CHAPTER 8

18.7K 453 16
                                    


Jacob POV:

Nataranta akong tumakbo papunta kay Ruby dahil nahit and run ito. Gustuhin ko mang habulin ang nakabundol sakanya ay hindi ko magawa dahil mas di ko kakayanin kapag nawala si Ruby.



Agad akong tumawag ng ambulance ngunit napakatagal nilang dumating kaya dahan dahan kong binuhat ito.



"Get out!" Sigaw ko sa mga taong nakaharang sa dadaanan ko dahil kailangan ko ng magmadali.


Agad kong pinaharurot ang sasakyan at nanginginig ako sa takot na baka mawala na siya ng tuluyan dahil hindi padin ito nagkakamalay.

Kinontak ko na ang mga magulang niya pati narin si Nikko at Sofie dahil kailangan ko sila.


Ng makarating ako ay inasikaso agad ako ng mga doctor at sinugod si Ruby sa E.R. Hindi ko na alam ang gagawin ko mababaliw na ata ako habang nakikita siyang duguan at walang malay.


Nakatulala nalang ako at nakaupo habang hinihintay siya. Hindi padin lumalabas ang mga doctor pati narin ang Tito Conrad ni Nikko.



Muli kong naalala ang nangyare kanina.


(Flashback)

Maaga akong nagising at nakita kong tulog pa ang napakaganda kong asawa. Para sakin ay asawa ko na si Ruby kahit na hindi pa kami kasal.


Nakatitig lang ako sa mala anghel niyang mukha at naalala ko nanaman ang problema ko.


Dahil umuwi na ng pinas si Bianca ang kasintahan ko nung ako ay magkolehiyo.


First year college palang at naging kami na ni Bianca. Masaya ako sa piling niya at talagang mahal ko siya. Ganun din siya sakin.

Halos wala na nga kaming problema almost perfect na at aayain ko na din siyang magpakasal pagkagraduate namin ng kolehiyo.


Ngunit...



Ngunit sa isang iglap lang ay nawala ng parang bula si Bianca. Iniwan niya ako after ng graduation kaya naman ay para akong nasiraan ng bait dahil sa kakaisip sakanya.


Araw araw akong nagbabar at naguuwi ng babae sa condo ko ngunit nagbago ang lahat ng yon ng makilala ko si Sofie( guys basahin niyo muna ang part 1 para di kayo maguluhan na nagkagusto noon si Jacob kay Sofie Alferez) aaminin kong nabighani ako sa napakagandang babaeng yun ngunit hindi ko parin matanggal sa isipan ko si Bianca. Marahil ay habang buhay ng nasa puso at isipan ko si Bianca.


Ngunit dumating si Ruby at talagang namangha ako sa angkin nitong kagandahan na kahit si Sofie ay hindi nakaagaw ng pasin ko na ganun ganun nalang.




Mahal ko nga talaga si Ruby dahil nabura talaga si Bianca (Bianca Riviera) sa isipan ko at napalitan na ni Ruby sa puso ko.

.......


Masayang masaya na ako sa piling ni Ruby ng biglang dumating si Bianca at nagmamakaawang bumalik ako sakanya.


Hindi ako nagdalawang isip na tanggihan siya dahil wala na siyang puwang sa isip at lalo na sa puso ko.


Isang umaga sa opisina ko.



Tila hindi parin sumusuko si Bianca at talagang pinuntahan ako sa opisina.



"Please Jacob. Bumalik kana sakin. Mahal na mahal padin kita."



"Bianca sorry pero hindi na ikaw ang tinitibok nito." Sabay turo ko sa dibdib ko.


Umiyak siya at humagulgol.



"Umalis kana Bianca. Mahal na mahal ko si Ruby at magpapakasal na kami. Please wag mo namang sirain yon dahil baka ikamatay ko pag nawala siya."

Hindi nakinig si Bianca at lumapit pa ito sakin.



"Kung ganon sige lulubayan na kita Jacob."



Ngumiti ako sakanya.




"Salamat naman Bianca."




"Pero bago yun. Please make love with me."


Nagulat ako sa sinabi niya. Tinanggihan ko ito dahil hindi ko kayang sikmurain na magtataksil ako sa mahal ko.



"Please Jacob this will be the last. At aalis na ako mamayang gabi papuntang Europe."




"No Bianca. Wag mong gawin sakin to alam mo namang mahal ko si Ruby. Please hindi maari yang sinasabi mo."



"Jacob please. Walang makakaalam at aalis na ako."

Nagisip ako ng mabuti sa sinabi ni Bianca. Alam kong mali ito pero ito lang ang paraan para lubayan na niya kami ni Ruby kaya pikit mata akong pumayag sa gusto niya.


.......

"Mga hayop kayo!"


Halos mabaliw ako sa narinig ko at natulak ko si Bianca ng makita kong si Ruby ang nagsalita. Nanghihina ang buong katawan ko na tila kinukuha ang lakas ko dahil sa nakita ko.





(End of flashback)

Dumating na si Nikko at Sofie at hingal na hingal sila.



"Jacob anong nangyare?" Natatarantang tanong ni Sofie.




Ikinuwento ko ang lahat sakanila at akmang susuntukin ako ni Nikko ngunit pinigilan ito ni Sofie.


Ganoon na lamang ang pagaalala ni Nikko kay Ruby dahil kababata niya ito at malalim ang pinagsamahan nila.


Kaya noon ay nagkagusto si Ruby kay Nikko ngunit ang mahal ni nito ay ang asawa na niya ngayon na si Sofie.



"Nikko huminahon ka nga!" Awat ni Sofie.



"Jacob kaibigan kita. Pero tinarantado mo si Ruby! Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Ruby at walang sino man ang mang gagago sakanya!"


Sigaw ni Nikko na halatang galit na galit. Napatulala nalang ako sakanya at maging si Sofie din.



Naiintindihan ko naman ito dahil mas matagal ang pinagsamahan nila ni Ruby.




Maya maya pa ay lumabas na ang Tito Conrad ni Nikko.



Agad na lumapit si Nikko sakanya at alalang alala ito. Habang kami ni Sofie ay nasa likod ni Nikko at nakikinig lang.



Nasampal ko ang sarili ko dahil hindi ko kakayanin na may mangyaring masama kay Ruby.




"She's in coma marami ding dugo ang nawala sakanya sorry pero hindi ko masasabi kung kelan siya magigising o kung magigising pa siya."



Nasuntok ni Nikko ng malakas ang dingding ng hospital habang ako ay natulala. Kasalanan ko ang lahat. Hindi sana magkakaganito si Ruby kung di dahil sakin.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon