Ang babae sa aking panaginip

25 2 0
                                    

Nakarating na kami ng bahay ni Thyrone.
"Wow! Ang laki ng mansion mo Thyrone ha? Kaso parang may pagka-creepy ng slight!" Bulalas ni Mila.

Namangha ako sa bahay niya.
Malaki ito.. 3 stories kulay puti pero halatang old house ito.. Tama si Mila may pagka -creepy talaga tung bahay ni Thyrone. Actually pagbaba pa lang namin ay bigla akong tinayuan ng balahibo sa di ko malamang kadahilanan.

Napansin ko din ang terrace mula sa 2ndfloor ng bahay niya..
Nagtataka lang ako parang pamilyar sakin ang lugar na ito..
Lalo ng makita ko yung fountain sa garden na kaharap lang namin.. Para bang nakapunta na ko dito noon.
"Hoy! Karla naman bat ka nakatulala dyan? Hala tara na daw pasok tayo sa loob" anyaya ni Mila.
Napatingin ako kay Thyrone napangiti siya sakin.

"Mukhang napakalalim ng iniisip mo? Tara halika may mga ipapakita akong paintings sayo sa loob. Ayon kasi kay Mila mahilig ka daw sa art eh" wika niya sabay kindat pa sakin. At bigla niyang hinigit ang kamay ko.
Di ko maiwasang kiligin..

Napanganga kaming pareho ni Mila ng makapasok kami sa loob ng bahay ni Thyrone mala-Mansion ito sa lawak at ganda.
Bubungad ang napakaraming antique collections niya sa sala.
At mas lalo akong nabilib ng makita ko ang mga paintings na sinasabi niya.
"Wow! It so amazing" bilib na sabi ko.
Nagsimula kong tinitigan lahat ng painting napakaganda talaga ..
May isa akong nakita painting na nakakuha talaga ng atensyon ko isang babae.

Nakapaganda, Kulay itim ang buhok na bagsak hanggang balikat , napaka-maputi.. Napakapamilyar ng mukha niya sakin.
Nakita ko na ang babaeng ito.
Bigla akong nagsalita.
"Sino siya"tanong ko kay Thyrone.
Hindi siya sumagot sa tanung ko isang mapait na ngiti lang tugon niya.

"Halina kayo ni Mila sa hapag nakahanda na ang pagkain sa lamesa" anyaya niya.
Tumango na lang ako bilang sagot..

Mag aalas singko na din ng hapon ng umuwi kami ni Mila.
Hinatid kami ni Thyrone para daw mas safe kami makauwi..

Pagkauwing pagkauwi ko humiga ako sa kama ko para makapagpahinga ..
Napagod din ako sa byahe dahil medyo may kalayuan at pagkaliblib ang lugar ni Thyrone..

Ilang saglit lang ay kinapitan ako ng antok.
"Iidlip muna ako." Pagkuway sabi ko sa sarili ko..

Minulat ko ang aking mga mata..
Nasa isang bahay ako..
Mukhang pamilyar sa akin ito..
Lumabas ako ng kwarto
Nakita ko nanaman siya ..
Yong babae
Nandirito nanaman ako
Alam kong nanaginip lang ako..
Pero sinundan ko pa din siya
Lumingon siya sa gawi ko..
Bigla siyang tumakbp para siyang may kinakatakotan..
Tumakbo din ako para sundan siya.

Pero bigla na lang siyang nawala
Nakarinig ako ng putok ng baril.

Bigla ako nagising.
Alas otso na pala ng gabi ..
Tatlong oras din pala akong tulog
Yung babae sa panaginip ko..
Diko alam bakit siya ang laging nasa panaginip ko..

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon