CHAPTER 7

20.1K 489 19
                                    

Ruby POV:

"Hon bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ko kay Jacob.

Kasalukuyan kaming nasa isang mamahaling restaurant. Makikipagkita kasi kami kila mama at papa dahil magbabakasyon ang mga ito sa pinas.


Ngunit umorder na ako dahil nadelay ng 1hr ang flight nila.



Tumingin sakin si Jacob at ngumiti. Ngunit alam kong pilit lang ito at may bumabagabag sa isipan niya.


"Hon tell me may problema ba sa kompanya?" Muling taong ko dahil hindi naman ito sumagot.



Pinisil niya ang kamay ko at hinalikan ito. Muli ay tumingin siya sakin at nagsalita.


"No. Okay lang ako trust me hon. Ayos lang ako kompanya ko wag kana mag alala."



Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na sina mama at papa.

Tulad ng dati ay nakipag kamayan si Jacob sa papa ko at hinalikan naman niya ang kamay ng mama ko. Galanteng tao talaga si Jacob at siya ang gumastos sa lahat ng pagkaing inorder ng mga magulang ko.



"So Jacob kamusta naman kayo ng anak ko?" Unang tanong ni papa. Unica hija kasi ako kaya naman ay talagang mahal na mahal ako ng mga magulang ko.



"We're planning to get married next year Tito Ed." Sabi ni Jacob.


Tumango naman ang papa ko. Ang mama ko naman ang nagtanong.


"Hindi ba pasaway si Ruby dito?" Tanong niya nagtawanan silang tatlo habang ako ay nakanguso lang.


"Mama pati ba naman yan? Mabait kaya ako dito." Sabi ko.


"Totoo Tita, mabait at maalaga si Ruby." Sabi ni Jacob.


Totoo namang inaalagaan kong mabuti si Jacob dahil mahal ko to at pagsisilbihan ko siya ng buong puso ko.


Natapos na ang dinner namin at umuwi din sila mama sa bahay namin. Ako naman ay kay Jacob padin tumira dahil pabor naman ang mga magulang ko.



Ng makauwe kami ay hinubad ni Jacob ang coat niya at tinanggal ang necktie tsaka upo sa malaking sofa ng sala niya. Halata ang pagod dito kaya naman ay ikinuha ko siya ng malamig na tubig at minasahe ko ang balikat niya.



"Okay ka lang ba hon? Napapansin ko palaging malalim ang iniisip mo." Sabi ko.



Hinawakan niya ang mga kamay ko habang minamasahe siya kaya napagil ako. Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya.



"I'm okay hon. Pasensya kana kung ganito ako stressed lang to sa sobrang daming trabaho."



"Sabi ko naman kasi sayo na tutulungan kita mag manage ng kompanya mo eh. Kaya nga ako nag resign sa US para magkasama din tayo sa pagtatrabaho." Mahaba kong sabi sakanya.


Umiling lang ito at muling nagsalita.


"No hon ayoko ng pati ikaw mapagod. Mas maganda kung dito ka nalang at ikaw ang pagsisilbihan ko."



Piningot ko ang matangos na ilong nito.


"Napaka guwapo mo talaga. Alam ko madami nagkakagusto sayo diyan pero sorry nalang sila at sakin kana." Sabi ko.


Natulala siya sa sinabi ko. Hindi ko mawari kung bat tumingin ito ng malayo at malalim nanaman ang iniisip.


Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito at initapat ko sa direksyon ko.


The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon