--> First of all thank you po sa mga nagbasa ng boring kong story xD. At sana po ay basahin niyo din po ang isa ko pang story na "Wife's revenge" Thank you po!
------------------------------------------
EPILOGUE
Jiro's POV
Noong bata pa ko ay may kalaro akong nangangalang Nadine Aldama, nakilala ko siya at nagpakilala ako bilang Chad Dela Fuentes ginamot ko ang pangalan na pinsan ko, dahil sa nahihiya ako at ayokong pag nagkamali ako ay maalala niya ang real name ko, kaya humingi ako ng pahintulot para gamitin ang pangalan ng pinsan ko. Si Chad ay laging nakasilip o nanonood lang sa aming paglalaro ni Nadine. Dahil sa crush niya ito ay nahihiya siyang harapin ito. Nakilala ko si Nadine ng mabuti, medyo may pagka kikay siya na bata kaya nag ka crush din ako sa kanya. At masyado din siyang mabait, ngunit isang araw ay nagpaalam nalang siya sakin na aalis siya para mag aral sa ibang bansa sa USA. Nalungkot ako sobra dahil nawalan ako ng crush at tunay na kaibigan.
Ilang taon ang lumipas ay may nakapagsabi lang sakin na bumalik daw yung kababata ko sa Pilipinas at yun daw ay si Nadine, agad akong kumuha ng private investugator para malaman kung saan siya mag-aaral at saan na siya nakatira at kung siya nga ba talaga ang kababata kong si Nadine. At siya nga ang Nadine na iyon kaya naman agad akong nagtransfer sa school niya. At ang Nadine na nakita ko doon ay ang Nadine na nakasuot ng malaking salamin, ang kilala kong Nadine na medyo kikay noon ay naging nerd af simple ngayon, kaya lalo ko siyang nagustuhan. Sa tabi niya ako pinatabi ng guro namin. Kaya ang swerte ko at tahimik lang siya na may pagkamaldita, kaya tumahimik nalang din ako kahit gustong gusto ko na siya kausapin.
Kinabukasan ay nabalitaan ko nalang na lumipat ng school si Chad na pinsan ko kung saan ako nag iischool din. Siguro ay pinaimbestiga na din niya si Nadine dahil nalaman niyang bumalik na ito sa Pilipinas. At liligawan ko dapat si Nadine ngunit naunahan ako ng pinsan kong ai Chad at ito pa ang kinagulatan kong sobra na naging sila ni Chad.
"Tol, kami na ni Nadine sinagot na niya ako!" sigaw ng pinsan ko sakin.
"Talaga, tol, ingatan at alagaan mo yan si Nadine." sabi ko at umalis na sa bahay.
Ang sakit, pagkatapos ng paghihintay ko ng ilang taon ay iyon lang ang mangyayari. Ang sakit at ang tanga ko na hindi ko man lang pinaglaban si Nadine, pero masaya na ako kung saan siya masaya. Kaya isang araw ay nagulat nalang ako ng may nagbalita sakin na aalis nanaman ng bansa si Nadine dahil niloko siya ng gagong Chad na yun. Pupuntahan ko dapat siya at sasabihin ko na dapat ang lahat na ako naman talaga ang kababata niya. Ngunit, huli na ang lahat naka alis na siya, sobrang lungkot at ang sakit dahil iniwan nanaman niya ako.
"Gago ka! Chad! Sabi ko ingatan mo siya! Sabi ko ingatan at wag mong paiyakin pero anong ginawa mo! Niloko mo siya! Putangina mo! Gago ka! manloloko!" sigaw ko kay Chad na pumunta siya sa bahay namin at sinuntok ko siya.
"Hindi ko naman sinasadyang mangyari samin ni Hannah yun at di ko naman sinasadyang lokohin si Nadine! May gusto ka lang yata sa kanya eh!" sigaw pabalik ni Chad sakin na dumudugo na ang mukha kakasuntok ko.
"Ano naman ngayon kung may gusto ako sa kanya. Tangina mo! Kung hindi mo lang talaga ako naunahan sa kanya! Akin siya ngayon! Akin!" sigaw ko at tinulak siya sabay alis ko.
Nag aral nalang akong mabuti, ngunit hindi pa rin siya maalis sa isip ko. Kahit na nakikipagdate nalang ako sa ibang babae para makamove on pero siya pa rin ang naalala ko. Bakit?! Kasi mahal na mahal ko na talaga siya!
Ilang taon ang lumipas at nakita ko si Nadine sa school nakashort nalang siya at wala na siyang salamin. Ang laki ng pinagbago niya naging medyo maldita na rin siya... Ang laki ng pinagbago niya. Pero mahal ko pa rin siya at kahit nagbago na siya ay siya pa rin talaga ang mahal ko. Pinunta niya ako sa parking lot at kinabigla ko na bigla niya akong halikan.
"Kapag may nagtanong kung tayo na, sabihin mo tayo na talaga ha." sabi ni Nadine at umalis na.
Ang saya ko kasi hinalikan niya ako, ngunit pag kalakad ko ng ilang metro ay nakita ko si Chad na nasa tabi ng kotse, nawala ang ngisi ko, pinagseselos lang yata ni Nadine si Chad kaya ang sakit pa rin.
"Babe!" tawag ko kay Nadine.
"Babe ka jan!" sabi niya.
Oo, at pinaninindigan ko na kami talaga kahit kunwari lang ay pinanadigan ko pa rin. Kahit na alam kong arte lang namin ito. Hanggang sa naging malapit kami sa isa't isa at naging close na close kami na para bang mag best friend. At dapat ay sasabihin ko na ang totoo na ako ang kanyang kababata kaso pinangunahan ako ng kaba at takot, dahil baka magalit pa siya sakin at muli niya akong iwan. Isang araw ay nagulat nalang ako na lumipat si Nadine ng school.
"Tol, sinabi ko na ang totoo kay Nadine na ikaw yung kababata niya at hindi talaga ako. Im so sorry." sabi ni Chad.
Hindi nalang ako umimik at umalis na. Hanggang sa umalis ako ng bahay upang pumunta sa mall at nakita ko doon si Nadine. Gulat ang reaksyon niya.
"Nadine, ngayong nakita na ulit kita puwede ko na ba ulit ipagpatuloy ang panliligaw ko sayo?" sabi ko.
"Uhm.....oh.....sige." sabi ni Nadine.
Dinala ko siya agad sa isang date. At masya naman kami hanggang sa naging close na ulit kami at lumipat muna ako ng temporary sa bahay nila at pumunta kami sa bar. At nakita kong lasing na lasing na siya at napadpad kami sa hotel at doon na may nangyari sa amin. At yun ang daan para mapasagot ko siya kaya naging kami. At masaya naging kami. Gumraduate kami at hanggang sa nagtrabaho na kami ay hindi kami nawawalan ng time sa isa't isa. 2nd anniversary namin ay niyaya ko siya sa date sa isang five star hotel. At nagpropose ako. At sa wakas hindi sayang ang effort ko dahil nakuha ko ang matamis niyang OO. Ang saya ko! Sobra. At may nagyari ulit sa amin na sinisigurado kong mabubuntis siya at magiging ama na ako. At kinausap ko na din ang parents ni Nadine at ng parents ko na ikakasal kami next month na agad, upang mapasaakin na siya at wala ng aagaw.
"Congrats!" sabi ni Tara.
"Tol, Congrats!" sabi ni Chad na best man sa kasal namin.
"Ayan na ang bride!" sabi nila.
This is the time. I've been waiting for. Ito na di ko aakalain na ako ang first at last niya at forever na kami.
"Itong anak namin alagaan mo siya mabuti." sabi ng parents ni Nadine.
"Opo." simple kong sagot.
"I love you more than my life." sabi ko kay Nadine at ngumisi.
"I love you more than you love me." sabi niyang nakangisi din.
-THE END-
BINABASA MO ANG
When a nerd falls inlove.
General FictionPaano kung mainlove ang isang nerd? At paano kung true love? Kaya niya kayang magbago dahil mahal din siya ng mahal niya? Or kaya niyang magbago dahil "PAIN CHANGES PEOPLE?"