CHAPTER 9

18.3K 397 19
                                    

Nikko POV:

Dumating na ang mga magulang ni Ruby sina Tito Ed at Tita Sharon.

Kasalukuyan nakaratay si Ruby at patay na patay ang katawan nito.

"My baby" umiiyak na sabi ni Tita Sharon.

Hindi padin ako makapaniwala sa sinapit ni Ruby. Kung alam ko lang na gaguhin lang siya ni Jacob ay hindi na ako pumayag na mapalapit pa ito sakanya.

"Mahal? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Pukaw sakin ni Sofie.

Hindi ko namalayan na kanina pa ako nagiisip habang nakatitig kay Ruby. Si Jacob naman ay nasa sofa lang at nakayuko. Hindi ko sinabi sa mga magulang ni Ruby ang totoo dahil gusto ko mismo na si Ruby ang magsabi.

"Gabi na iho umuwi na kayo ni Sofie. Hinihintay na kayo ng kambal." Sabi ni Tito Ed.

Hindi ako pumayag na umuwi dahil gusto kong bantayan si Ruby. Alam ko namang naiintindihan ako ng asawa ko.

Umuwi na ang mga magulang ni Ruby pati narin si Sofie.

Ako at si Jacob na lamang ang natira para bantayan si Ruby.

Tumabi si Jacob kay Ruby at akmang hahawakan ito.

"Huwag mo siyang hawakan!" Sigaw ko dito dahil umiinit ang dugo ko sa ginagawa niya.

Napalingon ito sakin habang nakakunot ang noo. Ako naman ay tinalasan ang titig sakanya.

Kung hindi dahil sa kapabayaan niya edi sana gising at malusog ngayon si Ruby.

"Bakit?"


"Tinatanong mo kung bakit?" Napangisi nalang ako sakanya dahil sa galit ko habang siya ay nakakunot noo na.

"Nikko labas kana dito. Oo alam ko nagkamali ako. Pero mahal ko si Ruby alam mo yan."

"Pakiulit nga yung sinabi mo?" Tanong ko sakanya.

Akmang uulitin na niya ang sasabihin niya ng suntukin ko siya ng malakas sa mukha.

"E gago ka pala eh! Kung mahal mo edi sana wala siya ngayon diyan si hinihigaan niya!"

Gumanti si Jacob ng suntok sakin at parehong uminit ang ulo namin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero galit ang nararamdaman ko ngayon kay Jacob dahil sa ginawa niya kay Ruby.

Pumasok ang nurse at tumili dahil halos magpatayan na kami ni Jacob. Pumasok narin ang ibang doctor pati ang security guard at inawat kami.

Lumabas ako agad ng kwarto dahil sa init ng ulo ko. Hindi matanggal sa isipan ko ang kahayupan na ginawa ni Jacob kay Ruby. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na gagaguhin niya ito.

Napa igting na lamang ang bagang ko at pinagsusuntok ang dingding.



Sofie POV:

Nakauwi na ako ng bahay at sinalubong ako ng mga anak namin ni Nikko.

"Mommy mommy bakish ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Eve.

"Where's dad?" Tanong naman ni Adam. Mas diretsong magsalita si Adam kumpara sa kapatid nito na si Eve.

Muli kong naisip si Nikko. Ngayon ko lang kasi nakita itong galit na galit at halos mabaliw sa pagalala para kay Ruby. Ayoko naman pagisipan ng masama ang asawa ko kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Hindi ko sinabi sa mga anak namin na  naospital ang tita Ruby nila dahil tiyak na mag aalala ang mga ito kaya naisipan ko nalang sabihin na may ginawang trabaho ang daddy nila sa malayo para hindi na sila magtanong pa.

"Let's go na kelangan niyo na matulog gabi na oh." Sabi ko sa mga anak ko at nakita kong 10pm na pala ng gabi.

Pumayag naman ang mga ito at inihatid ko na sila sa mga sarili nilang kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto namin ni Nikko ay agad kong tinawagan ang asawa ko para kamustahin ito.

Nginit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya naman ay nagpasya nalang akong matulog para makabawi din sa pagod.


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naramdaman kong tumabi si Nikko sa tabi ko.

Bumangon ako at humarap sakanya. Alam kong kakauwi lang nito at amoy alak siya.

"Mahal? Bakit amoy alak ka? Akala ko ba nagbantay ka kagabe kay Ruby?" Mga tanong ko ngunit hindi sumagot ito.

"Mahal ano ba? Sagutin mo nga ako." Humarap na ito sakin at kitang kita ko ang mga pasa nito sa mukha. Isa sa pisnge at sa gilid ng labi.


"Anong nangyari diyan? Sino gumawa niyan? Nikko magsalita ka nga." Nagaalala kong tanong sakanya.


"Si Jacob. Nagpang abot kami kagabi. Hindi siya nararapat para kay Ruby."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi ni Nikko. Alam kong nagaalala lang ito para sa kaibigan ngunit di ko padin mapigilan ang makadama ng kaonting selos.


Ginamot ko ang mga sugat nito sa kamay at mga galos.

"Magpahinga kana." Sabi ko sakanya samantalang siya naman ay tulala sa kisame at malalim ang iniisip kaya naman tuluyan na akong lumabas ng silid para ipagluto siya.

Ng matapos ako sa pagluluto ay pinutahan ko saglit ang kambal. Mahimbing parin natutulog ang mga ito kaya napangiti nalang ako. Tumungo na ako sa silid namin ni Nikko at nakita ko siyang may kausap sa phone.

"Kamusta si Ruby? Mamayang gabi ako ulit ang magbabantay sakanya. Please tawagan niyo agad ako kung ano ang balita sakanya." Pinatay na nito ang phone at tumingin sakin.

Inilapag ko na ang tray ng pagkain para makakain siya.

"Magpupuyat ka nanaman? Magpahinga ka muna mahal nandon naman ang mga magulang ni Ruby hindi siya pababayaan non."

"No Sofie. Hindi mo naiintindihan." Maiksing sabi nito tsaka tahimik na kumain. Pinanood ko nalang siya habang kumakain. Bakas padin sa mukha nito ang lalim ng iniisip.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon