CHAPTER 14

16.2K 320 3
                                    

Ruby POV:

Isang linggo narin ang lumipas ng makalabas na ako ng hospital. Sa bahay muna ako ng parents ko tumira dahil yon ang gusto nila.

Naintindihan naman yon ni Jacob at araw araw niya akong dinadalaw sa bahay. Araw araw din niya akong binibigyan ng magagandang bulaklak.

Nasa garden ako ng mga oras na yon at umiinom ng chamomile tea na gawa ng mama ko. Nakakarelax kasi ito kaya napapadalas din ang pag inom ko habang nag a unwind sa malaking garden ni mama.

Oo kay mama ang gardern nato dahil mahilig siya sa bulaklak. Napagalaman ko din na may flower shop si Sofie kaya inaaya ako minsan ni mama na tumamabay roon dahil si Sofie na mismo ang supplier niya ng ibat ibang magagandang bulaklak.

Natuwa namana ako dahil sa mabilis kong nakasundo si Sofie. Mabait ito at sadyang napakaganda. Halos nasa kanya na nga ang lahat. Nagulat rin ako dahil naging estudyante ko pala ito at di ko man lang alam na nagtuturo din pala ako noon.

Kay dami mang ala ala ang nawala sakin ay masaya ako dahil bumubuo naman kaming lahat ng mga mahal ko sa buhay ng magandang ala ala.

Limapit sakin si mama. Hindi ko agad namalayan ito.

"Mabuti naman anak at bumalik na ang mapula pula mong balat. Hay labis kaming nag alala ng papa mo dahil sa sobrang putla mo na noong mga oras na nasa hospital ka."

Napansin ko nga ang sinabi ng mama ko dahil naging blooming na ngayon ang balat ko. Ikinatuwa ko naman yon dahil senyales ito na gumaganda na ang pakiramdam ko.

Tumayo ako at hinarap si mama.


"Ma, wag na kayong magalala ni papa okay na okay na ako."

Ngumiti si mama sakin at nagyakapan kami. Ang sarap sa pakiramdam ng madama mo ang yakap ng isang ina.

Maya maya pa ay lumapit na si papa at may kasama ito.

Hindi ko agad napansin yon dahil sa moment naming mag ina.

Tumikhim ito at nagsalita.

"Anak nandito si Jacob."

Agad akong bumitaw kay mama dahil marinig ko palang ang pangalang yon ay natutuwa at naeexcite na ako.


Lumapit si Jacob at nag mano sa mama ko.

Pagkatapos ay humalik sa pisnge ko.

"Hey, you look great." Sabi niya.

Kinilig ako dahil napansin pa niya ang pagkaaliwalas ng itsura ko. Dahil din sa kanya iyon. Dahil gusto kong maging maganda sa paningin niya.

Ipinagpaalam ako ni Jacob sa mga magulang ko na mag a out of town kami. Sobrang saya ko ng mga oras na yon dahil gusto ko nading makagala at makakita ng bagong lugar.


Excited ako at agad akong nagpaalam sa kanila.

2 tickets yun papuntang boracay. Hindi ko na palalagpasin yon gusto kong makapunta doon.


Ngayon na agad ang alis namin at todo asikaso naman ang mama ko para sa mga damit na dadalhin ko.


"Anak bilisan mo na 2pm ang flight niyo." Paalala sakin ni mama.

Natapos na ako at dali daling lumabas. Suot ko ang long dress ko na kulay light blue at sandals ko na kulay puti. Naka shades nadin ako at ready na sa pag alis namin.

Bumaba na ako at napangiti sakin si Jacob pati ang papa ko. Si mama naman ay nakasunod sa likod ko.

"Ang ganda ng prinsesa ko." Sabi ni papa.

Si Jacob naman ay natulala at ng matauhan na ay nakapagsalita din.

"You look stunning." Sabi niya.


Kinilig talaga ako sa mga sinabi niya kaya naman ay napangiti ako.


Nagpaalam na kami at sumakay sa mamahaling kotse ni Jacob. Ipinadrive nalang niya ito sa driver niya at nasa back seat kami.




Pinisil niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sakanya.



"Bat ang tahimik mo hon okay ka lang?"

Ngumiti ako sakanya dahil excited lang naman talaga ako ng mga oras na yon.


"I'm okay hon don't worry." Hinalikan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa mga labi ko. Napakasarap talaga ng halik na yun at hindi namin alintana ang driver niya dahil wala namang paki ito at patuloy lang sa pagdadrive.



I moan.. Masyadong masarap ang mga halik na yon dahilan para mapaungol ako.


"That's enough for now. Madami pa tayong oras sa boracay." Sabi niya at ngumisi.


Napakagat labi naman ako at tumango sakanya. Hindi ko alam pero para akong na aakit sa mga titig niya at napapanganga nalang ako sa sobrang kagwapuhan niya.

Naka V-neck lang kasi ito na white at bakat na bakat ang mga muscles niya sa katawan. Naka maong naman itong pantalon at nakaitim na leather shoes.

Sobrang elegante kahit simple. Matatakam ka parin sa lakas ng dating niya.


Nakarating na kami ng airport at laking gulat at tuwa ko dahil nandoon ang magasawang si Sofie at Nikko.


"Waaaah Sofie!" Sigaw ko sa sobrang tuwa at nagyakapan kami.

Hinanap ko din ang kambal na mga anak nila. Ipinakilala nila ito sakin noong unang makadalaw kami sa flowershop ni Sofie. Alam naman ng dalawang kambal ang kalagayan ko dahil ipinaliwanag ng mabuti ng mga magulang nila.


"Asan sila Adam at Eve?" Unang tanong ko.

"Wala sila dito Ruby. Nasa bahay sila nandoon naman si Sarah yong kaibigan ko at si Lola sila muna daw ang bahala sa kambal."



Tumango na lang ako dahil mas nananaig padin ang pagka excite ko kaya naman ay hinila ko na si Sofie ng aalis na kami.



The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon