Lumipas pa ang mga araw. Nalaman nadin ng mga magulang ko at mga kaibigan pati narin sila Sofie at Nikko na nagbalik na nga ang ala ala ko.
Masayang masaya sila at may halong pagtatampo si mama dahil nalaman din nito na ikinasal na agad kami ni Jacob ngunit hindi sa simbahan.
Nagpalusot nalang ako sa mama ko dahil ayokong malaman nilang lahat ang totoong sitwasiyon namin ni Jacob.
Umaga ng magising ako. Tumingin ako sa tabi ko at wala na si Jacob sa kama.
Pumunta saglit ako sa banyo namin at naglamos nag toothbrush narin ako at nag mouthwash. Isinuot ko ang seksing long gown ko na pantulog na kitang kita ang makinis at maputi kong likod.
Kulay rosas ito na sadyang lilitaw ang kaputian ko.
Bumaba na ako para hanapin ang asawa ko ng makita ko sila ni Bianca na kumakain na sa baba at nagtatawanan. Kitang kita ko rin na kinakausap ni Jacob ang tiyan ni Bianca.
Parang ayoko ng bumaba sa mga oras na yon. Akmang aakyat ulit ako ng makita ako ng asawa ko.
"Hon tara na kumain na tayo. Masarap ang breakfast." Sabi nito.
Nilingon ko siya na di mababakas saking mukha ang ano mang expression.
Nakita ko ang pag ngiti sakin ni Bianca at alam ko namang pinaplastic niya ako.
Nakaupo na ako at kumakain na ng dumaan samin si Manang pasing dala ang mga gamit ni Bianca paakyat ng hagdan kung saan naroon ang mga guestroom.
Tumingin agad ako kay Jacob at naintindihan niya ang sinasabi ng mga tingin nayon.
Tumikhim ito at nagsalita.
"Hon can we talk outside?"
"Maguusap talaga tayo."
Sabi ko.Nakisabat nanaman si Bianca.
"Pwede naman kayo mag usap dito. Ayoko kasi malayo kay Jacob e sabi kasi ni baby." Sabay hawak nito sa tiyan.
Umiling nalang ako at bigla nalang akong nawalan ng gana. Nawala din ang panlasa ko at parang nahihilo ako. Masama na ang pakiramdam ko kaya naman hindi ko na tinuloy ang pagkain at aakyat na ako.
Narinig ko ang pagtawag sakin ni Jacob ngunit hindi ko ito nilingon at tuloy tuloy paakyat. Nakita ko ding lumabas si Manang Pasing sa katapat na kwarto namin.
Tsk sa tapat pa talaga ng kwarto namin niya pinili.
Sabi ko sa isip ko at si Bianca ang tinutukoy ko.
Ngumiti lamang sakin si Manang at tumango lang ako. Wala talaga ako sa mood ng mga oras na yon at naiinis talaga ako pati sa asawa ko.
Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako sa pagsunod sakin sa loob ni Jacob.
"Hon please talk to me."
"Pwede ba umiinit lang ang ulo ko sayo wag ngayon okay?"
"Hon about kanina pinalipat ko si Bianca para sa baby hindi para sakanya okay?"
"Oo na umalis kana masakit ang ulo ko." Walang emosyon kong sabi ngunit mas lalo lamang nangulit ito.
"Bakit masakit? Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital?" Tarantang sabi nito.
Umiling lang ako at wala padin sa mood.
"Hon please kausapin mo naman ako."
"Ayoko nga sabi labas! Naiinis ako sa mukha mo!" Sigaw ko at tinutulak ko siya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil bigla bigla nalang umiinit ang ulo ko lalong lalo na kay Jacob.
"Hon ano bang nangyayari sayo? May sakit kaba?"
"Wala nga. Ayoko lang makita pagmumukha mo umiinit ulo ko."
"Bakit nga? Hon naman sabih-"
Hindi na niya natuloy ang sinasabi ng tumakbo ako papuntang banyo.
Oh my God I feel so dizzy and suka lang ako ng suka.
"Ruby! Nagaalala nako sayo tara na dadalhin na kita sa hospital." Habang hinahagot niya ang likod ko at patuloy lang ako sa pag duwal.
Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa salamin. Nag mumog muna ako at nag hilamos sabay tingin ulit sa salamin.
God namumutla ako bakit ganto? Tanong ko sa sarili ko.
"Hon you look sick please let's go?"
Tumingin ako sa asawa ko at naiyak nalang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit paiba iba ang mood ko.
"Ssshhh don't cry wife I got you." Mas masarap pala kapag tinatawag niya akong wife.
"Jacob?"
"Yes my wife?" Oh my mas gusto ko ang tawag niya sakin.
"Please call me wife and not hon anymore." Sabi ko sabay ngiti na parang kinikilig.
Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina kaya uminit nanaman ang ulo ko.
"Edi wag! Umalis ka na nga naiinis lang ako sa mukha mo" pagtataboy ko sakanya.
"Hey wife look I'm sorry okay? Ang cute mo kasi kaya natawa ako. As you wish from now on I will call you my wife." Sabi niya at siniil ako ng halik.
Kinikilig ako ng mga oras na yon at niyakap ko siya.
"Jacob?"
"Yes my wife?"
"Make love with me." Sabi ko sabay hinubad ko na ang long gown na pantulog ko.
Agad namang ngumiti ito at tuluyan ng may nangyare samin. Naulit pa ito ng naulit hanggang sa makatulog ako.
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...