CHAPTER 22

13.8K 314 6
                                    

Nakauwi nadin kaming tatlo sa mansiyon. Todo ang pagalalay ni Jacob kay Bianca habang nakasunod lang ako sakanya.

"Umakyat kana Bianca aayusin ko muna yung mga vitamins mo ihahatid ko nalang sa kuwarto mo please wag kana magpakastress para din sa baby natin to." Sabi ni Jacob.

Tahimik lamang akong nakikinig sakanila at tahimik na nasasaktan.


Tumingin saglit sakin si Bianca at may kung anong ngiting kumawala sakanya tsaka humarap may Jacob at nagsalita.


"Nahihirapan ako lagi makatulog kaya ako na sstressed. Kawawa naman ang baby natin mahina na ang kapit niya. Pwede mo ba akong samahang matulog please?"


Di ko makapaniwala na yon ang gustong mangyare ng babaeng to. Nahihirapan na ako sa sitwasiyon naming tatlo habang patagal ng patagal.


"Hindi pwede yon. Alam mo namang may asawa ako Bianca. Para sa mga magasawa lang ang pagtatabi sa pagtulog." Sagot ni Jacob.


Biglang umiyak si Bianca like what the hell? Hindi ba siya nakakaintindi. Kanina pa ako nagtitimpi sakanya. Kanina pa talaga.


"Shhh please wag kana umiyak ang baby baka mapano yan."


"Ikaw lang naman ang dahilan kung bat ako umiiyak. Sinabi ko na sayo na I want you to sleep with me para lang naman sa baby natin pero ayaw mo."



Huminga ng malalim si Jacob naguguluhan man ito ay napa oo na siya kay Bianca.

Ang magaling na babaeng to naman ay umakyat na ng hagdan na bakas ang malaking pagkakangiti sa kanyang mga labi.


Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at aakyat nadin ako sa kuwarto dahil baka ano pa ang masabi ko kay Jacob.


"Wife please understand."


Hindi ko na siya hinarap at humakbang na ako ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan.


"Wife please alam mo naman ang sitwasiyon ni Bianca."


"Bitawan mo na ako pagod na ako gusto ko ng matulog."


"No. Makinig ka muna my Wife. Wala akong ano mang kalokohang gagawin please just trust me. After all of this magiging okay na ang lahat just believe in me my Wife I need you please."


Muling nag flash sa utak ko ang kawalang hiyaan nilang ginagawa ng maabutan ko sila bago pa man ako maaksidente.

"Sana nga Jacob. Sana nga."



Inalis ko na ang kamay niya para umakyat at hindi na niya ako muli pang sinundan.


Pag pasok ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

Hanggang kelan? Hanggang kelan kami mananatiling ganto. Nahihirapan na ang kalooban ko gusto ko man lang ng makakausap.


Diyos ko kayo na po ang bahala saming mag ina. Mahal na mahal ko po ang asawa ko pero hindi ko alam hanggang kelan ko pa kakayanin lahat ng pagsubok na ito.


Tumingin ako sa tiyan ko at hinimas ito.


Baby kapit ka lang ha. Wag kang magalala malakas tayo diba? Kakayanin ko ang lahat anak basta diyan ka lang ha wag mo iiwan si Mommy ikaw nalang ang natitira kong kayamanan.




Ayoko na pang muling umiyak dahil alam kong mahihirapan lang ang pagbubuntis ko at baka makasama pa sa anak ko.


Nag bihis nako ng long gown ko na pantulog at nagsuklay na ako ng buhok.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon