Chapter 14

872 19 1
                                    

Chapter 14

Mabilis naman akong nakauwi ng bahay. Hindi ko dinadala ang kotse ko dahil alam kong ihahatid ako ni Jiro, pero hindi ako nagpahatid ngayon. Ngayong nasa bahay ako wala akong ginagawa at pagulong gulong lang ako sa kama. Dahil iniisip ko pa rin ang nagyari kanina sobrang kinilig yata ako.

*RING! RING! RING!*

Halos mapatalon ako sa gulat ng nagring ang cellphone ko, sobrang excited ako kung sino yung tumatawag akala ko si Jiro hindi pala.

"Hello?" utas ko

"Hello, si Chad toh puwede ba tayong magkita sa coffe shop malapit sa inyo?" aniya

"Ok, magbibihis lang ako." sabi ko

Pinatayan ko agad siya ng cellphone ano nanaman kaya toh ngayon. Pagkatapos kong magbihis diretso ako sa coffe shop na sinabi niya at nakita ko siyang nakaupo lang dun. Umupo agad ako sa upuan sa harap niya kaya isang bilog na table ang nakapagitan samin.

"Ano ba yun? Mahalaga ba yung sasabihin mo?" sabi ko

"Naalala mo ba nung bata pa tayo sa probinsya may binigay ako sayong kwintas diba kasi walang iwanan best friend tayo. Tapos nangako tayo sa isa't isa na tayo ang magkakatuluyan." aniya

"So? past is past di muna mababago ang nangyari satin. Sino ba ang nagsinungaling at nangloko ha?!" sabi ko

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. Masyado na ba akong harsh? Minsan naiisip ko wala ring mangyayari kung papahirapan ko o pagdusahan nila iyong mga nagawa nilang masama sakin dahil pinagsisihan na naman nila iyon.

"Hi-hindi sa ganun p-pero....." aniya

"Ano nga yun diretsuhin mo na nga ako ano ba yun importante ba yun?" sabi ko na nakataas ang isang kilay.

Damn! ang tagal kung layasan ko kaya toh naiirita lang kasi ako eh.

"Uhm...ka.....si ano eh uhm" aniya

Ano ba yung sasabihin niya at namumutla siya mahalaga ba yun? Nakakaubos ng oras.

"Ano nga yun i'll give you 10mins. para sabihin yang di mo masabi?!" sabi ko

"Uhm... kasi hindi naman ako yung kababata mo kundi si Jiro Owenturner ginamit lang niya nag pangalan ko, Oo may gusto din ako sayo nung mga panahon na yun pero nahihiya akong humarap sayo kaya ang pinsan kong si Jiro ang pinaharap ko pero sinabi kong gamitin ang pangalan ko at ako yung batang laging nakasilip at nakikiusisa sa mga ginagawa niyo lagi akong nandoon at pinapanood kayong dalawa. Kaya alam ko ang mga nangyari sa inyo. Sorry kung ngayon ko lang sinabi." aniya

"A..ano?!" utas kong nakasalubong ang dalawang kilay.

"S-sorry." aniya

Umalis ako sa harapan niya at pauwi na ako ng naka face palm shit?! ang gulo gulo na ng buhay ko lalo pang gumulo.

When a nerd falls inlove.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon