Jacob POV:
Matapos kong malaman ang lahat ay pilit akong nagpapakatatag para sa babaeng mahal ko si Ruby.
Narito ako ngayon sa labas ng kwarto niya sa hospital habang hinihintay ko ang mga magulang niya sa loob. Pati sila ay hindi makilala ni Ruby at masakit para sakin na makita siyang nagkakaganon.
"Jacob ayaw mo bang puntahan si Ruby?" Tanong sakin ni Sofie.
Magkasama lamang kami habang si Nikko at ang mga magulang ni Ruby ay nasa loob. Kagaya nga ng sinabi ni Tito Conrad ang Tito ni Nikko ay pinabayaan lamang namin na makasama niya si Nikko dahil dito lamang ito sumusunod.
"Hindi na Sofie. Ayoko munang lalong maguluhan si Ruby alam kong nahihirapan na siya at ayoko ng dumagdag pa."
"Hindi ka naman makakadagdag Jacob. Tutulungan mo lang siya para maalala ang lahat. Ikaw ang fiance niya Jacob at alam kong kailangan ka niya."
"Natatakot ako Sofie. Natatakot ako na baka isang araw ay magising nalang ako na di na talaga ako makilala ni Ruby. Hindi ko na ata makakaya yun."
"Please Jacob magpakatatag ka. Alam kong matatapos din ang lahat ng to. Maging ako ay nahihirapan sa sitwasyon naming magasawa ngunit wala tayong magagawa dahil ito ang nakatakda. Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay magtiwala at magdasal."
"Salamat Sofie. Buti nalang nandiyan ka. Sobrang salamat at hindi mo ako iniwan."
"Ano kaba. Laban natin to pareho kaya kailangan nating maging malakas para sa mga mahal natin."
Niyakap ko si Sofie pagkatapos ng mga sinabi niya. Sakanya ko naramdaman na may masasandalan ako ng mga oras na yun.
Kinagabihan ay nag presenta akong magbantay kay Ruby kahit na di man ako maalala nito.
Umuwi na ang lahat ng tao at sila Nikko at Sofie. Alam naman ni Ruby na mag asawa sila at ako ang fiance niya.
....
"Hi kamusta pakiramdam mo?" Sabi ko.
Ngumiti lamang ito at biglang nagsalita.
"Okay naman ako. Ahm kahit di ko maalala kung sino ka alam mo ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Nahihiya nga ako sayo kasi sabi ni Nikko hindi kapa daw umuuwi eh maraming salamat ha."
Nakadama ako ng kaunting pagasa sa sinabi sakin ni Ruby at nagsalita.
"Huwag kang magalala kung di mo man ako maalala ngayon naiintindihan ko. Hayaan mo lang akong mapalapit sayo please."
Tumawa naman ito sa sinabi ko dahil para akong batang nanglilimos ng awa.
"Ikaw daw ang fiancé ko Jacob. Hmmm ahm ilang taon naba tayo? Tsaka nagdedate ba tayo? Siguro dami mong babae noh? Ang pogi pogi mo kasi eh." Sabay tawa nanaman niya.
Pakiramdam ko ay hindi padin nawala ang Ruby na minahal ko kaya naman ay sinisikap kong piliin ang lahat ng mga salita ko para mapanatag ang loob niya sakin. Kahit na mainitin ang ulo ko ay kinokontrol ko ito para sakanya. Sa ngayon din ay mas mahaba na ang pasensya ko.
"Mahigit dalawang taon na tayo Ruby. At-" di ako makapagsalita sa hiya ko. Sasabihin ko ba sakanya ang tawagan namin?
"Ano Jacob?" Tanong niya.
"Ahm ano kasi." Shit nauutal ako na never pang nangyari sakin.
"Ano?"
"Kasi hon. Hon ang tawagan natin Ruby." Sabi ko at halos mangamatis na ang mukha ko sa pula.
Tumawa naman siya at nagsalita.
"Well hon nice to meet you." Kinamayan niya ako at tinanggap ko yun.
"Ligawan mo ulit ako let's see kung mapapasagot mo ako."
Napanganga ako sa sinabi niya like what the fuck? Ibig bang sabihin nito ay hindi ko na siya fiance? Mahirap man sakin to ngunit naalala ko ang sinabi ni Sofie na magpakatatag lang kami at malalagpasan namin to. Kaya naman ay ngumiti ako sakanya at nagsalita.
"Araw araw kitang liligawan kung gusto mo. Alam kong mahirap ang magsimula muli sa umpisa pero hinding hindi kita susukuan."
Napatitig siya sakin at alam kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Well let's see." Sabi niya at ngumiti.
Nikko POV:
Nakauwi na kami ng asawa ko sa bahay at tulog na ang mga anak namin. Nakauwi nadin ang kaibigan niyang si Sarah na siyang pinagbantay niya sa kambal.
Tuloy tuloy lang siya sa pagakyat ng hagdan at di lamang ako nilingon. Napaisip ako kung bat biglang lumamig ang pakikitungo sakin ng mahal kong asawa.
Inisip ko ng mabuti kung bakit nagkakaganon si Sofie. Kilala ko to. Sa sobrang tagal ng pinagsamahan namin ay alam na alam kona kung bakit at alam kong pinagseselosan niya ang pakikitungo ko sa kababata ko kay Ruby.
Hinabol ko siya at hinarangan sa pintuan ng kwarto namin para hindi siya agad makapasok at makapagusap kami.
"Mahal wag kana magtampo. Please patawarin mo ako kung di kita natatapunan ng pansin. Alam ko nagseselos ka kay Ruby pero sana malaman mo na ikaw lang Sofie kapatid lang para sakin si Ruby."
"Nikko please? Pagpahingahin mo muna ako wag mo muna akong kausapin."
Tinaboy niya ang kamay ko na nakahawak sakanya ngunit mas lalo ko pang hinigpitan to.
"Nikko ano ba?! Naiinis na ako sayo alam mo ba yon?!"
Biglang tumulo ang mga luha niya sa mata na di ko maintindihan kung bakit.
"Mahal please wag kang iiyak. Mahal na mahal kita. Ayusin naman natin to. Ang dami na nating pinagdaanan na pagsubok ngayon ka paba magkakaganyan?"
"Ano ba Nikko ang sabi ko lang wag mo muna ako kausapin hindi ako nakikipaghiwalay."
"Eh bakit ba kasi mahal please tell me anong dahilan? Kay Ruby ba? Kilala kita."
"Pagod lang ako."
"No Sofie alam ko kung bakit. Wag kang magkakaila sakin dahil asawa mo ako at naging estudyante kita noon kaya kilalang kilala kita."
"Oo ano masaya kana? Pwede naba ako magpahinga?"
Tinaboy niya ang kamay ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto at dumeretso sa banyo namin.
Sinundan ko siya dahil ayokong matulog na magkaaway kami.
"Nikko ano ba?! Naliligo ako!" Sabay takip niya sa napakaganda niyang katawan. Di makakaila dito na nagsilang na siya ng dalawang sanggol dahil sa ubod na kaseksihan parin at mala labanos na balat.
Tinanggal ko ang mga kamay niya at hinalikan ko siya. Nabasa na ng tubig na nanggagaling sa shower ang suit ko damit pang opisina at wala akong pakiaalm. Gusto kong muling maangkin ang katawan ng asawa ko ang pinakamamahal kong si Sofie.
Abangan natin ang susunod na mangyayare:)
Story to nila Nikko Sofie at Ruby Jacob. Para sa mga nagrerequest. Please vote and comment thanks!
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...