Mila's POV
"Hayanako, Loka-loka talaga yung Karla na yon di man lang ako hinatid sa bahay kagabi" Medyo naiiritang bulong ko sa kawalan..
Kasi naman eh
Nalintikan tuloy ako kina Mommy at Daddy.
Kay tanda-tanda na daw ako eh parang wala akong disiplina sa sarili ko kung uminom.Well mabalik tayo sa Karla na yan..
Infairness ang gwapo ng Fafa na kasama namin kagabi ni bestfriend ah!
And to tell you guys mukhang si Karla ang type niya.
Hay buhay! Di pinansin ang aking beauty.
Sabagay,Bagay na bagay naman silang dalawa sa isa't-isa kaya okey lang.Para naman sumaya din yung bff ko na minsan e parang retarted sa ka over acting at exaggerated niyang kaisipan..
Sa tagal naming magkaibigan eh
Kabisado ko na siya.
Lahat lahat talaga
Pati na din ang mga sekreto niyaMayroon nong bata pa kami.
Naalala ko nung una kaming maglaro ng hide and seek sa kwarto ko.
Hindi ko sya gusto noon kaya pinatay ko ang ilaw at kinandado siya sa loob.Nagulat na lang ako ng nagsisigaw siya at kung anu-ano ang sinasabi..
Mas lalo kong ikinatakot at nagpanindig ng balahibo ng parang may kasama pa siyang iba sa loob..
"Huwag! Lumayo ka sakin! Tigilan mo na ko!" Sigaw ni Karla.Nang buksan ko noon ang pinto laking gulat ko nung makita ko siyang nasa sulok ng kama ko at nanginginig sa takot.
"Nariyan na siya.. Kukunin niya din ako" malamig at nanginginig na ssabi pa niya.
Halos masampal ako noon ni Daddy ng malaman nila ang ginawa ko kay Karla..
Magmula noon nangako na ko na hindi na yon mauulit.
Kasabay din noon ang pagiging malapit ko sakanya ..
Dahil alam ko sa loob ko.
Kailangan niya ng karamay sa lahat ng oras..Nag-ring ang phone ko
Dali-dali ko tung kinuha at tiningnan.***
from : Unregistered numberSinagot ko ito.
"Hello?" Wika ko pero walang sumasagot na boses mula sa kabilang linya.
"Who's this!?" Naiirita ng tanong ko..
Nanatiling tahimik ang kabilang linya..
At ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tawa. Nakakaloko at nakakapanindig balahibong tawa.."Hello? Ano ba! Wala kong time makipagbiruan okey!?" Sabay baba ng telepono.
Tumawag uli ito ng paulit-ulit at
Sa sobrang inis.
Ibinato ko yung phone ko sa salamin dahilan upang mabasag ito.
BINABASA MO ANG
Drag You To Hell (Tagalog)
Mystery / Thriller[Some secrets are better left untold Because some secrets might be kill you] °WARNING° [DONT TRUST TOO MUCH!]