh kanino yan?"
"Sayo daw eh, nakita ko kasing may nag aantay na itim na SUV jan sa labas ng bahay. Nung lumabas ako ng gate eh may lumabas din na lalaki mula doon sa sasakyan dala dala to, ibagay ko daw sayo" Agad namang nag form ang malaking ngiti sa labi ko ng malaman kong sakin iyon. Kaya kinuha ko ang bulaklak ng may kinang sa mga mata.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romance(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...