_ Haha sa wakas magkaka POV na din si Jeffrey XD tagal niya din nawala sa story na tu e !
Ilang chapters na lang guys ..
Suportahan niyo sana hehe ..
Vote and Comment :)*****
Jeffrey's POV
Namimiss ko na si Karla.
Well alam kong mali to kasi kasal na siya sa iba pero wala eh siya pa din talaga.
Nag memessage din ako sa facebook sakanya pero di niya sineseen.
Mukhang 'di na talaga niya ko kailangan pa.
To be honest?
Wala kong pakialam kung kasal na siya basta may paraan aagawin ko siya.
Gagawin ko lahat para lang makuha siya.
Nagtungo na ko pababa ng bahay at dumiretso sa may bandang gilid kung saan ko ginagarahe ang Montero Sport ko.
Pumasok na ako ng sasakyan at agad na ini-start ito.
Makikita din kita..
At pag dumating yung araw na yon 'di ko na sasayangin pa.Ilang minuto lang at naririto na ko saking dapat puntahan.
Sa puntod ni Janah.
Paano ko siya nakilala?
Malalamam niyo din sa tamang panahon..
---
SAMANTALA
//
Mila's POV
Matagal tagal ko na din nabibisita si ang namayapa kong Lola.
Ngayong araw ko balak magpunta sa puntod niya.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko upang magpunta sa cemetery.
Wala pang trenta minutos eh nakarating na ako.
Dinampot ko ang kulay dilaw na boquet ng tulip na pinabili ko pa sa dangwa kani-kanina lang.
Naalala ko pa.
Ito ang paboritong bulaklak ni Lola.
Inamoy ko pa ito.
At marahang pumikit ng ilang saglit.
Bago bumaba ng kotse.
Papunta na ko sa gawi kung saan naroon ang puntod ng Lola ko.
Naagaw ng pansin saking mga mata ang lalaking nakatayo sa malapit lang na seryosong nakatanaw sa kawalan.
Narinig ko pang sabi niya "He will regret this Janah.. Pangako sayo ipaghihiganti kita"
'Di ko na lang ito binigyan pa ng pansin at dumeritso na ako.
Umupo ako sa damuhan at inilapag ang mga bulaklak na dala-dala ko.
Ilang minuto lang at nagsalita na ako.
"Namiss ko po kayo 'La. Simula't sapul kasi kayo lang talaga ang kakampi ko eh.. Marami po kong gustong gusto na ikwento sayo.. Kaso baka abutin na ko ng pasko rito pag ginawa ko yon! Haha"
Tumingala ako sa kalangitan.
Mukhang nagbabadya na itong umulan.
Tumingin ako sa paligid.
Ako na lang ang tao rito.
Tumayo ako at pinagpag ang likuran ko.
"Paalam 'La kailangan ko ng umalis madami pa kong kailangang ayusin" paalam ko. Sabay sukbit sa balikat ko ang sling bag na dala ko.
At naglakad papalapit sa sasakyan ko.
Pagkasakay ko pa lang agad na kong naka-received ng text.
"Nasaan ka na? "
Agad na kumorte saking labi ang isang nakakalokong ngiti.
*****
-----
_haha maaga nagising kaya maaga din naka UD readers :D .. Enjoy ..
BINABASA MO ANG
Drag You To Hell (Tagalog)
Mystery / Thriller[Some secrets are better left untold Because some secrets might be kill you] °WARNING° [DONT TRUST TOO MUCH!]