CHAPTER 23

13.4K 296 21
                                    

Dalawang buwan na ang tiyan ko at limang buwan naman ang kay Bianca.

"Jacob diba sasamahan mo ako ngayon magpacheck up? Oh my God I'm so excited malalaman na natin ang gender ng baby natin." Sabi ni Bianca.

Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwentuhan nila. Nawawalan nanaman kasi ako ng gana ngayon pa na checkup ko din.

"Yes, sasabay ka samin ni Ruby dahil mag papacheckup kami sa Ob niya."

"No gusto ko sa Ob ko. Malay ko ba kung magaling ang Ob niya. Akala ko ba pinagusapan na natin to? Na ako ang sasamahan mo? E bakit pa kasama siya?"

"Shut up Bianca! Baka naman nakakalimot kana na ang asawa ko ang unang priority ko."

Nagulat ako sa sinabi ni Jacob at pinisil niya ang kamay ko na kanina pa niya hawak.

"Okay fine. Ano bang laban ko e etong anak mo nga lang pala ang care mo."

Sumimangot si Bianca at tinuloy na ang pagkain.

Ngumiti ako dahil sa ako parin ang unang priority ni Jacob.

Natapos kaming kumain at sumakay na kami sa kotse ni Jacob. Naupo ako sa passenger seat habang si Bianca naman ay nakasimangot na nakaupo sa back seat.

"Hey Wife nakalimutan mong mag seat belt."

Lumapit sakin ang asawa ko at ikinabit ang seat belt. Kinilig naman ako dahil hindi padin siya nagbabago at kapakanan ko padin ang iniisip niya.

"Aalis paba tayo o maglalandian nalang kayo diyan? Ako nalang ang pupunta sa Ob ko."

Biglang lumabas ng pintuan si Bianca.

Napahagpas ng manibela si Jacob sa inis.

"Shit! Ang tigas ng ulo niya."


"Shhh wag kana mabadtrip Hub sige na mukhang di mo na siya mapipigil ako nalang ang pupunta sa Ob ko. Kailangan ka ni Bianca."

At akmang lalabas na ako ng sasakyan dahil kotse ko nalang ang gagamitin ko papunta sa Ob ko.

"No Wife. Dito ka lang kakausapin ko siya."

Lumabas si Jacob ng kotse.

Nakita kong hinabol niya si Bianca at mukhang nagtatalo sila.

Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil hinila siya ni Bianca sa loob ng mansiyon.

Hindi ko na napigilan pa kaya naman bumaba na ako at tumungo sa kinaroroonan nila.

Naabutan ko silang nagtatalo.


"Pano naman ako Jacob?! Paano kami ng anak mo? Kailangan ka namin. Mahal na mahal padin kita please bumalik kana sakin."

Umiiyak si Bianca at nakayakap na siya kay Jacob.

Para akong estatwa sa tinataguan ko pero nakasilip parin ako sakanila. Nagkataon namang day off ng mga katulong kaya wala ang mga ito sa mansiyon

"Bianca please nahihirapan nadin ako. Akala ko ba napagusapan na natin to? Ang bata lang ang pananagutan ko Bianca hindi ikaw."


"Hindi mo naba ako mahal Jacob? Oh c'mon apat na taon Jacob. Apat na taon tayong nagmahalan hindi ako naniniwalang wala ka ng nararamdaman para sakin. Ikaw ang una ko alam mo yan. Ako din ang una mo. So please answer me."

Hinintay ko kung ano ang sasabihin ni Jacob kahit mukha akong tanga gusto ko padin malaman.



"Kung wala ba si Ruby ako padin ba Jacob? Please answer me. Yes or no?"



Hindi padin nagsasalita si Jacob nakatitig lamang ito kay Bianca.


"Yes or no? Im waiting "



Maya maya pa ay ibinuka na nya ang bibig niya.


"Ako parin ba jacob? Yes or no?"



"Yes."



Iyon ang narinig kong sinabi ni Jacob. Halos gumuho na ang mundo ko ng mga oras na yon.


Litong lito akong umalis papatakbo sakanila. Narinig ko pa ang tawag sakin ni Jacob pero di ko na nilingon pa ito.


Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ko to.



Hindi ko alam. Hindi ko alam kung san ko dadalhin ang sarili ko sa mga oras na yon.


Ang malinaw lang sakin ay si Bianca parin ang mahal ni Jacob. Niloko lang niya ako.

Di ko mapigil ang pag iyak ko habang nagmamaneho. Malayo layo narin ang nalakbay ko. Malayo sa siyudad. Maraming puno at tiyak ko na nasa probinsiya na ako.


Pinatay ko rin ang phone ko dahil tawag ng tawag si Jacob.

Wala akong ibang maramdaman kundi puot at sakit dito sa puso ko.



Napahinto ako dahil biglang sumakit ang tiyan ko.



"Ohh God please not now, not my baby please." Iyak na ako ng iyak dahil sa labis na sakit at may nakita na akong dugo na dumadaloy sa hita ko.


Halos mamatay na ako sa sakit pero pinilit ko paring magdrive at huminge ng saklolo.

Ng nakababa ako sa may plaza ay humihinge ako ng tulong sa mga taong nakakasalubong ko sila ay gulat na gulat sakin dahil sa dami ng dugo na umaagos sa hita ko.



"Tulungan niyo ako parang awa niyo na ang baby ko! Ang baby ko please tulungan niyo ako."




Nagkakagulo silang lumapit sakin at pumara sila ng tricycle agad ako isinakay dahil malapit lang daw ang hospital.


Iyak lang ako ng iyak at hawak hawak ko ang tiyan ko. "Baby please wag mong iwan si Mommy hindi ko makakaya please."



Bigla nalang nandilim ang paningin ko at tuluyan na akong kinain ng dilim.




_________

Guys please comment and vote thanks!

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon