Hell is near

21 1 0
                                    

Pictorial namin ni Thyrone ngayon 1week to go bago ang kasal.
And i am seeing things.

Not just on my imaginations.
I see a soul/ghost/everything that doesnt have an explanation for real on my bare eyes.

Minsan magugulat na lang ako makakakita ako ng kung ano-ano na di naman dapat nakikita ng isang normal na tao.

Hindi ko alam kong bakit ito nangyayari.
Nagugulo na ang buhay ko dahil dito.
Yung trabaho, lalo na tung kasal namin ni Thyrone.

Sinabi ko na din kay Thyrone lahat.
Pati kay Mila pero ang sabi nila baka naghahalucinate lang daw ako. At bunga lang daw ito ng imahinasyon ko.

Hindi.
'Di lang ito basta imahinasyon nakikita ko talaga sila.
Mga kaluluwa.
At kung anu-ano pa.

Nakakarinig din ako ng kung anu-ano.
Minsan isang batang umiiyak.
Pero kadalasan isang sigaw mula sa tinig ng babae na humihingi ng tulong at nauuwi sa isang iyak at mga hikbi.

Nakakatakot.

Lalo na sa pagtulog.
Nagsimula to noong ginabi ako last week sa kalyeng yon.

Yong babae sa panaginip ko.

Hindi na lang siya sa panaginip ko nagpapakita.
Maging sa pag gising , pagkain , pagligo at pagtulog naroroon siya.

Wala pa rin akong idea kung bakit lagi siyang nagpapakita.

Ni hindi ko nga siya kilala.

*****

Gabi nanaman.
Alas nwebe.
Si Thyrone nasa kwarto niya.
May kung anong tinatapos na trabaho.

Naririto nanaman ako sa sala.

Hindi pa ko makatulog.

Kaya naisipan kong uminom muna.

Medyo nakakarami na ko nang may narinig akong kalabog sa kusina.

Muli.
Kinabahan nanaman ako.
Pero kahit takot.

Nagawa ko pa ding silipin kong ano ba ang mayroon doon.

Dahan-dahan kong sinilip ang kusina.

Pero wala ako ni aninong nakita.

Kaya naman napagpasyahan kong pumanhik na sa taas kung saan naroroon si Thyrone.

Pero nang makita ko siyang abala eh di na ko tumuloy bagkus sa guess room na lang uli ako pumasok.
At doon na matutulog.

"Napakarumi na ng bedsheet na ito" wika ko.

Ma-alikabok na din.

Kaya tinanggal ko ito upang mapalitan ng bago.

Pero bago yon eh may nakita akong mga hibla ng buhok sa unan.

Puti ang unan.
Kaya naman madali lang itong mapansin dahil itim na itim ang hibla.

Hindi ko na ito binigyang pansin kaya naman nagtungo na ko sa cabinet para maghanap ng ipapalit sa bedsheet.

"Karla.."

Mahina pero rinig ko ito dahil sa malalim na ang gabi.

"Karla.. Tulungan mo ako.."

Paulit ulit..

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko.

"Tama na!!! Lubayan niyo na ako!" basag na hiyaw ko.

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon