CHAPTER 26

14.6K 329 17
                                    

Sofia POV:

Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Jacob alalang alala din kami kung nasan si Ruby. Tinawagan na ni Nikko ang mga magulang nito ngunit pati sila ay tahimik at hindi alam kung nasan si Ruby.

Naguusap si Nikko at Jacob habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

"Wala padin balita ang mga tao ko pinapahanap ko na siya pero wala padin." Problemadong sabi ni Jacob habang naka kunot at nakahawak sa noo.

"Hindi ko na macontact ang phone niya. Marahil nagpalit na nga siya ng number." Sabi naman ni Nikko.

Magiisang taon ng di nagpapakita si Ruby at may pakiramdam kaming tinatago lang ito ng mga magulang niya.

Naintindihan naman naming mag asawa kung bakit nagawa ni Jacob ito kaya nakipag tulungan na si Nikko para sa paghahanap kay Ruby.

Hay kawawa naman si Jacob sana magkaayos na sila dahil alam naming may baby na sila at alam kong sabik na sabik na si Jacob na makita ang mag ina niya.

Jacob POV:

Napagdesisyunan na ng mag asawang Harris na umuwi na. Nandito nanaman ako ngayon sa mansiyon ko nakatulala at di ko alam ang gagawin sa mga oras na to.

"Ruby nasan kana? Please magpakita kana. Miss na miss na kita pati ang anak natin."

Kumuha nanaman ako ng isang can ng beer ng may madinig akong isang ugong ng sasakyan.

Naglakad ako papalabas para makita kung sino ito at laking gulat ko ng...

"Hi kuya! Oh my umuwi talaga ako dahil nabalitaan ko ang nangyare sayo at sa asawa mo."

Si Megan ang kapatid ko.

"Anong ginagawa mo? Umiinom ka? Ano ba hindi healthy yan akin na yan."

Inagaw niya sakin ang beer in can at itinapon sa labas.

"Tsk." Nasabi ko nalang.

"Ang sungit mo talaga nakakainis kana ah. Nandito na nga ang maganda mong kapatid para damayan ka."

"Pwede ba Megan hindi ka nakakatulong." Inis na sabi ko sakanya.

"Ouch kuya ang sakit mo padin magsalita wala kang ipinagbago. Di mo man lang ba ako aayain diyan sa loob ng mansiyon mo? Ang init dito sa labas ha mangingitim na ako."

Maarti talaga itong kapatid ko kaya di nako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala paring nobyo ito.

"Tsk come in." Sabi ko.

Ngiting ngiti naman itong pumasok dala dala ang mga bagahe niya.

Ng makita ko ang mga to....

"Hey! Don't tell me-" di na niya ako pinatapos.

"Yes kuya dito na muna ako titira pansamantala."

Umiling na lamang ako. Ano pabang magagawa ko? Kilala ko tong kapatid ko hindi marunong magpatalo to.

"Hey maid ikuha mo nga ako ng juice please no sugar okay?" Sabi ng kapatid ko.

Napalingon naman ako sa kausap nito at si Marie yon.

Kilala ko ang kapatid ko. Malamang hindi niya gusto ito dahil sa umpisa palang nagsisimula na ang pagkabitch niya.

"Hey?! Wala kang naririnig? Sabi ko ikuha mo ako ng juice!"

Eto na umpisa nanaman ang pagkamataray nito. Napailing nalang ako at tumungo sa sala para manood ng T.V.

Maya maya lang ay lumapit na si Megan.

"Kuya? I don't like her."

Napakunot noo ako dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito.

"You don't like what?"

"That maid I don't like her kuya. I feel something strange to her and I don't like it."

Napailing nalang ako. Wala naman talaga kasi akong pakialam sa babaeng yon. Mabuti nga yon nandito ang kapatid ko may magbabantay na sakin pag nilandi pa ako ng Marie na yon.

"Eto na ang juice mo."

Rinig kong sabi ni Marie.

"What did you say?" Sabi naman ng kapatid ko.

"Sabi ko ayan na ang Juice mo." Ulit ni Marie.

Natatawa nalang akong habang nakikinig sakanila. Kilala ko ang kapatid ko at alam kong ano mang oras ay sasabog na ito. Well I still don't care.

"Do you know me maid?" Tanong ng kapatid ko.

"Hindi."

Napairap si Megan at lumapit kay Marie.

"I'm your Senyorito Jacob's sister. Do you want me to fire you now?"

Biglang napayuko si Marie mukhang tinablan na nga ng kamalditahan ng kapatid ko.

"No Senyorita."

"Ayon naman pala edi umayos ka ilagay mo sa lugar yang pagkamaldita mo!"

"Paumanhin mo Senyorita."

"Get out umiinit ang ulo ko sayo."

Akmang aalis na si Marie ng tawagin ulit siya ni Megan.

"Hey one more thing."

"Ano po yun Senyorita?"

"Just wear your uniform maid. Hindi maganda ang katawan mo para ipag lakdakan yan."

Napatanga na ako sa kapatid ko wow ang taray niya talaga mukhang nagmana nga siya sakin.

"Opo Senyorita. Aalis na po ako."

"Then gooooo I don't want to see your face here."

Umalis na nga si Marie at naupo naman sa tabi ko si Megan.

"Hay naiinis talaga ako sakanya kuya. Nako ahh baka inaaahas kana niyan habang wala ang asawa mo nako nako ako muna makakalaban niyan."

Naalala ko nanaman si Ruby. Nalungkot ako sa sinabi niya hay nasan na nga ba ang asawa ko?

"Osiya I need to rest na muna kuya. Wag kang mag alala tutulong ako para mahanap si Ruby. Ok? Bye!"

Tuluyan ng umakyat si Megan at ipinadala niya ang maleta niyang mabigat kay Marie. Mukhang pinahihirapan nga ito ng kapatid ko.

"Hey! Dahan dahan baka magasgas yan!" Rinig ko nanaman ang pagsusungit ni Megan. Well mabait naman talaga ito sadyang ganyan lang siya sa mga taong nasa loob ang kulo.


______________

Hi guys Megan is back ang spoiled brat na kapatid ni Jacob:) tutok lang guys medyo mahaba pa ang kwento. Please vote and comment;) thanks!😘

Author

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon