Chapter 12
Nakauwi na ko ng bahay na pagod na pagod. Dahil halos tumakbo ako sa buong Luneta. Maraming tanong sa isip ko pero pinapabayaan ko nalang pano niya kaya nalaman na si Chad ang kalaro ko nung bata? Ewan ko di naman mahalaga yun. Naging best friend ko lang naman siya.
"Nadine, pinagod mo ko kahapon." utas ni Tara ng nasa school na ako
"Napagod din naman ako noh." sabi ko ng nakangisi
"Ui, totoo bang kayo na ni Jiro alam kong joke mo lang yun eh." aniya
"Oo, kami na." sabi ko at nag iwas tingin sa kanya
"O-ok." aniya
Pumunta muna akong library na namiss ko dahil hindi na ako masyadong pumupunta dito. Grabe ang tagal ko nang di pumupunta dito dati ito ang tambayan ko ngayon gala na ako ng gala. Nakakamiss pero ganun talaga ang buhay.
"Na-nadine?" sabi ni Hannah sa likod
"Oh, bakit?" sabi ko sabay taas ng isang kilay
"Ba-bakit ka nandito?" sabi niya
"Bakit ikaw na ba ang may ari nitong library at bawal akong pumunta ha. Alam mo walang kwenta mga tanong mo jan ka na nga!" sabi sabay alis at bunggo sa kanya.
Yan ang bagay sa mga makakati pinagdudusa. Alam kong may business si Hannah na siya ang magpapatayo dahil mayamab din naman sila well, magtatayo rin ako ng akin na malapit sa itatayo niyang business at ako mismo ang tatalo sa kanyang business.
"Na-nadine hindi mo pa ba ako napapatawad ang tagal na nun." sabi ni Hannah sa likod
"Siguro, wala na kong balak patawarin ka kasi pag nakikita kita naiirita ako nabubuwisit ako!" sabi ko at tuluyan na lumayo
Nakakaasar iblis na buo ang araw ko laging nasisira damn!
"Hello!" sigaw ni Jiro sabay halik sa pisngi ko.
Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.
"A-anong ginagawa mo dito." sabi ko uminit ang pisngi parang nabuo yung araw ko sa isang halik lang.
"Wala sinundan ko lang yung girlfriend ko." aniya sabay tawa
"Nagpapanggap lang naman tayo masyado ka!" sabi ko
"Eh, kung bigyan mo kaya ako ng chance na maging totoong tayo." aniya sabay seryoso ang muka.
"What?!" sabi ko
"Ok, liligawan nalang kita." sabi niya sabay halik sa pisngi ko at tuluyang umalis.
Shit?! ano bang nagyayari sakin bakit nanaman ako nagkakaganito ha?! ano ba yan, naghuhurementado ang puso ko at may kung anong tumutusok sa tiyan ko. Ewan, di ko pa toh nararamdaman dati ngayon lang at di ko alam kung ajong gagawin ko. Para akonf naestatwa sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
When a nerd falls inlove.
General FictionPaano kung mainlove ang isang nerd? At paano kung true love? Kaya niya kayang magbago dahil mahal din siya ng mahal niya? Or kaya niyang magbago dahil "PAIN CHANGES PEOPLE?"