Lihim

9 0 0
                                    

Naglalakad  ako sa gubat.

Pamilyar 'tong  lugar na ito sakin.

Dito kami noon naghike nila mama at papa..

Dito din nawala si ate.

Ilang hakbang pa ng marinig kong may tumatawag sakin.

"Karla.. Tulungan mo ako"

Lumingon ako upang makita kung saan nanggagaling ang tinig.

Lumapit ako.

Si..

Si ate..

Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko si ate Sheena.

Sigaw lang siya ng sigaw.

Gusto ko sana humakbang papunta sakanya pero..

Nahulog na siya sa bangin..

"Ate!!!" Sigaw ko.

Bumangon ako mula sa pakakahimbing ng tulog.

PANIGINIP..

O..

Mas akmang isang,

BANGUNGOT..

Humahangos ako ng magising naalimpungatan din si Thyrone.

"Bakit? Anong problema?" Pagtatanong niya ..

"W-wala. Ayos lang ako" sambit ko.

Sabay hawak sa puso ko..

Hanggang ngayon ginugulo pa din ako ng konsensya ko.

'Di ko siya natulungan noon.

Nadulas si ate dahilan para mapadaos-dos siya sa damuhan.

Mahuhulog na siya..

Nakatayo lang ako.

Bakit di ko siya tinulungan?

'Di ko din alam.

Marahil ay masyadong mabilis ang pangyayari..

Hindi.

' Di ko dapat lokohin amg sarili ko.

Ginusto ko iyon mangyari kay ate.

Naiinggit kasi ko sakanya.

Siya ang paborito nila mama at papa.

Bakit?

Siya lang naman kasi ang mas mabait!

Siya na ng honor student..

Siya na ang mas malambing..

Siya na ang laging magaling..

Pero mali ako.

Kahit ng mawala na siya.

Mas lalong lumayo ang loob nila sakin.

Dapat tinulungan ko na lang si ate ..

Dapat ginawa ko kung ano yung tama.

---

Tinignan ko ang orasan alas otso na ng umaga nakatulog ako muli kanina, wala na sa tabi ko si Thyrone.

Marahil ay nasa baba na siya ng bahay na 'to kasama ang lola niya.

Kinapa ko sa bulsa ang kwintas na nakuha ko sa banyo kahapon.

Tinaas ko ito at muling tinitigan.

"Hindi ako pwedeng magkamali" sambit ko.

---

Pagkaraay pumanhik na ko upang bumaba.

"Iha.. Gising ka na pala" bigkas ni lola ezmeralda.

Nginitian ko lang siya.

"Si Thyrone? Maagang umalis, 'Di na nakapagpaalam sayo kasi nagmamadali. Babalik din naman daw siya agad iha" paliwanag pa nito.

Tumango na lang din ako.

Nagtungo lang muli ako sa dalampasigan.

'Di pa naman ako gutom.

Umupo ako gitna ng kawalan walang tao.

Nahiga muna ko saglit sa buhangin at pumikit ng bahagya.

Makalipas ang ilang minuto.

Bumalik na ko sa bahay ni lola ezmeralda.

Naabutan ko siyang mag aalmusal pa lang.

"Halika saluhan mo ko iha" pag-aya niya.

"Sige po" pag sang-ayon ko.

Nagkwwentuhan lang kami hanggang sa tinanong ko yung tungkol kay Janah ang dating asawa ni Thyrone.

Napailing lang siya at ngumiti pero 'di umabot hanggang sakanyang mata.

"Kung ako sayo.. Huwag kanang mag aksayang alamin pa yun iha.. ikaw din ang mahihirapan" sambit niya sabay tayo ng hapag.

"Inday! Paki-ayus na itong mesa at tapos na kami ni Karla" pag uutos niya sa katulong.

****

Mahihirapan?

Ako?

Sa paanong dahilan?

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon