Chapter 5

1K 26 0
                                    

Chapter 5

Ngayon mabilis lang mga pangyayari nakauwi na ko sa bahay ngayon at hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari. Ewan puro tanong nanaman ang nasa isip ko kung bakit ang malas malas ko masama ba maging mabait kasi pag naging mabait ka sasamantalahin na ng iba. Wala na talagang makakapagkatiwalaan sa mundo kundi ang Diyos, pamilya at sarili mo lang.

*TOK! TOK! TOK!*

Patulog na sana ako ng may biglang kumatok. Sino nanaman toh 10pm na. Binuksan ko ang pinto at nakita kong si Chad iyon bigla kong sinara ang pinto.

"Nadine! buksan mo ang pinto magpapaliwanag ako!" sabi niya

Hindi ko siya kinakausap at tinawagan ko na lang ang katulong namin.

"Yaya!" utas ko

"Yes po mam?" utas ng katulong namin.

"Tumawag ka ng guard at sabihin mo may nanggugulo sa subdivision natin! Ngayon na!" utas ko may katulong kami pero isa lang dahil walang tagabantay sa bahay.

Dumating ang guard at sumilip silip ako sa bintana. Hindi ganoon kalaki ang bahay namin at hindi rin naman ganoon kaliit katamtaman lang naman.

"Bitiwan niyo ko! Girlfriend ko ang nasa loob ng bahay na yan!" utas ni Chad na sumisigaw.

Dahil sa maraming guard ay sa wakas nabitbit din siya. Grabe naaawa ako pero puro sakit lang naman ang gagawin ng awa dahil ang sakit sakit ng ginawa niya sakin gusto kong ibalik lahat ng sakit na ginawa nila sakin.Lalo na si Hannah na akala koay best friend ko yun pala ay kaaway nakakaasar!

Makalipas ang isang linggo ay nakabili na ko ng ticket papuntang US at bukas na ang flight ko hindi na ko nahirapan dahil may visa at passport na ko.

"Best, sorry please! patawarin mo na ako lahat gagawin ko mabalik lang ang dati nating pagkakaibigan at-" utas ni Hannah na agad kong pinutol.

"Wag mo kong tawaging best ha! Malabo na maibalik ang pagkakaibigan natin." sabi ko sabay alis at binunggo ko siya.

Kinabukasan ay sumakay na ko sa eroplano at panay ang isip ko habang nakaupo dun. Gusto ko pagbalik ko magulat silang lahat sa pagbabago ko gusto ko tanggalin ang bansag nila sakin bilang nerd. Gusto ko ibalik lahat ng mga sakit na ibinigay nila sakin. Gusto ko doblehen lahat ng sakit. Gusto ko pagbayaran nila yun at pagsisihan ng habang buhay!

When a nerd falls inlove.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon