Ruby POV:
Tanghali na ng magising ako dahil sa pagod. Pagmulat ng mga mata ko ay wala na si Jacob sa tabi ko. May nakahanda nading pagkain sa table at mainit pa ito.
Napangiti nalang ako dahil may iniwan pa siyang notes kaya binasa ko ito.
"Hey gorgeous don't skip your lunch dahil hindi kana nag breakfast. I love you"
Napakasweet talaga ni Jacob at ang swerte swerte ko. Ramdam ko ang lamig ng kuwarto dala ng aircon. Hinawi ko naman ang malaking kurtina para maarawan ako habang kumakain.
Habang kumakain na ako ay may kumatok sa pintuan.
"Yes come in."
"Senyorita good morning po."
Bati sakin ni Manang. Napangiti naman ako sakanya at inalok siyang sumabay sakin sa pagkain ko. Ngunit tumanggi lang ito.
"Ahm Senyorita yung kagabi po humihingi talaga ako ng paumanhin. Nakausap ko na po ang pamangkin ko at hindi daw po niya sinasadya ang nakita niya."
"Okay lang ho Manang tapos narin yun."
"Tsaka Senyorita ahm magpapaalam lang po sana ako sainyo."
Tumingin ako ng seryoso kay Manang at nakikinig ako.
"Ano po kasi ahm mag leleave po sana ako kahit 1month kasi po nadisgrasiya ang ama ko at na coma."
"Oh my? Kailangan mo ba ng pera bibigyan kita nakakaawa naman pala ang sinapit ng tatay mo Manang." Sabi ko at dali dali kong kinuha ang wallet ko na naglalaman ng cash.
"Nako Senyorita hindi na ho. Masyadong malaking halaga po yan hindi ko din po kayang bayaran yan."
"No Manang tulong ko na yan sayo. Sayo na yan wag mo ng bayaran. Para sa mga gamot din ng tatay mo."
Sabi ko sabay abot ng perang nagkakahalaga ng 50k na nakalagay sa sobre.
"Nako Senyorita hulog ka ng langit. Maraming maraming salamat po napakabuti ng puso niyo." Agad niya akong niyakap habang umiiyak ito. Di ko naman mapigil ang maluha dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan ni Manang.
Maya maya ay lumayo nadin siya at nagsalita.
"Senyorita ang pamangkin ko po muna ang bahala dito habang wala pa po ako. Pasensya na po talaga kayo ni Senyorito. Hindi ko rin po ito ginusto."
"No Manang it's okay. Uhm balitaan niyo po ako agad sa tatay niyo kung okay siya. At kung kulang pa ang pera para sa pagpapagamot niya please Manang tawagan niyo ako agad magbibigay ako ng pera. At please wag niyong tanggihan gusto kong tumulong." Sabi ko at mas lalo siyang humagulgol. Naintindihan ko si Manang ng mga oras na yon.
Nagpaalam na ito dahil aalis nadin siya. At ako na ang bahalang magsabi kay Jacob.
Nagshower na ako dahil sa naiinitan na ang katawan ko.
Sanay ako sa pagbabad sa warm water sa bath tub na may pulang mga petals ng rosas. Palagi kong nirerequest kay Jacob na magpadeliver lagi ng mga red petals dahil sanay akong nagbabad dito.
Pagkatapos ng ilang oras ko sa pagligo ay nagpatuyo na ako ng buhok ko at nag ayos ng sarili ko.
Naglagay lang ako ng lip balm sa mga labi ko dahil sensitive ang mga ito at laging nasusugatan dala ng init ng panahon.
Nag damit na ako tsaka lumabas ng kwarto ko.
Nakita ko si Marie na nagluluto at ang iksi nanaman ng damit nito.
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...