Tumingin sakin si Jacob at lumapit.
"Hon kumain ka naba? Gusto mo ipagluto kita?"
Umiling nalang ako dito dahil kumain naman na ako. Inayos ko nalang polo niya at ang necktie niya papasok pa kasi ito sa trabaho kaya naman ay bilang may bahay pinagsisilbihan ko ito.
Tumikhim si Bianca.
"Ako Jacob nagugutom na kami ng anak mo. Ipagluto mo naman kami please." Malanding pagsabi nito.
Nagsimula nanamang umarangkada ang pagkamaldita ko at hindi ko hinayaan ang gusto niya.
"Ano bang gusto mong kainin?" Sabi ni Jacob.
"Ikaw gusto kitang kainin." Sagot naman nito na tila nag echo ng paulit ulit sa tenga ko at humigpit ang mga hawak ko sa necktie ni Jacob.
Naramdaman naman iyon agad ng asawa ko kaya naman nagsalita na ito.
"Bianca yung seryoso."
"Seryoso ako Jacob." Malanding pagkasabi nito.
Dahil sa pagkamaldita ko ay humarang ako sa pagitan nila at tinignan ko sa mata si Bianca. Inis na inis na ako ng mga oras nayon kaya naman nagsalita na ako.
"Manang?!" Tawag ko kay manang pasing.
"Manang?"
Dumating na ito.
"Ano ho yun senyorita?"
"Manang pakihandaan na ng pagkain ang bago nating bisita mukhang gutom na gutom pakidamihan nadin manang ng mabusog." Sabi ko na nakatitig padin sa mga mata ni Bianca.
Inis na inis siya sa sinabi ko at wala akong pakialam.
"Marie?!" Sunod kong tinawag ito.
"Ano ho yon senyorita?"
"Marie pakialalayan naman tong bisita natin sa kwarto niya malapit sa maid's room." Nanlaki ang mga mata ni Bianca sa mga sinabi ko.
Yes....
Sa maid's room ko din siya patitulugin. May maliit na kama naman don at isang aircon. Katabi lang nito ang banyo sa baba kaya di na siya mahihirapan. Isa pa ayokong ipagamit sakanya ang mga guest room namin dahil di bagay para sa katulad niya.
Kung inaakala ni Bianca na magiging maganda ang buhay niya dito pwes nagkakamali siya.
"Hon?" Tutol sana ang asawa ko ngunit tinignan ko na lamang ito ng masamang tingin. Naintindihan naman niya yon at pumayag na ito.
"What? Diyan mo ako patutulugin?! Are you insane?! Hindi ako bagay diyan!"
"Yes you are Bianca." Ngumiti ako habang sinasabi ito at alam kong galit na galit na siya ng mga oras na yon.
Humarap na ako kay Jacob alam kong tutol siya pero ako ang masusunod. Ano bang masamang mangyayare kay Bianca e pasalamat pa nga siya libre ang pagtira niya sa mansiyon.
Huminga ito ng malalim at nagsalita.
"Okay hon kung yan ang gusto mo. Pero please wag mong pahirapan si Bianca alang alang sa bata."
Masakit sakin na nagaalala siya para rito. Tumango nalang ako habang si Marie ay inaalalayan na si Bianca papasok ng kwarto niya.
"I need to go hon. I love you remember that okay?" At hinalikan niya ako sa mga labi ko habang nakahawak ako sa batok niya.
Bigla nanamang nagsalita si Bianca nakabalik na pala ito.
"Ang baby natin wala bang kiss?"
Nagiinit lalo ang ulo ko dahil sa kalandian ng babaeng ito.
Nagkatinginan na kami ni Jacob at parang sinasabi niya na pumayag na ako.
Tumango na lang ako ng isang tango at siyang ikinangisi ni Bianca. Dahan dahang lumapit si Jacob sa umbok ng tiyan nito at hinalikan.
"Baby magpakabait ka ah. Wag mong papahirapan si Mommy."
Halos mabiyak ang puso ko sa dalawa dahil napakalaking epekto para sakin ang makita ang mahal kong asawa na nakikipagusap sa tiyan ng ibang babae.
Tumingin ako saglit sa flat kong tiyan at hinawakan ito.
Kung magkakababy din kaya kami ni Jacob ganoon din kaya ito sakin? Tanong ko nalang sa sarili ko.
Umalis na si Jacob at kasalukuyang naiwan kami ni Bianca sa sala.
Aalis na ako dahil ayoko makita ang pagmumukha niya ng biglang hinablot niya ang braso ko.
"Hoy babae! Sino kaba sa iniisip mo? Magkakababy na kami ni Jacob wag makapal ang mukha pwede? Lumayas kana isa ka lang namang mahirap na bayarang babae."
Nag init ang tenga ko dala ng sobrang paginit ng ulo ko.
Hindi ba niya alam na kilalang tao ang mga magulang ko at isa kami sa 10 pinakamayaman dito sa Asia. Tsk poor her walang kaalam alam palibhasa puro kalandian lang ang alam.
Humarap ako at nagsalita.
"Tumingin ka nga sa salamin. Sino satin ngayon ang makapal ang mukha? Hoy bianca bata lang ang habol ng asawa ko. Bata lang ang laban mong babae ka. Ako ang asawa dito at ako ang legal kaya manahimik ka dahil awa lang ang meron si Jacob para sayo. At oo nga pala bago ko makalimutan anong sabi mo ako mahirap? Montero ako bianca at alam kong kilalang kilala mo ang pamilya ko kaya mahiya ka dahil kahit yang mga kompanya niyo kayang kaya kong bilhin. Takot kana? Gusto mo bang makaranas ng totoong paghihirap? Try me bianca at mawawalan ng business yang mga magulang mo." Mahabang sabi ko sakanya bago ko siya talikuran.
Siya naman ay napanganga ng malaman niyang isa akong montero. At kami ang pinakamayaman sa buong Asia.
________________
Hi guys please vote:) comment nadin kayo ha. Ano kaya ang mangyayare sa susunod na chapter? Tutok lang guys haha kainis si Bianca 😈✌😂
Author
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...