Let the hell game begin

16 2 0
                                    


Papunta na kong uli ng makati para i-check yong mga binebenta naming unit ni Mila.

Kasi naman parang napaka-bigat ng problema niya this past few weeks , so.. Ako na lang  muna mag aaaikaso ng mga to.

Mga past 9 na ng makarating ako rito mula sa tinitirhan ko.

Nagpark muna ko then bumaba ng kotse.
Naglalakad ako ng biglang may humaharorot na sasakyan na mukhang balak akong sagasaan tumakbo ako para makailag.
Nahagip niya ang balikat ko.
Napasigaw na lang ako sa sakit.

"Ahhh!!! " hiyaw ko.

Pagkatapos ay agad ng umalis yong kung sino mang bumangga sakin..

Agad naman akong tinulungan nung guard dito at tinakbo ako sa pinakamalapit na hospital.

Ilang sandali pa..

Nandirito na ko sa hospital.
Nakahiga at nanginginig parin sa takot dahil sa trauma kanina..
Parang gusto talaga kong patayin ng kung sino mang nakasakay doon.

Tinawagan ko si Thyrone kani-kanina lang
At malamang siguro'y malapit na siya dito.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito si Thyrone.

"Oh my god! Karla what happened to you?" Alalang tanong niya sabay tingin sa halos mabali kong kamay.

"I really dont have an idea eh.. Naglalakad lang ako sa may parkinglot ng biglang heto at may gustong sumagasa sakin" paliwanag ko.

Niyapos niya ko at binigyan ng isang napaka-init na yakap at hinalikan sa noo.

"Im sorry wala ko sa tabi mo kanina" wika niya.
"Wala yon.. It's just that natruama lang ako. But im okay now that your here" wika ko sabay ngiti ng napaka-aliwalas..

Hinalikan niya ko sa noo sabay sabi niya ng "i love you"..
Makalipas ang ilang oras nagpaalam muna siya dahil may lalakarin raw sila ng kaibigan niya.

*****

Someone's POV

Alas nwebe na ng gabi.
Nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa pintuan nitong tinutuluyan ko mgayong condo.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. At pinag-buksan ang pinto.

Bigla na lang akong sinampal ni Thyrone at walang anu-ano ay pinag hahampas sa dingding.

"Ahh! Tama na! Ano ba!?" Sigaw ko habang iniinda ang sakit at pag tangis dugo na nagmumula sa ulo ko dahil sa malakas na pagkakahampas ni Thyrone sa matigas na dingding ng condo ko.

"Ikaw na babae ka! Di ba sabi ko sayo huwag na huwag mong sasaktan si Karla! Pag naulit pa ito. Mapapatay na talaga kita!" Bulyaw niya sabay bitaw sa kanina niya pang hawal ng braso ko.
At pakuway binalibag ang pinto at umalis na ng condo ko.

Bigla na lang akong natumba at tuluyan ng nawalan ng malay.

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon