Sofia POV:
Nagising ako dahil sa ingay ng mga anak ko at pagtatalon talon nila sa kama namin ni Nikko.
"Hey Mommy wake up" paulit ulit nilang sabi habang tumatalon sa malambot na kutson.
"Wake up Mommy." Ulit nila.
Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Nikko na nakatayo sa gilid ko at may dalang isang tray na puno ng pagkain.
Naamoy ko ang amoy ng mabangong pancake. Meron ding sausage, corn beef at hot milk.
Napangiti ako sakanila.
Umupo na ako at inayos saglit ang buhok ko at tsaka ako sinugod ng mga anak ko at niyakap ako.
"Hmmmm ang sweet naman ng mga babies ko." Sabi ko habang isa isa ko silang hinalik halikan sa pisnge.
"Mommy kami ang nagprepared ng breakfast mo. Ahm we ate na ang tagal mo kasing gumising eh." Pasupladong sabi ni Adam. Manang mana talaga ito sa papa niya napaka gwapo kahit na bata palang.
Inilapag na ni Nikko sa table ang try tsaka tinawag ang pansin ng mga anak namin.
"Okay kids alam niyo na yung sinabi ko sainyo ha."
"Yes Daddy!" Sabay nilang response sa daddy nila. Napaisip ako ano nanaman kaya ang balak ng mga to?
"Ahm mommy Tita Sarah is here po bababa na kami bye Mom i lovesh you" sabi ni Eve. Sumunod naman sakanya si Adam at lumabas na sila.
"Nikko ano yon? Anong pinagusapan niyo ng mga bata? At bakit nandito si Sarah?"
"Shhhh ang dami mong tanong mahal hindi ko alam anong uunahin jan haha basta kumain kana muna okay? Mamaya ko na ipapaliwanag."
Sumunod nalang ako sakanya at nagsimula na akong kumain. Gulo gulo pa ang buhok ko. Hinahaplos naman iyon ni Nikko habang kumakain ako.
Pagkatapos kong kumain ay pinaligo na niya agad ako at bumaba na siya.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil may dress na nakalagay sa kama at may note.
Napakunot noo ako dahil ipinapasuot sakin ni Nikko ito. Kaya naman ay isinuot ko na ang kulay rosas na may halong gold na simple pero napaka gandang dress.
Naglagay ako ng kaunting makeup dahil nasa baba ang best friend ko mas gusto ko namang maging desente sa harapan nito.
Isinuot ko nadin ang goldish na sandals na nakalagay din sa kama mukhang kakabili lamang nito at nasa kahon pa. Napangiti na lamang ako dahil ang daming surprise ng asawa ko at maganda siyang pumili dahil nagustuhan ko talaga.
Pagkababa ko ay nakita ko na si Sarah na nakikipaglaro sa mga anak ko. Agad kong nilapitan ang mga to para kamustahin ang Tita Sarah nila.
"Wow Mommy you look like a real Goddess." Sabi ni Adam.
"I wanna be like you Mommy shamday" bulol parin si Eve kaya natawa ako dito.
"Wow bess ah ang ganda ganda mo talaga bet ko yang dress mo ahh ang lambot ng tela nakakainggit." Sabi naman ni Sarah.
Nagkakwentuhan kami saglit at bumaba na si Nikko. Nagulat ako dahil ang daming dalang bagahe nito.
"Mahal san ka pupunta?" Tanong ko sakanya.
Ngumisi nanaman ito na parang nakakaloko at itinaas ang dalawang papel sa kamay niya. Parang ticket ito.
Kinuha ko sakanya ito at nanlaki ang mga mata ko.
"Wow! 4days trip to boracay! Thank you mahal" agad ko siyang niyakap at nakarga na niya ako sa pagkakayakap ko.
"Ikaw ah ang dami mo talagang surprises nakakainis ka." Sabi ko sabay kilig nanaman dahil sa napakagwapong asawa ko na nakatitig lamang sakin. Grabe ka talaga Nikko dati Professor lang kita hinahabol habol lang ng halos lahat ng mga estudyante mo ngayon naks ako na ang may bahay mo.
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...