Scary night

14 2 0
                                    


Heto ako ngayon sa pundot nila mommy at daddy. I mean yung totoo kung magulang bumiyahe ako ng mahigit tatlong oras makarating lang dito sa dati kong probinsya.
Matagal tagal na din mula ng huli ko silang dinalaw dito sa sementeryo.

"Pasensya na mommy at daddy kung ngayon lang uli ko nakabisita sa inyo malayo din kasi tong lugat natin mula dun sa tinitirhan ko ngayon." Wika ko sa kawalan.
"Ang dami dami kong gustong ikwento sa inyo.." Sambit ko. Di ko namalayan unti-unti ng nangingilid mula sa pisngi ko ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

"Daddy naalala niyo pa ba yong sinabi niyo sakin noon? That i am your princess and someday somehow i will become a Queen of my own King.." Wika ko.

"Alam niyo po bang malapit ng matupad yon?" Pagpapatuloy ko.
"Mommy , Daddy may boyfriend na po ako. At malapit na po kaming ikasal.
Tignan niyo po oh nakasuot sakin yong singsing na binigay niya nung nagpropose siya sakin..
Mom, Dad kung nasaan man kayo naroroon ngayon.. Alam ko po na masaya na po kayo para sa akin" wika ko habang masayang masaya na nakangiti.

Alas singko na ng hapon nang mapag-desisyonan kung umuwi.
Dumidilim na din malayo pa naman ang uuwian ko mula rito.

Sumakay na ko ng sasakyan at pinaandar na ito.
Di pa man din ako nakakalayo nang....

-
Nagulat na lang ako ng may biglang babaeng lumitaw sa gitna ng dinadaan ng kotseng minamaneho ko ngayon.
Sa takot kong baka nasagasaan ko ito ay agad akong bumaba ng sasakyan.

Tumutulo ang pawis sa gilid ng noo ko..
Yumuko ako para tignan sa ilalim ng kotse yung babae pero mas nagulat ako ng wala akong makita ni ano man.
Hinanap ko din sa likod ng kotse pero wala.

Lalo akong naguluhan.
Alam ko nakita ko siya.
Lumingon pa siya at ngumit ng nakakatakot bago ko siya tuluyang mabangga.
Possible kayang multo yon?
Does it really exist?
Nanginginig na ang aking dalawang kamay.
Makikita ding sobrang pawis na ko sa nerbyos.
Pinaandar ko na lang ang sasakyan at pinaharorot ko paalis sa lugar na ito..

---
Kung ano man yung nakita ko?
Hindi ko alam..
Isa lang ang nasisiguro ko na siya yong babae sa panaginip ko..

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon