Chapter 24
Sa sobrang inis at selos ko na rin ay tumakbo ako palabas wala akong dalang kotse kaya nag taxi nalang ako. At nakita ko sa gilid na salamin ng taxi na mabilis nag dadrive si Jiro para maabutan ako.
"Manong, paki bilis nalang po!" sabi ko kay manong.
Nagseselos at sobrang inis ko kaya lumandas ang luha ko sa pisngi ko. Sino ba kasi yung babaeng yun at bakit sa Club pa sila pumunta! Nakakapit pa yung babaeng iyon sa braso ni Jiro!
Nagulat ako ng huminto ang taxi.
"Andito na po tayo." sabi ni manong.
"Salamat." sabi ko at sabay bigay ng bayad.
Tumakbo ako patungo sa bahay. Hindi pa naman umuuwi si mommy at daddy kaya. Umuwi ako dito kahit na umiiyak ako. Ni lock ko ang pinto at umakyat agad ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay bigla din namang bumukas ang pinto.
"Paano ka nakapasok!" sigaw ko kay Jiro.
"Pinapasok ako ni manang, hindi mo naman kasi binilin na bawal ako papasukin." sabi niya at nakangisi pa.
"Umalis ka na dito! Alis!" sigaw ko na halos mapaos na ako.
"Wait, nagseselos ka ba sa babaeng kasama ko kanina?" aniya at tumawa ng tumawa.
"Oo, Bakit! Sana pala wala nalang nangyari sa atin kung alam ko lang lolokohin mo ko!" sigaw ko.
Niyakap niya ako at nagulat ako sa ginawa niya.
"Pinsan ko yung babaeng yun nagpasama lang siya sakin sa Club at bawiin mo yang sinabi mo kasi hindi ko kaya pag nawala ka sakin. Mahala na mahal kita." aniya.
Namilog ang mata ko ng sinabi niyang pinsan niya iyon. Hiyang hiya ako ang tanga ko diba nga sabi niya sa pinsan niya siya pupunta?!
"S-sor..ry, Mahal na mahal din kita." sabi ko at niyakap siyang pabalik.
Pinunasan ko ang luha ko, para akong tanga pinsan nga pala niya iyon. Kinabukasan ay nagising akong katabi di Jiro dahil dito siya natulog. Nag iwan lang si mommy at daddy ng sulat kay manang para ibigay sakin at ang laman ng sulat ay iyong pag alis lang nila.
"Kumain ka na!" sabi ko kay Jiro ng nakitang pababa na siya ng hagdan.
"Whoa! Ang daming almusal, Ikaw nagluto niyan?" sabi ni Jiro.
"Tsss... Hindi ako si manang." sabi ko at inirapan siya.
"Paano yan pag nagkaanak na tayo? Sino na magluluto matuto kang maglu-" aniya at nilagyan ko ng hotdog ang bibig niya.
"Ang ingay mo nakakahiya ka!" bulong ko sa kanya at tumawa lang siya.
Kumain ako ng tahimik ngunit kung anong ano ang pinagsasabi niyang walang kuwenta. Kahit na simple lang na kumakain kami ay masaya parin ako dahil kasama ko siya.
Pagkatapos namin kumain ay nanood lang kami ng movies.
"Kailan ka magsisimula sa work mo?" tanong ni Jiro sakin.
Dahil may business kami ay dun ako magtatrabaho. At mag business din naman sila Jiro ay dun din siya magtatrabaho dahil kami ang tagapagmana.
"Maybe, 2 weeks from now." sabi ko.
"Ok edi sabay na pala tayo, baka 2 week from now din ako maguumpisa eh. Kaya ako ang magsusundo at hatid sayo ahh." aniya at kumindat pa sakin.
"Malamang, sino pa ba maghahatid sundo sakin kundi ikaw." sabi ko ng hindi parin natatanggal ang titig ko sa TV.
"Magiging busy tayo sa trabaho pero sisiguraduhin kong mas marami ang timr ko sayo." aniya.
Medyo corny yung line niya lol, pero kinilig pa rin ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
When a nerd falls inlove.
General FictionPaano kung mainlove ang isang nerd? At paano kung true love? Kaya niya kayang magbago dahil mahal din siya ng mahal niya? Or kaya niyang magbago dahil "PAIN CHANGES PEOPLE?"
