The Girl

8 0 0
                                    


Karla's POV

Nagtungo ako sa veranda at doon muna nag palipas ng oras ito na ang huling araw na mag i-stay kami ni Thyrone rito sa place ng lola niya.

Pero may mga tanong pa din sa isipan ko na di maalis.

Sino ang babaeng kasama ni Thyrone nung isang gabi?

At kaninong necklace ang napulot ko?

Ipinikit ko muna saglit ang mga mata ko.

Nagulat ako ng may biglang babae akong nakita dumaan sa harap ko.

"Miss! Teka lang.." Wika ko.

Pero 'di niya pa din ako nililingon.

Nasa may bandang kusina siya pumasok at agad ko naman siyang sinundan..

Nakita ko siyang nakatalikod at nakatayo sa harap ng kusina.

"Bakit ka narito? Bawal ang mga bisita rito.." Pahayag ko.

Lalapitan ko na sana siya ng mapansin kong nakalutang lang siya sa hangin at hindi nakadampi ang kanyang paa sa sahig.

Agad akong nanindig ng balahibo.

At awtomatikong nanigas sa kinatatayuan ko.

Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

May unti-unting dugo na tumutulo sa sahig galing sa katawan ng babae.

Kahit nakatalikod siya ay rinig na rinig ko na gusto niyang magsalita pero tila 'di niya magawa dahil puro nakakatakot na ungol lang ang naririnig ko.

Tila ba may nakatakip sa mga bibig niya.

At mas lalo kong kinatakot at ikinangatog ng tuhod ko ng bigla siyang pumihit paharap sa kinatatayuan ko.

Mas lalo akong nanginig at kumabog ang dibdib ng makita ko ang itsura niya.

Nakatahi ang bibig niya gamit ang alambre kaya 'siya makapag-salita.

Ang mga mata niya tumutulo ng dugo.

At ang dalawang kamay niya ay may malalalim na sugat sa pulso na parang dahilang napaka-talim na bagay na sumugat rito.

"Uhmmm.. Uhummn.." Ungol niya.

Parang humihingi ng tulong.

Bigla na lang niyang hinablot at kanang kamay ko.

"Wag!"Sigaw ko.

-----

"Karla wake up!!" Sigaw sakin ni Thyrone.

Nakatulog pala ako.

Panaginip lang ba yon?

"Are you okay?" Tanong ni Thyrone.

"Uh? Yeah I'm alright" pahayag ko.

"Good. Kunin mo na mga gamit mo. We are going back to my place." Aniya.

At agad ng kinuha ang mga gamit ko at sumakay ng sasakyan.

Pag tingin ko sa kamay ko ang siyang lalong kinatakot ko.

May marka ng kamay ng pagkakahawak sakin npong babae sa panaginip ko.

Kung ganon hindi ako basta nananaginip lang?

Ano 'to?

Anong nangyayari sakin?

----

//

Short UD.
Yan lang muna guys.
'Di ako makapag isip ng tama eh haha charr!

Drag You To Hell (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon