Soon to be wed

12 2 0
                                    

*****2months ng nakalipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*****
2months ng nakalipas ..
1month na lang ikakasal na kaming dalawa ni Thyrone. Cant wait to be a Mrs. Buenavista
Naglalakad ako pauwi dahil kakasukat ko lang ng wedding gown ko.
Nang bigla kong makita si Mila na papalapit sakin.
Sabay niyakap niya ako.

"Bes namiss kita" Wika niya sabay pout pa ng lips niya.
"Ikaw eh. Ang tagal mong di nagpakita friend. Saang lupalop kaba ngundo nagpunta?" Tanong ko.
"Well.. Naisip ko kasing wala ka nang time sakin eh kasi busy ka sa kasal mo kaya di ako nagpakita ng matagal sa iyo" paliwanag niya.
Pero parang di ako nakuntento sa sagot niya.
"Ha? Seriously Mila?" Wika ko.
"Oo nga!" Sabi niya.
"Uhm.. Okey" Wika ko.

Ilang sandali pa eh nagpaalam na ko sakanya dahil kako may lalakarin pa kami ni Thyrone.
At tumango naman siya bilang sagot at kinindatan pa ko bago umalis.

..

Palakad lakad ako habang tinitignan kung may masasakyan pa ko pauwi.
"Damn it! Gumagabi na dapat sumabay na ko kanina kay Mila eh" wika ko.

6:30 na ng gabi.
Nandito pa din ako.

"Psst!"

Rinig ko mula sa di kalayuan..

"Psst!"

Pagkuway naulit ko pag karaan nang ilang pang minuto narinig kp ulit ito.

Pero this time parang mas malapit na..

Parang binulong mismo sa tenga ko..

Lumingon ako pero wala ko nakita..

Lumingon muli at muli kong nakita yong babae sa panaginip ko..

Napalinaw ng mukga niya sa paningin ko ..

Papalapit siya ng papalapit at parang may gustong sabihin..

Sa sobrang takot ko ..
Kaya tumakbo ako palayo..

Takbo..
Lakad..

Hanggang sa napagod ako at umupo sa kalye..

Ilang sandali din akong natulala dahil sa takot..

"Hoy! Miss ano? Sasakay kaba oh tutulala kana lang diyan?" bulyaw sakin nang mama na taxi driver.
Di ko siya namalayan na nasa harap ko na pala..

Inabot ko ang nakalagay na bag ko sa kalye at sinukbit ito sa kamay ko.

At pumasok na nang sasakyan..

Makalipas ang ilang sandali ay nakauwi din ako nang bahay..

Tinignan ko ang cellphone ko.

Pagbukas ko 16 missed call mula kay Thyrone.

Nakatanggap din ako nang tatlong text mula sakanya.

Naglalaman ito nang mga tanong..

"Karla bakit wala ka kanina sa meeting place natin? Akala ko ba magdadate pa tayo after mo masukat yang gown mo.."

"Karla nasaan kana?"

"Karla wala ka sa bahay mo. Nasaan kana ba?"

Tumawag ako sakanya.
At sinabi ang nangyari pero sabi niya guni-guni ko lang daw siguro yon..

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon