Jacob POV:
Magiisang linggo narin ng mawala ang lahat lahat ng ari arian ko. Si Megan naman ay nagpasyang pumunta ng England dahil sa naiwan niyang trabaho.
Bumubukod na kasi ito sa mga magulang namin na nasa America dahil mas gusto niyang lumaking magisa. Halos pareho kami ng mind set ng kapatid ko at nakikita ko talaga ang sarili ko sakanya. Hind nga lang ako naspoiled tulad niya.
Narito ako ngayon sa Alferez Company at ako ang naging secretary ng CEO na si Nikko.
Malaki ang pasasamat ko rito dahil sa labis na pagtulong niya sakin.
Inaayos ko na ang mga files at investment letter dahil gagamitin ito mamaya ni Nikko para sa kausap niyang mga businessman.
Nawala ang halos lahat lahat sakin ng isang iglap lang. Hindi ko padin maintindihan kung bakit nagawa ng papa ko ang ipagbili ang lahat ng ari arian namin dahilan upang mawala ang lahat ng mga business namin.
Maigi ko namang natapos ang trabaho ko at pumasok na ako sa opisina ni Nikko.
Professional akong tao kaya naman bilang pag galang sa kaibigan ko ay Sir Harris ang tawag ko sakanya kapag oras ng trabaho.
...
"Sige Jacob salamat. Umuwi kana si Paul na ang bahala diyan." Tinutukoy niya ang assistant niya.
Nagpasalamat naman ako sakanya at umalis na ng opisina.
Napatingin ako sa wrist watch ko at 8pm na pala ng gabi.
Nakatira ako ngayon sa condo ni Nikko ipinahiram na muna niya ito sakin dahil wala namang gumagamit nito.
Nagmamaneho na ako pauwi at ipinark ko na ang sasakyan ko sa parking lot nito at tuluyan na akong sumakay nh elevator paakyat.
Nakarating na ako sa 19th floor.
Pagpasok ko sa kuwarto ay inayos ko muna ang laptop ko at ilang mga gamit sa opisina.
Malinis akong magtrabaho kaya naman in a advance ko na ang mga gagawin ng CEO kahit na nextweek pa ang deadline.
Napasaupo agad ako sa sofa at napahilot sa noo ko.
Ngayon ay muli ko nanamang naalala ang asawa ko.
Nakakabit ang napakalaking painting na mukha ni Ruby sa gitna ng kama kung saan ako natutulog. Minabuti ko ilabit ito dito banda para lagi ko siyang nasisilayan.
Ang maganda niyang mukha, maaamong mga mata, maliit at matangos na ilong at di nakawala sakin ang maliit niyang dimples sa pisnge na siyang mas lalong nagpapaganda sakanya.
Tumayo ako para malapitan at mahawakan ito.
"Wife nasan kana ba? Ang tagal tagal na kitang hinahanap? Namimiss na kita pati ang anak natin."
Napaluha ako ng maalala ko ang baby namin ni Ruby.
Ano kaya ang kasarian niya? Ano kaya ang itsura niya? Mga tanong na gumugulo sa isip ko na gustong gustong mahanap ang sagot.
...
Pumasok na ako sa banyo para makaligo.
Pagkatapos ay nagpalit na ako ng pantulog dahil maaga pa ako bukas at kailangan kong matulog.Inaayos ko na ang kamang hihigaan ko ng biglang magring ang phone ko.
Ring Ring Ring!.....
Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras? Tumingin ako sa wall clock 12:15 am na pala.
Kinuha ko na ang maingay na phone ko dahil sa paulit ulit na pag ring.
Bakit tumatawag si Megan? Kunot noo kong tanong sa isip ko at sinagot ko na ito.
"Hey." Bungad ko.
Nakarinig ako ng iyak sa kabilang linya. Bigla na lamang akong napaayos ng tayo at kinakabahan.
"K-kuya." Sabi ng kapatid ko na Panay parin ang pag hihikbi na pigil na umiiyak.
"Hey what's wrong?"
"Kuya wala na sila papa at mama. Naaksidente sila pareho. Car accident kuya."
Halos gumuho na ng tuluyan ang mundo ko sa mga narinig ko sa kapatid.
"Kuya I just need you to come please I'm here in America nasa hospital ako."
Agad akong nagpaalam sakanya at tinawagan si Nikko. Kailangan ko ang private plane niya dahil kailangan ko agad makapunta don.
....
"What? I'm sorry for your parents." Sabi ni Nikko habang magkausap kami.
"Don't worry bukas din aalis ka. Ipapahanda ko na ang private plane."
"Salamat Nikko." Tipid kong sabi dahil sa mga oras na yon ay pigil na pigil lang akong umiyak.
Bakit mo kinuha ang lahat sakin? Bakit isa isang nawala ang mga mahal ko sa buhay?
Sa mga oras na yon ay kausap ko ang Diyos na sinasabi nila.
....
6am nakarating na agad ako at sumakay agad ako ng taxi para makarating sa hospital.
Naabutan ko ang kapatid ko na nakaupo sa waiting area habang nakasandal ito sa pader at nakatulala lamang sa kisame.
"Megan?" Tawag ko sa pangalan niya.
Tumakbo siya sakin at yumakap habang patuloy ang pag buhos ng mga luha.
"Kuya wala na sila, wala na ang papa at mama. Kuya ang sakit sakit."
Hinayaan ko lamang siya na umiyak ng umiyak.
Masakit sa loob ko pero nananatili akong matatag.
...
1week later..
Katatapos lamang ng burol ng mga magulang namin. Napagdesisyunan namin na dito sa pinas sila ilibing na magkasama.
Nagpaalam na agad sakin ang kapatid ko na lilipad na siya papuntang England dahil may naiwan pa siyang trabaho.
Umuwi na ako sa condo at doon magisang nagpakasawa sa alak.
Maghapon akong nagiinom at puro kalat lamang ng bote ang makikita sa kuwarto ko.
Muli ko nanamang naisip si Ruby at naisipan kong tawagan ang mga magulang niya.
...
"Ang kapal din ng mukha mo noh para tumawag pa?! Matagal na kayong wala ng anak ko! At hindi ko alam kung nasan na siya!" Sigaw sakin ng papa niya sa kabilang linya.
"Hindi ako naniniwala sainyo! Wag na tayong maglokohan dito. Alam kong tinatago niyo sakin ang magina ko! Ilabas niyo siya! Ilabas niyo!"
"Bastard! Hindi na siya babalik sayo dahil may iba na siyang mahal! Nasa malayo silang lugar at hindi ko alam kung san! Wag ka ng tatawag dito kung ayaw mong ipapulis kita!"
Sigaw sakin ng ama niya bago pabagsak na ibinaba ang telepono.
Di ako makapaniwala sa nalaman ko.
Hindi dapat ako maniwala sakanila.
Alam kong nilalayo lang nila ang mag ina ko at hindi ako makakapayag hinding hindi.___________
Hi guys kawawa naman si Jacob hay. Please comment and vote! Thanks!😘
BINABASA MO ANG
The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 2 ATTENTION! THIS IS SPG BAWAL SA MINOR AGE AND BAGO NIYO BASAHIN TO BASAHIN NIYO MUNA ANG LOVE AFFAIR DAHIL PART TWO NA TO AT HINDI NIYO MAIINTINDIHAN LALO KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG PART 1. NASA WORKS KO YUN. BOOK TWO NA TAYO GUYS...