Sofia's POV:
"Mahal ayos ka lang? Di mo na ininom yang kape mo malamig na yan."
Sabi ko sa asawa ko habang nag uumagahan kami. Ang kambal naman ay nasa sala at busy sa pagkukulay ng kanilang coloring book.
2taon nalang ang aantayin namin at ipapasok na namin sila ni Nikko sa school.
Mabilis naman matuto ang kambal kaya hindi kami mahihirapan dito.
Lumapit ako sa asawa ko dahil akam kong may problema ito.
"Mahal? Anong problema?"
Tumingin siya sakin at huminga ng malalim.
"Si Jacob tumawag sakin kanina."
"Tapos?"
Huminga ulit ito ng malalim.
"Bumagsak na ang kompanya ni Jacob mahal. Baon na baon na siya sa utang."
Nagulat ako sa mga sinabi sakin ng asawa ko. Dahil kilala ko si Jacob at alam kong hindi ito nagpapabaya noon sa kompanya.
"Oh my paano na yon? Sino daw ang nakabili ng kompanya niya?" Nalaman ko kasing binili na ito ng bagong may-ari.
"Hindi ko din alam mahal. Wala pa kaming alam ni Jacob basta bigla bigla nalang nangyari to."
"Kawawa naman siya. Tara puntahan natin siya Nikko. Alam kong kailangan tayo ni Jacob."
Tumango naman ang asawa ko at tinawagan ko na ang best friend kong si Sarah.
"Bes please ikaw na muna ang bahala sa kambal may lalakarin lang kasi kami ng asawa ko."
"Ano naman yon?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Basta bes hindi na muna ngayon okay? Ipapaliwanag ko din sayo wala na kasi kaming time. Hintayin kita ahh salamat bess love you."
Magsasalita pa sana siya ng ibaba ko na ang tawag.
Lumapit muna ako sa kambal busy padin sila sa pag kukulay. Tatlong taon na ang kambal at talaga namang namana ni Adam ang kaguwapuhan ng papa niya. Si Eve naman ay kamukhang kamukha ko.
Nagpaalam na ako sakanila at saktong dumating nadin si Sarah.
"Bes thank you naman at dumating ka."
"Ano pabang magagawa ko? Di ko naman kayang tiisin ang dalawang to noh namiss ko na sila e." Sabay yakap sa dalawang anak ko.
Maasahan talaga itong si Sarah kaya best friend ko siya. Samantalang busy naman ang isa naming best friend na si Lesly sa Art Gallery niya. Nagpatayo na kasi ito dito sa pinas at ngayon ay nakatutok siya roon. Binibisita namin siya ng asawa ko paminsan lang dahil malayo naman talaga ito at nakalocate sa Palawan.
Nagpaalam na kami sa mga anak ko pati narin kay Lola ko na palaging nandiyan. Siyempre kay Sarah rin.
Agad kaming sumakay ni Nikko sa kotse niya.
"Mahal parang kinakabahan ako." Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang pumintig ng mabilis ang puso ko.
"Wag kang kabahan mahal ko. Magiging okay din ang lahat." Ngumiti sakin si Nikko at ginawaran ako ng isang mainit at masarap na halik.
Pinaandar na niya ang kotse niya at binabagtas na namin ang kahabaan ng kamaynilaan patungo sa bahay ni Jacob.
..
Maya maya pa ay nakarating din kami at ipinark lang ng asawa ko ang sasakyan sa labas nito dahil mukhang hindi rin kami magtatagal.
Agad kaming pinapasok ng katulong ni Jacob at tinawag niya si Jacob.
Eto nanaman.
Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Bakit kaya? Bakit kinakabahan ako?
..Mga tanong ko sa sarili ko.
Maya maya lang ay bumaba na si Jacob at may dala nanaman itong isang baso ng alak at sigarilyo.
Malaki ang pinagbago niya dahil nagkaron na ito ng konting beard sa mukha at talaga namang nakadagdag sa kaguwapuhan niya.
Tumayo na kami ni Nikko at kinamayan niya si Jacob bilang pag bati.
Hinalikan naman ni Jacob ang kamay ko.
Naupo na kami ng paupuin kami ni Jacob at alam kong mahaba habang usapan ito.
....
"So you mean nagising ka nalang sa tawag ng secretary mo at binalita sayo na may nakabili na ng kompanya mo?" Bungad na tanong ni Nikko.
"Hindi pa ako pumipirma Nikko hindi ko pwedeng isuko ang kompanya ko dahil dugo at pawis ko ang binuhos ko para mapalago ito."
Katahimikan ang namayani ng mga oras na yon. Tila nagiisip din ng paraan ang mga to para masolusyunan ang problema.
"Magkano ba ang utang ng kompanya mo? Babayaran ko na muna."
Bitaw ng asawa ko.
Nagulat kami pareho dahil alam kong seryoso ito.
"45billion Nikko. 45 fucking billion." Sagot ni Jacob.
Natahimik si Nikko maging ako rin dahil sobra sobrang laki ng perang yun. Alam ko namang kayang kaya ni Nikko bayaran yon pero kilala ko ang asawa ko talagang magiisip ito kung bakit nagkaron ng ganong kalaking utang si Jacob.
"Okay 45 billion ililipat ko sa account mo Jacob."
Nagulat si Jacob sa sinabi ng asawa ko.
"Are you sure?" Tanong pa nito.
"Yes I'm sure basta wag mo ng pabayaan ang kompanya mo."
Natuwa si Jacob sa kabaitan ng asawa ko.
"I pay you back idodoble ko narin maraming salamat sa tulong."
"Haha sige sabi mo yan just make it 80 billion." Nakangising sabi ng asawa ko.
Natuwa naman si Jacob at nakipag deal na sa asawa ko. Mukhang okay na. Mukhang makakabangon ng muli si Jacob masaya ako para sakanya.
Nagkakatuwaan kami ng biglang...
"Hey kuya! Ano yong nabalitaan kong nalugi ang kompa-" hindi na niya naituloy ang sinasabi niya at para na siyang natuod sa pagkakatayo.
Natuwa ako dahil si Megan ito at matagal na panahon na bago ko siya huling nakita.
Tumayo ako at niyakap siya.
"Megan! Si Sofie to remember?"
Ng makabawi siya ay agad siyang naglipat ng tingin sakin at ngumiti.
"Yes naalala kita Sofie."
Tumayo na si Jacob para harapin si Megan.
Ang asawa ko naman ay para ring estatwa nakatayo lamang ito at parang may mali.
Lumingon ako sakanya at nakatitig lamang siya kay Megan.
Tumingin din ako kay Megan at ganun din ang reaksyon niya.
"Nikko?" Sabi ni Megan.
"Hey?" Sagot ng asawa ko.
"Kamusta kana? Ang tagal kitang hinanap."
Nagulat ako sa sinabi ni Megan at ngayon ay papalapit na ito sa asawa ko.
Kami ni Jacob ay nagtataka na nanonood lamang sakanila.
"It's been a long wait." Sabi ni Megan habang nakatitig sa mga mata ng asawa ko.
Anong koneksyon nila? Naguguluhan na ako.
_____________
Hi guys! Please comment and vote:) abangan ang susunod! Thanks:)
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...