Lia's POV
Matapos naming mag usap ni Papa at kumain, dinala ko na ang gown na pinadala ni Sandra sa kwarto, medyo nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko simula pa kagabi dahil dito. Tsaka nakapag isip-isip na din ako na everything's fine. Sandra and I were fine, the ball is fine everything is perfectly done so walang other reason para umiyak ako mamayang gabi right?
Also, I checked all the guestlist and lahat ng invited ay mga artista, politician, entrepreneurs, friends, family and relatives of Domingos and Frabells. Kaya ni isa sakanila eh walang alam sa relasyon namin ni Sandra... Well except Candice, pero recently lang naman niya nalaman and yung red envelopes ay matagal ko ng natatanggap kaya alam kong wala akong ikakabahala kay Candice.
Pero this is not the right time to think about who's who and who's not, all I need to think right now is the ball. After all of this makakahinga na ako ng maluwag, next ay kung anong mangyayare saming dalawa ni Sandra. To be honest kinakabahan ako, I don't know what's gonna happen between us. Yung plano niya na bigla kaming mawawalang dalawa ay nakakabahala in some way.
Kasi think of it ha, you're a respected president of a well-known company and then suddenly you'll gonna vanish into thin air like you're just some normal person? Kung ako bigla ang mawawala pwede pa eh. Kasi hindi naman ako pag kakaguluhan ng buong pilipinas, pero kapag yung taong kilala at may malaking ambag sa ekonomiya ay biglang mawala ng walang pasabi that's gonna cause an alarm.
Pero Sandra said na everything is planned... kaya ayoko namang pagdudahan ang abilidad niya sa pag paplano. I put all my faith and trust to her and sana we can both live without hiding from everyone. I don't know what her plans is pero I hope na everything will go according to her plan.
"Be tulala ka nanaman" natigil ako sa pag mumuni-muni ng kalabitin ako ni Dani sa likod.
Nakasuot siya ng pink na crop top na hanggang ibabaw ng kanyang pusod at kapartner ng reap jeans niya na short na halos bumakat na ang itlog niya sa sobrang sikip. Meron din siyang choker sa leeg habang naka headband na may design na flower. Makapal ang blush on niya na mula sa liptint niyang amoy panis na pero hindi pa din niya maitapon kasi pigmented daw. Langhap ko din ang amoy ng kemikal na ginagamit sa pangrebond ng buhok mula sakanya. Malamang eh galing nanaman to sa Salon.
"Ganap mo Dani? Alam mo patagal ng patagal... paasim ka ng paasim" Natatawang asar ko sakanya.
Nginusuan lamang niya ako tsaka naupo sa tabi ko na animo'y hinahawi ang invisible niyang buhok. "Sorry ka, ang maasim na to ay may bebe na" mayabang niyang saad, hinahawi pa din ang buhok niyang hindi makita.
Nacurious naman ako sa sinabi niya dahil hindi na din kami masyadong nakakapag usap dalawa dahil na nga sa sobrang busy ko netong mga nakaraang araw.
Umusog ako papalapit sakanya at hinawakan ang braso niya "So anong chika? hindi ka na nagkukwento jan ha" nagtatampo kunwaring ani ko.
"Wow bes ako pa ang may kasalanan? ikaw nga tong laging busy jan. Hindi ka manlang makausap, hindi ka na nga napunta sa salon simula nung nagtrabaho ka jan kay Sandra"
Binigyan ko siya ng ngiting aso dahil alam kong totoo ang sinabi niya. Dati eh halos araw-araw akong nasa salon, ilipat ko nga lang ang kama ko doon ay hindi na ako aalis. Pero simula ng magtrabaho ako ay work at bahay nalang ang inaatupag ko. Hindi ko na nga makausap to si Dani dahil okupado ako ng trabaho idagdag pa ang sitwasyon namin ni Sandra at ang mga red envelopes na natatanggap ko.
"Sorry na Dada, sobrang busy lang talaga sa work. Alam mo naman, ako ang naatasan sa pag aayos ng ball kaya kailangan kong ibuhos lahat ng best ko doon. Plus stress pa ako saming dalawa ni Sandra kaya hindi na makapag process ng tama utak ko. Pag uwi ko galing office eh natutulog ako agad" Pag papaliwanag ko sakanya.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
Romantizm(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...