First love never dies

15 1 0
                                    

Flashback ..

"Karla.. Basta ha? Huwag ka muna magboboyfriend. Hintayin mo ko. Magpapakasal tayo" wika ni Jeffrey na abot ang tenga ang ngiti. Sabay abot niya sakin ng bulaklak.

"Ayoko magpakasal sayo no! Wala kang ngipin sa harap eh" pagmamaktol ko. Sabay inabot ang bulaklak.

Nagulat ako ng bigla niya kong hinigit at niyakap ng mahigpit.
"Mangako ka sakin.. Hihintayin mo ko" ulit niya.
Tumango tango ako bilang sagot.
Bata pa kami noon..
Im about 10 year's of age.
At siya naman ay nasa 14 na that time.

Masayado kong dinala at sineryuso yong mga sinabi niya sakin noon.
Kaya yon din ang isang rason kaya umiiwas ako magka-nobyo noon.

Akala ko di ko na siya makakausap uli.
Pero heto siya ngayon.
Too late may iba na kong mahal ikakasal na ako.

Matagal ko ng kinalimutan ang mga katagang yon pero nanunumbalik uli sa memorya ko.

Sinasariwa uli ng kaisipan ko ang mga sinabi niya.
I admit bata pa nga talaga kami noon at baka isang malaking biro lang yon.

Pero para sakin?
Hindi ko din alam kong sa mga oras na yon eh pagmamahal ba yong mga nadama ko.

Ang sigurado ko lang eh.
May epekto pa din siya ngayon sakin
Kahit lumipas na ang labing dalawang taon.

..

Binaba ko sa kama ang litrato namin noon at saka naligo.

Nandirito kasi ako ngayon sa bahay ko.
Maya-maya pa ko tutungo kay Thyrone.
Pababa na ko ng matapos ako maligo.
Nang biglang may kumatok sa pinto.

Alas tres na din ng hapon at baka si Thyrone na yan.

Pag bukas ko ng pintuan.
Agad akong nablangko at lubos ma ikinagulat ko nang makita ko si Jeffrey.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Oo pumuti siya,tumangkad ng sobra,gumwapo.

Pero yong ngiting nakikita ko ngayon.
Siya talaga to.
Yong ngiti niyang nakakapag pa-tanggal ng lumbay sa puso ko.
Yong ngiti niyang nagbibigay galak sa diwa ko.

"Karla you look even more gorgeous now" panimula niya.
Hindi ako nakasagot sapagkat tulala pa din ako.
"Wala ka bang balak papasukin ako sa bahay mo. Look oh? Sayang naman porma ko at ka-pogihan ko kung ganyan" preskong sabi pa niya.

Natawa naman ako doon.
Sabay hampas ko sakanya ng hawak hawak kong dyaryo na kasalukuyan kong binabasa kanina.

"Haynako! Until now mayabang ka pa din jeff!" Bulalas ko sakanya.

At pinapasok ko na siya sa loob ng bahay.

Nagkakwentuhan kami.
Ang saya. Ang tagal kasi naming hindi nagkita.

Tawanan.
Harutan.
Kulitan.
At walang humpay na tawanan.

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon