Lia's p.o.v.
Pagbukas ko ng pinto sa bahay, agad akong sinalubong ng mga tunog ng orasan na tila baga'y nagpapahiwatig na halos wala na akong oras.
Late na!
Napatingin ako sa wall clock—7:30PM na. Ang traffic dahil sa ulan ang nagpahaba ng biyahe ko pauwi, at ngayon, kulang na kulang na ako sa oras.
"Shit," bulong ko sa sarili ko habang mabilis kong hinubad ang basa kong damit.
The car's coming at 8:30 PM.
Wala na akong oras mag-procrastinate—kailangan kong magmadali.
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa banyo, nababahala na baka hindi ko kayanin maghanda on time. Sa isip ko, iniisa-isa ko na ang mga kailangan gawin: maligo, mag-ayos ng buhok, mag-makeup, isuot ang gown...
At baka may iba pa akong nakalimutan?
Para akong gulong-gulo, hindi malaman kung ano ang uunahin.
Habang tumatakbo ang oras, nararamdaman ko ang tumitinding kaba.
I can't be late.
Hindi pwede, lalo na't special ang event na ito para kay Luna at sa kanyang pamilya.
Pagkatapos maligo, nagsimula na akong magpatuyo ng buhok nang marinig ko ang mahihinang katok sa pinto.
"Anak, okay ka lang ba diyan? Parang ang tagal mong lumabas," tawag ni Papa mula sa labas ng kwarto.
Napasimangot ako sa salamin habang tinutuyo ang buhok ko, pero alam kong kailangan kong magmadali. "Okay lang, Pa! Naghahanda lang ako."
Ngunit biglang bumukas ang pinto, at sumilip si Papa, kasama sina Tito Jojo at Dani na parehong may malalaking ngiti sa mukha.
"Oh my gosh, girl! You look like you need some serious help!" sabi ni Tito Jojo habang pumapasok sa kwarto, si Dani naman ay may dalang malaking makeup kit.
"Wow straight english mother" Asar ni Dani kay Tito Jojo. "Baka matulungan ka namin, besh! We got you!" dagdag ni Dani, na agad tumungo sa dresser para ilabas ang mga gamit.
"Guys, thank you, pero kaya ko na—" simula ko pa lang magsalita, pero mabilis na akong pinigil ni Papa.
"Hush, hija. Masyado ka ng stress, hayaan mong tumulong kami sayo sa pag aayos." sabi ni Papa, lumapit siya at hinaplos ang balikat ko para kumalma ako.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang tatlo. Alam nila na kinakabahan na ako, pero imbis na pabayaan ako, nandito sila para suportahan ako. "Okay, fine. Help me out, please!"
Nagmadaling kumilos si Tito Jojo at Dani, tinutulungan akong mag-ayos ng buhok at maglagay ng makeup. Si Papa Loida naman, as always, was the calming presence, making sure everything was in order.
Habang inaayusan nila ako, naramdaman kong unti-unting nawawala ang kaba ko. Sobrang grateful ako na nandito sila para tulungan ako sa ganitong oras. Kahit pa late na ako nakauwi, at pakiramdam ko ay nag-panic na ako, the moment felt lighter with them by my side.
"Tingnan mo ang sarili mo, Lia. You look stunning," sabi ni Tito Jojo, with a satisfied smile nang matapos ang lahat.
Pagtingin ko sa salamin, nakita ko ang sarili ko—nakaayos na ang buhok, makeup, at suot ko na ang gown. I looked elegant and ready for the night. "Thanks, guys. You're the best."
"Of course, hija. Anything for you," sabi ni Papa Loida, habang inaayos ang isang hibla ng buhok ko.
Time check: 8:22 PM.
YOU ARE READING
Dirty Little Secret (GxG)
عاطفية(GirlxGirl) In the heart of the bustling city, beneath the veneer of professionalism, lies a web of secrets waiting to be unraveled. When Lia secures a coveted position at a prestigious company, she never expects to come face to face with her past...