CHAPTER 18

13.5K 310 10
                                    

Ruby POV:

Natapos ang kasal namin ni Jacob ng biglang napahawak sa tiyan si Bianca.


"Ahhhh ang baby ko." Sabi niya.

Nagulat kami ni Jacob at agad niyang pinuntahan si Bianca.

"Hey anong masakit? Let's go dadalhin na kita sa hospital."

Agad agad silang lumabas at sumunod ako.

Ako mismo ang nagdrive papuntang hospital habang nasa back seat sila ni Jacob.

Nakadama ako ng kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ang mga pagaalala ng asawa ko para kay Bianca.

Halo halong emosiyon ang nararamdaman ko ng mga oras na yon. Pilit kong winawaglit sa isipan ko ang mga pagseselos na nararamdaman ko.

Ruby ikaw ang pinakasalan ni Jacob please wag kang magisip ng kung ano ano. Sabi ko sa isip ko.

Nakarating kami agad at dinala si Bianca sa ER nasa labas lamang kami ni Jacob at kitang kita ko sakanya ang labis na pagaalala. Palakad lakad ito. Pasilip silip na waring lumilipad ang isip.

"Hon she will be okay." Sabi ko sabay hawak sa mga kamay ni Jacob.


Tumango na lamang ito sakin at pinagdikit namin ang mga noo naming dalawa.


"Thank you Hon for always there for me."

"Ano kaba. Asawa mo na ako ngayon Jacob kailangan mo ako kaya di kita iiwan." Sabi ko sakanya at niyakap niya ako.

"Please hold on baby ngayon lang to matatapos din lahat ng pagsubok nato." Bulong niya sakin.

Isang mahigpit na yakap din ang sinagot ko sakanya at lumabas na ang doctor.

Agad na bumitaw si Jacob at kinausap ito.

"Doc how's my baby?" Unang tanong nito.

"Your baby and your wife is fine."

Kumunot ang noo ni Jacob dahil sa narinig nitong WIFE. Nilinaw agad ito ni Jacob.

"She's not my wife doc. Here is my wife." Hinila ako ni Jacob at magulat naman ang doctor kaya humingi ng paumanhin.

Naintindihan ko naman ito.

Nagsalita ulit ang doctor.

"Mr. Aguierre i have something to tell you."


"What is it?"

Tumikhim ang doctor habang kami ay seryosong nakikinig sakanya.

"Ang ina lamang ba ng bata ang magisa ngayon? Wala ba itong katulong dahil tatapatin na kita Mr. Aguierre mahina ang kapit ng bata at bawal sa ina nito ang magisa lalo na ang ma stress."

Napaisip ng malalim si Jacob at nagsalita.

"Doc wala dito ang parents niya."

Kumunot ang noo ng doctor.


"Why? Hindi ba nila alam Mr. na nagdadalang tao ang anak nila? Mahina ang kapit ng anak mo Mr. Aguierre at kahit ano mang oras ay pwedeng mawala ito."

Muling nagisip ng malalim si Jacob.
Ng muli nanamang nagsalita.

"I get it doc."

Ngumiti naman ito at muling nagsalita.

"Alagaan mo mabuti ang mag ina Mr. Aguierre alang alang sa bata." Pagkaalis ng doctor ay tumingin agad sakin si Jacob.

Nakuha ko din agad ang mga tinging yon at alam kong magsasama kaming tatlo nina Bianca sa iisang bubong para sa kapakanan ng anak niya.


"It's okay hon. Naiintindihan ko naman na para ito sa baby." Sabi ko kahit na sa kabila nito ay tutol ako.

Ngumiti naman sakin si Jacob.


"Thank you hon napakaswerte ko talaga sayo. Thank you for always understanding me. Wag kang magalala pag katapos nito ay babawi ako sayo I promise."

Hinalikan niya ako sa mga labi ko at nagyakapan kami.

Alam kong hindi ganoon kadali ang lahat at kailangan kong maging malakas para sa relasyon namin ni Jacob.

Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya.


Lumipas ang isang araw at wala si Jacob dahil sinundo nito si Bianca.

Nasa harap lamang ako ng bahay at matyagang naghihintay sa pagdating ng dalawa.

Maya maya pa ay dumating na sila at inalalayan ni Jacob ito papasok ng pintuan. Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko pag nakikita silang nasa ganong posisyon.


Ruby tatagan mo ang loob mo dahil...




Dahil...


Dito palang magsisimula ang lahat.

_________________

Ano kaya ang mangyayare sa susunod? Lalo na at magsasama na sila sa iisang bubong? Please vote and comment guys para matuloy ko pa ang story:) kaya ba umabot ng 10votes? Thanks!


Author

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon