Nightmare

23 2 0
                                    

Naglalakad ako ng biglang..
Nakita ko ang babaeng nakadamit ng puti.

Nakita ko ang babaeng nakadamit ng puti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinawag ko siya ."Miss! Sandali"
Pero ni hindi siya lumingon
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang malaking puting bahay.

Makikita na malaki ito ngunit may aurang nakakapanindig balahibo.
Medyo luma na din ito.
May malawak na terrace at dalawang malalaking puno ng balete sa bandang kanan sa pinaka gilid ng bahay na mas lalong nakapagbigay ng di magandang aura dito.
May isang luma pero magandang fountain din sa gitna ng garden ng  harap nito.

Pumasok sa loob ng bahay ang babae.. At walang anu-ano ay bigla siyang hinampas gamit ang isang kahoy ng lalaking nakatayo at nakamasid sakanya na kanina pa sa pinto..
Diko makita ang mukha ng lalaki sa anggulo mula dito sa kinatatayuan ko dahil medyo malayo..

"Ahhhh!" Sigaw ko..
Nasa tabi ko na pala si Mila halatang bahagyang gulat na gulat.
"P-problema mo bes? Kanina pa kita ginigising ah? Bina-bangungot kana ata eh" wika niya.
"Oo nga eh" hingal pa ding sahot ko.
"Tara bumangon kana dyan, magmamall tayo" masayang sabi ni Mila sakin.
"Hintayin kita sa baba,Bilisan mo bes" dagdag pa nito sabay kindat sakin.
At lumabas na siya ng kwarto ko.

Tumayo ako.
Upang tignan ang imahe ko sa salamin.

Nagulat ako at parang nandoon sa may kanang likod ko ang babaeng nakaputi na yon.
Agad kong nilingon ito,pero wala naman.
Di ko na lang pinansin ito,
Namalikmata lang siguro ako.

Ilang oras din kaming nag-mall'ing ni Mila.
Napakarami niya pa kasing pinamiling kung anu-anong damit.

Mga alas dos na kami ng hapon nakauwi.
"Bes thank you sa pag threat mo sakin kanina ng lunch ha? Sa uilitin ba-bye" pagpapaalam niya.
Nginitian ko na lanh siya ng matamis at tumango bilang sagot.
Nang makapasok ako ng bahay biglang nag-ring ang cellphone ko.

**** Unregistered number ****

Pero sinagot ko pa din ito dahil baka importante kung ano man ang sasabihin niya.
"Hello? Who's this?" Tanong ko.
"Thyrone.. Do you still remember me" sagot niya.
"Oh.. Thyrone ikaw pala yan, Naalala kita syempre.Kamusta ka?" Wika ko.
"Im good. By the way are you free tommorow?" Tanong niya uli.
"Uhm.. yeah,why?" Wika ko.
"Thats great. I'll pick you up there tommorow. Maybe before lunch? Here at my place. Is it okay?" Tanung niya.
"At your place?" Pagtatanong ko.
"Yeah.. pwede mo isama yong friend mo kung di ka comfortable na tayo lang" sabi pa niya.
"Okey isama natin si Mila" pag sang-ayon ko.
"Alright. Okey see you soon Karla. Bye.." wika niya at binaba na ang telepono.

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon