CHAPTER 24

13.3K 298 11
                                    

Ruby POV:

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. May isang lalaking naka damit na puting uniporme na nakatayo sa paanan ko.

"Nasan ako?"

Dahan dahan akong bumangon kahit ang sakit ng buong katawan ko.

"Nasan ako?! Bakit ako nandito?"

Lumapit siya sakin ng dahan dahan.

"You're in my house. I'm a doctor."

Tumingin ako sa buong paligid ng maalala ko ang buong pangyayari.

Hinawakan ko agad ang aking tiyan. Bakit maliit ito? Bakit di ko maramdaman ang maliit na umbok? Bakit parang wala ng laman? Bakit ang gaan?

"Anong ginawa niyo sa baby ko?! Buntis pa ako diba? Diba hindi naman napano ang baby? Please answer me!"

Nagwawala na ako ng mga oras na yon. Hinang hina ang buong katawan ko at pingilan niya ako sa pagwawala.

"Hey miss please calm down."

"Sagutin mo ang tanong ko!"

Humahagulgol na ako. Hindi sana tama ang kutob ko sana mali lang ito.

"I'm sorry to say this."

"Ano? Magsalita ka! Ano?!"

Tumayo na ako para lapitan pa siya. Hinawakan ko ang braso niya ng dalawa kong kamay. Pilit kong niyuyogyog ito.

"Please answer me!"

"Wala na ang baby mo ng dalhin ka sa bahay ko. Mas malapit kasi to sa hospital at doctor ako kaya dito ka naisipang dalhin ng mga kasama mo kanina."

"I'm sorry for your lost."

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang nanghina ang mga tuhod ko.

"Ang baby ko." Paiyak kong sabi.

Humahagulgol na ako at ang lalaking nasa harapan ko ay nakatayo lamang habang nakatitig sakin.

Wala akong pakialam gusto kong maibalik ang anak ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Balisang balisa na ako at tila mababaliw na ako sa pagkawala ng anghel ko.

Diyos ko siya nalang ang natitira sakin. Bakit niyo hinayaang mawala siya. Bakit niyo ako pinabayaan?

Isinisisi ko lahat sa Diyos kung bakit niya kinuha sakin ang munting anghel ko.

Tila nilason na ang isip at puso ko.

Puro galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko.

Kasalanan mo to lahat Jacob kung hindi mo ako niloko nandito pa sana ang anak ko. Magbabayad ka.

Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo at sisiguraduhin kong maghihirap ka.

Babangon ako Jacob at sisiguraduhin kong lulubog ka.

...

Jacob POV:

Nasa opisina ako nagiisip kung paano ko mahahanap si Ruby.

Tinawagan ko ang mga magulang nito ngunit pati sila ay galit sakin at hindi ako kinakausap.

"Fuck."

Nilalaro ko ang isang baso ng alak. Nagiinom nanaman ako at napapabayaan ko na ang kompanya ko.

Tumawag ang isa sa mga tauhan ko para hanapin kung nasan si Ruby.

"Hello?! May balita na kayo? Asan siya?"

"Boss I'm sorry mahirap hanapin ang asawa niyo. Hindi padin namin matukoy kung san siya nakatira ngayon."

"Then fuck! Do your job! Binabayaran ko kayo ng malaking halaga!"

Ibinaba ko na ang tawag sa inis ko. Naibato ko ang baso sa galit at biglang pagkatok ng secretary kong si Jane.

"WHAT?!" Sigaw ko sakanya pagpasok niya.

Mapalunok ito at tila takot na takot. Aaminin kong mas naging grabe ang ugali ko simula ng mawala si Ruby. Mag dadalawang buwan ko na siyang hinahanap pero wala paring magandang balita.

Inaalala ko din ang anak namin. Alam kong apat na buwan na ang pinagbubuntis niya.

"Sir I'm sorry to disturb you but you need to go now. May meeting po kayo ni Mr. Sanchez and nag hihintay na siya."

"I don't fucking care! Cancel it!"

"But sir."

"Do you want me to fire you?!"

"N-no sir icacancel ko na po."

Lumabas na ito...

Lalong uminit lang ang ulo ko.

Hindi na ako umuuwi ng mansiyon simula ng mawala si Ruby dahil umiinit lang lalo ang ulo ko pag nakikita ko ang walang hiyang babaeng yon! Bullshit naloko ako! Buong akala ko ako ang ama nito pero hindi pala. Hayop ka Bianca sakin mo pinaako ang pagkadisgrasiyada mo.

Nasampal ko nalang ang mukha ko. Gusto kong pumatay ng tao sa galit ko.

Kinuha ko pa ang alak sa ref at kumuha ulit ako ng baso. Magpapakalasing ako ayoko ng maisip ang napakapait na buhay na to.

________

Hi guys please comment and vote! Abangan natin ang susunod na mangyayare ciao!


The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon