CHAPTER 10

18K 419 28
                                    

Sofia POV:

Maaga palang ng umalis si Nikko. Pumasok na ito sa kompanya kana naman may oras na akong maglinis ng bahay. Kahit may mga katulong kami ay gustong gusto ko pading kumikilos sa bahay.

Maya maya pa ay may nag doorbell kaya naman agad kong binuksan ang pinto at lumabas. Nakita ko agad sila mama at papa nakauwi na pala ang mga ito galing ibang bansa.


"Ma, Pa tara pasok kayo nakauwi na pala kayo."


"Oh my God Sofie ngayon lang kami nakauwi dahil nalaman namin ang nangyari kay Ruby. How is she?" Bungad sakin ni mama.

"She's in coma Ma. Di pa namin alam kailan siya magigising. Magdasal nalang tayo na magising na siya." Sabi ko.

Agad akong inaya ng mga magulang ko na pumunta sa hospital para dalawin si Ruby. Nagayak na ako at nagpaalam sa mga anak ko. Tinawagan ko nadin si Sarah para bantayan muna ang kambal.


"Let's go Ma Pa." Sabi ko.



Jacob POV:

Hindi na ako nakakapasok sa kompanya dahil binabantayan ko si Ruby.

Umuwi saglit ang mga magulang nito para kumuha ng mga gamit. Hindi pa ako umuuwi at wala pa akong tulog ngunit di ko alintana ang kakulangan ko sa pag tulog.


"Sana pag gising mo mahal mo pa ako Ruby. Patawarin mo ako hindi ko gustong mangyare yun. Natakot lang akong magulo ang relasyon natin. Please hon gumising kana miss na miss na kita."

Hinalikan ko ang kamay niya at tinitigan ko ang mukha niya may nakabenta sa ulo nito dahil sa malakas na pagkabagok.

"Hon mahal na mahal kita. Please gumising kana hindi ko kaya mawala ka sakin habang buhay kong sisisihin ang sarili ko pag nangyare yun kaya please hon gumising kana." Hindi ako pala salitang tao ngunit mahaba ang mga sinasabi ko ngayon at lagi kong kinakausap ang mahal ko dahil gustong gusto ko na siyang gumising.


"Patawarin mo ako hon. Maniwala ka sakin na ikaw lang ang mahal ko at mahal na mahal kita. Sana pag mulat ng mga mata mo bigyan mo ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag sayo." Tumulo na ang luha ko sa kanang mata at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Ruby tsaka ko itong marahang hinalikan sa mga malamig niyang labi.


"Hon ang putla putla mo na hay pagaling kana. Pangako pag gising mo babawi ako sayo. Iiwan ko ang lahat hon makabawi lang ako sayo kahit pa ang kompanya ko kaya kong iwanan para makasama ka araw araw."


Habang kinakausap ko siya ay bumukas dahan dahan ang pinto at iniluwa nito si Sofie pati narin ang mga magulang niya.

Tumayo ako para kamustahin sila.


"Ohh sweetheart andito na ang Tita." Saad ng mama ni Sofie. Si Tito Alfredo naman ay nakatayo lang at nakatitig kay Ruby at bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

"Kamusta kana Jacob? Kumain kana ba?" Tanong sakin ni Sofie.

Umiling lang ako dahil sa totoo lang ay wala na sa katinuan ang pag iisip ko dahil si Ruby lang ang laman nito.

"Kumain ka muna kami na bahala kay Ruby." Sabi ulit ni Sofie.


"No Sofie. Hindi ko siya kayang iwan dito."


"Kailangan mong maging malakas Jacob. Kailangan ka ni Ruby kaya kailangan mong kumain at magpakatatag."


Sinunod ko ang sinabi ni Sofie at lumabas muna kami saglit para kumain. Hindi na sumama ang mga magulang nito dahil kumain na sila.

"Sorry Jacob."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sofie.

"Bakit ka nagsosorry?"


Sabay turo niya sa pisnge ko.


"Alam ko Jacob. Alam kong ang asawa ko ang may gawa niyan sayo."

Hinawakan ko ang pisnge ko at napangisi nalang ako.


"Ah ito ba? Okay lang yun. I deserved it."


"No Jacob. Wala kang kasalanan. Alam kong ginawa mo lamang yun para sa kapakanan niyo ni Ruby."

"No Sofie. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko dahil sa desisyon kong yun. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Ruby at hindi ko kakayanin kapag nawala siya sakin."

Hinawakan ni Sofie ang mga kamay ko at niyakap niya ako. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob dahil tanging siya lamang ang taong kaya kong pagsabihan ng lahat.

"Magiging okay din ang lahat Jacob. Magtiwala lang tayo."

Ngumiti siya sakin at tumango ako. Sabay kaming kumain at nagmamadali nako para balikan ulit si Ruby.


Sofia POV:

Wala man lang akong magawa para pawiin ang lumbay ni Jacob. Alam ko kung gaano itong nasasaktan sa sitwasiyon ngayon. Mahal na mahal nga niya si Ruby walang duda.

Natapos na kaming kumain at naglakad na kami pabalik ng kwarto ni Ruby. Biglang tumawag sa phone ko ang mama.

"Hello Ma? Pabalik na po kami."

"Anak bilisan niyo nagkamalay na si Ruby."

Tuwang tuwa ako ng mga oras nayun at sinabi ko agad kay Jacob. Parehas naming tinakbo ang daanan upang makarating agad sa paroroonan.


Laking gulat ko ng pagbukas namin ng pinto ay umiiyak si Ruby at yakap yakap niya ang asawa kong si Nikko.

Pinapatahan siya nito at ang mga magulang ko ay bakas ang lungkot sa mga mata. Nandito rin ang Tito Conrad at inoobserbahan si Ruby.


"Ruby?" Biglang nagsalita si Jacob.


"Sino ka? Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?!" Nagwawala na sabi ni Ruby.

Pinakalma siya ni Nikko at sumunod naman ito.

"Nikko sino sila? Bakit tayo nandito?"

Kumunot ang noo ko dahil hindi niya kami naaalala at ang asawa ko lamang ang naaalala nito. Tinawagan ko agad ang mga magulang ni Ruby para makapunta agad sila rito.


"Shhhhh Ruby calm down. Hindi sila kaaway okay? Andito ako wag ka ng umiyak." Sabi ni Nikko at niyakap niya si Ruby.

Litong lito parin kami ng mga oras nayun at nagsalita si Tito Conrad.

"Kailangan ko kayong makausap. Iwan muna natin ang dalawa." Tinutukoy nito ay si Nikko at Ruby.

"Mukhang si Nikko nga lang ang tanging naaalala nito." Dagdag pa ni Tito Conrad.

Pumayag kami sa sinabi niya at lumabas kaming lahat para makapag usap.

Tumikhim ito at nagsalita muli.

"Meron siyang Retrograde Amnesiac at si Nikko lamang ang naaalala niya sanhi ito ng malakas na pagkabangga ng ulo niya. Kailangan niyang sumailalim sa mga exams para makita natin kung ano paba ang nadamage sakanya. Sa ngayon ay kailangan natin si Nikko dahil sakanya lamang sumusunod si Ruby." Mahabang saad nito.


Hindi parin kami makapaniwala at napaupo na lamang si Jacob sa sahig habang nakayuko at nakasabunot sa buhok niya.


"Jacob. Magpalakas tayo. Alam kong hindi ito biro. Kailangan nating maging matatag." Iyon na lamang ang nasabi ko sa mga oras nayun habang yakap yakap siya.



Hi saiyo:) please vote! Comment kayo ha. Ano kaya ang susunod na mangyayare? Abangan natin:)
Ciao!



Author














The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon